You are on page 1of 2

MODYUL 2

PAGPROSESO NG IMPORMASYON SA KOMUNIKASYON

Layunin:

1.Nauunawaan ang kahulugan at kalikasan ng komunikasyon.


2.Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng komunikasyon.
3.Nakapaglalahad ng mga sitwasyong napanonood at napakikinggan hinggil sa
komunikasyon.
4.Nakabubuo ng sariling modelo ng komunikasyon.

“Ang tiyak na pundasyon ng mabuting komunikasyon ay


kung mararamdaman ng bawat tao na siya ay natatangi at mahalaga.

- Anonymous –
IKONEK MO ANG APPS KO!
Tingnan ang poster at isulat ang mga icons na ginamit dito.

Gabay na Tanong:

1. Anu-ano ang mga simbolo na ginamit sa larawan?


2. Bakit gumamit ng mga “broken lines” sa bawat icon?
3. Paano ginagamit ang mga simbolo sa isang proseso ng komunikasyon?

Panimula

Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nagkalat sa iba’t ibang literaturang


pangwika na nababasa natin sa mga aklat. Ito ay nagpapaalalala sa atin na hindi natin
mapasusubalian na sa mundong ito, hindi natin maiiwasan ang komunikasyon. Sa
pangkalahatan, ang komunikasyon ay nabuo sa pakikisalamuha o pakikipag-ugnayan natin
sa ating kapwa na may iba’t ibang tradisyon, ugali, karanasan at paniniwala.

Sa Modyul na ito, ipaliliwanag ang kakahulugan, kalikasan, prinsipyo, komponent,


proseso, modelo at gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.

ARALIN 4
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG KOMUNIKASYON

Ang nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon. Katulad din ito ng


pagbabasa sa mga nakasulat sa billboards, panonood ng telebisyon, pagbukas ng
Facebook upang basahin ang mga post ng mga kaibigan ay mga bahagi ng
komunikasyon.

Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na “communis”, ang ibig sabihin ay


“maging komon o magbahagi. Ito ay isang proseso ng pagbuo at paghahatid ng mga
mensahe upang makabuo ng ng kahulugan batay sa impluwensiya ng mga particular na
mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.

Ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe


tungo sa pagkaunawa ng isang tao o higit pang kalahok gamit ang makrong kasanayan
tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood. Proseo ito dahil ang
nagpapahiwatig ng mga mensahe na nagpapahayag ng mga kahulugang nakapaloob sa
isang Sistema ng signipikasyon. Ang sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng signifier
at signified at ang kanilang ugnayan ay arbitraryo kaya’t iba-iba nag mga pahiwatig ng
mga wikang ginagamit sa komunikasyon sa iba’t ibang panahon, lugar at konteksto tulad
ng suot na damit, hitsura, tindig, kilos, gawi at iba pang nagpapahayag ng mga
mensaheng nababasa at nauunawaan ng mga tao.

You might also like