You are on page 1of 3

Petsa: Mayo 16, 2023

Asignatura: FILIPINO Baitang: 9 Markahan:Ikaapat Oras:60 minuto


Mga Kasanayan: Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng Code:
pormalidad ng gamit nito (level of formality) F9PT-IVd-58
Susi ng Pag-unawa na Ang wika ay nahahati sa iba’t-ibang kategorya, at isa sa kategorya ay ang
Lilinangin: antas ng wika ayon sa pormalidad.
Ang pormalidad ng salita ay nababatay sa ginagamit ng isang indibidwal
batay sa okasyon, katayuan, pagkatao, ginagalawang lugar o panahon.
1. MgaLayunin
Kaalaman Naiisa-iisa ang mga antas at uri ng wika batay sa pormalidad.

Kasanayan Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggalian ng mga


tauhan sa akda gamit ang antas ng wika ayon sa pormalidad.
Kaasalan Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng:
-damdamin
-matibay na paninindigan
Kahalagahan Nailalahad ang kahalagahan ng antas at uri ng wika batay sa pormalidad na
gamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
2. Nilalaman Antas ng Wika Batay sa Pormalidad

3. Mga Kagamitang video presentation, laptop at LED TV


Pampagtuturo
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain
(7 minuto)

4.2 Pagsusuri Susuriin ang kaalaman ng mga mag-aaral ayon sa kanilang nagging kasagutan
sa Panimulang Gawain gamit ang mga sumusunod na mga tanong:
(8 minuto) 1. Anu-ano ang mga salitang makikita ninyo mula sa mga salitang
pinagpipilian mula sa loob ng kahon?
2. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
3. Gaano kalawak ang iyong nalalaman sa paksang ating tatalakayin
ngayon araw?
4.3 Pagtatalakay Antas ng Wika ayon sa Pormalidad
Ang wika ay nahahati sa iba’t-ibang kategorya, at isa sa kategorya ay ang
(10minuto) antas ng wika ayon sa pormalidad.
Ang pormalidad ng salita ay nababatay sa ginagamit ng isang indibidwal batay
sa okasyon, katayuan, pagkatao, ginagalawang lugar o panahon.
Mga Antas
1. Pormal- ito ang antas ng wika na itinuturing na pamantayan sapagkat
ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit sa karamihang nakapag-aral
sa wika. Ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan at iba pang
pangkapaligirang intelektwal.

2. Di-Pormal o Impormal- Ito ang uri ng salita na karaniwang palasak sa pang-


araw-araw na pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at
kaibigan.
Mga uri ng Pormal na Salita
1. Pambansa-Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika o pambalarila. Kadalasan itong ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan

Halimbawa:
Ama Doktor
Ina Pulis
Anak Pera
Pulis Hospital
Guro Pamilihan
2. Pampanitikan -Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
mga akdang pampanitikan. Karaniwang matayog, masining, at makulay ang
mga salita

Halimbawa
Haligi ng tahanan Salapi
Ilawan ng tahanan Sasakyang Panlupa
Alagad ng simbahan Mabulaklak ang dila
Alagad ng batas Katuwang sa buhay
Sumakabilang-bahay Sasakyang pandagat
Mga Uri ng Di-Pormal na salita
1. Lalawiganin- Ito ay mga bokabularyong dayalektal. Ginagamit ang mga ito
sa isang partikular na pook o lalawiganin

Halimbawa:
Iskapo (takas) Atche (ate)
Datong (pera) Banas (init)
Kaon (kain) Itang/Tatang (tatay)
Balay (bahay)
Inang (nanay)
2. Kolokyal-Ito ay mga pang-araw-araw na salitang ginagamit sa pagkakataong
impormal. Kasama na rito ang pagpapaikli ng salita.
Halimbawa:
Dalwa (dalawa)
Meron (mayroon) Nasan(Nasaan)
Dyan (diyan) Kelan(Kailan)
3. Balbal-Ito ay mababang antas ng wika. Nagmumula ang mga salitang ito sa
mga pangkat ng taong may sariling “code”.
- Ito ay mga salitang Pangkalye o Panlasangan.
- Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita.

Halimabawa:
Ermat/mudra (nanay)
Lodi (idol)
Parak (pulis)
Werpa (power)
Bilang karagdagan, atin ding tatalakayin kung ano ang Mock Trial, sapagkat sa
inyong huling pagsubok kayo ay lilikha ng sarili ninyong Iskrip ng Mock Trial.
Handa ka na bang malaman ito?
Alam mo ba na…
Ang Mock Trial ay isang paraan ng panggagaya sa kung ano ang nangyayari sa
isang totoong paglilitis sa korte. Ginagawa ito kung minsan ng mga abogado
bilang paghahanda sa totoong paglilitis, gumagamit sila ng mga boluntaryo na
gaganap sa mga eksena ng paglilitis para masubok at makapagsanay sila.
Ginagawa din ito ng mga estudyante na nag-aaral ng pagka-abogasya para
maging pamilyar sa legal na Sistema ng paglilitis sa mahusay na paraan. Tulad
ito ng isang pagsasadula na ang bawat isa ay magpapanggap sa papel na
ibinigay sa kanila.
Halimbawa magpapanggap ka bilang isang hukom, akusado, testigo, o iba pa.
Ang mga pangyayari ay katulad din ng mga pangyayari sa isang totoong paglilitis.
Sa Paghahanda ng Mock Trial, mahalaga ang mga sumusunod:
1. Pagbuo ng skrip sa isasagawang Mock Trial.
2. Mga tauhang gaganap ng mahahalagang papel tulad ng:
a. Mga abogado ng dalawang panig
b. Naghahabla o nagrereklamo
c. Pinag-uusig o nirereklamo
d. Taga-media
e. Alagad ng batas
f. Hukom
3. Pagpapabatid ng prosesong isasagawa sa loob ng hukuman tulad ng:
a. Tuwirang pagtatanong
b. Kawing-kawing na pagtatanong
c. Pangwakas na argumento
4.4 Paglalapat Panuto: Sumulat sa sagutang papel ng isang iskrip ng Mock Trial
(20 minuto) tungkol sa Paghahanap ni Cristosto Ibarra sa bangkay ng
kanyang ama na si Don Rafael Ibarra gamit ang Antas ng Wika
ayon sa Pormalidad

5.Pagtataya
(10 minuto)

6. TakdangAralin
(2 minuto) Magdala ng mga gamit sa pagguhit (halimbawa: lapis, coloring materials
at iba pa)
7. Paglalagom/Panapos na Ilahad ang kahalagahan ng antas at uri ng wika batay sa pormalidad na gamit sa
Gawain (3 minuto) pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Inihanda ni:
Pangalan: JOHN RULF L. OMAYAN Paaralan: MATAB-ANG NHS
Posisyon/Designasyon: T-I Sangay: TOLEDO CITY DIVISION
Contact Number: 09163605959 Email address:

You might also like