You are on page 1of 10

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO

Learner’s Material

Office of the School Registrar


TRENT INFORMATION FIRST TECHNICAL CAREER INSTITUTE, INC. RLC Bldg. National Road Taytay, Rizal
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

Talaan ng Nilalaman
IKA-1 LINGGO ......................................................................................................................... 3

SEATWORK#1 ......................................................................................................................... 7

TASKSHEET#1 ......................................................................................................................... 7

QUIZ#1 ...................................................................................................................................... 8

MEDIA SCRIPT ........................................................................................................................ 9

Page 2 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

IKA-1 LINGGO
ARALIN 1: MGA KONSEPTONG WIKA, WIKANG PAMBANSA
WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL

Kasanayang Pagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

Balangkas:
1. Panimula
2. Katangian ng wika
3. Mga antas ng Wika
4. Pambansang Wika
5. Wikang Opisyal
6. Wikang Panturo

PANIMULA

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano
katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang
siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa
wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang
lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula
ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat
nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" -
sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may
tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

KATANGIAN NG WIKA

1. Tunog ang batayan sang ng wika - Ang ano mang tunog ay may kahulugan ay maituturing na
wika. Ang tunog na nalilikha ng tao ay nagmumula sa mga aparatong gumagana mula sa kanyang
katawan katulad ng artikulodor at resonador.
2. Ang wika sa arbitraryo - ang salitang arbitraryo ay pagbuo ng mga simbulo at tunog na
kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisipan buhat sa mga taong may sosyal na
relasyon,ugnayan, o interaksyon sa isa’t isa. Ang mga taong kabilang sa isang tiyak na pook o
pamayanang gumagamit ng wika ang nagpapasya ay nagdidikta sa mga salitang gagamitin at
tuntuning dapat sundin.

Halimbawa:
TAGALOG ---------------IBON
ILOKANO ----------------BILIT
CEBUANO ---------------LANGGAM
BILOKANO --------------GAMGAM

Page 3 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

3. Ang wika ay Masistema- ang batayan sangkap ng wika ay tunog, samakatuwid binubuo ang
wika ng mga tunog. Ngunit walang kahulugan ang tunog kung ito’y nag-iisa. Sa pagsasama sama ng
mga tunog sa isang tiyak na ayos lalo itong nagiging makahulugan sapagkat nabubuo ang
makabuluhang yunit ng mga salita (morpema) na maaaring magkarga ng bago o ibang kahulugan
kung ito’y isasama sa iba pang mga salita. Sa pagsasama sama ng mga salita sa isang tiyak na ayos ay
lalo itong nagiging makabuluhan sapagkat nakabubuo ang mga ito ng mga pangungusap.
Samakatuwid, may sinusunod na istruktura o tuntuning gramatikal ang wika sa daigdig a
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas o patern. Kaya kung ihahambing ang
sistematikong balangkas sa pagbuo ng parirala o pangungusap ng wikang Filipino sa wikang ingles,
makikita ang pagkakaiba nito.

Halimbawa:
Filipino: Batang malusog, malusog na bata
Ingles: Healthy child

4. Ang wika ay Komunikasyon-nagaganap ang komunikasyon sa pagitan ng mga taong kasangkot


sa isang panlipunang kaganapan o sosal sa ponema, ginagamit na ang wika bilang komunikasyon sa
maayos na pakikipagkalakalan. Sa pamamagitan ng aborigin ng mga bilang ay matutukoy kung ang
isang lahi ay nagkakaroon ng ugnay o interaksyon sa isa’t isa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.

5. Ang wika ay nakabatay sa kultura - ang kultura ay tumutukoy sa isang sistema kung saan ang mga
taong kabilang sa lipunan ay kabahagi ng paniniwala, pamana, kaalaman, pag-uugali, at
pagpapahalaga. Ang wika ay kabuhol ng kultura kung kaya ito’y nakalaan lamang sa isang tiyak na
lipunan at sa mga taong gumagamit nito.

HALIMBAWA:
Ang salitang kanin sa iba’t ibang baryasyon
ILOKANO
TAGALOG
INGLES

ILOKANO TAGALOG INGLES


Nakabasa Basa Cooked Rice (watery)
Nakset Sunog Cooked rice (burnt)
Nakusel Malata --
Kirog Sangag Cooked rice (fried)

6. Ang wika ay nagbabago o dinamiko - ang wika ay patuloy na nagbabago dala ng panahon at
ugnayan ng mga tao sa isa’t-isa. Habang tumatagal ang panahon ay mas dumarami ang mga taong
nagnanais na makiugnay sa isa’t-isa dala ng panlipunang pangangailangan.

Page 4 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

7. Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay - ang wika ay sentro ng karanasan bilang tao. Ang
lahat ng konseptong tinataglay ng tao o hinggil sa mga bagay-bagay sa mundo ay nagmula sa
kanyang wikang ginagamit. Masasabing ang wika ang humuhulma sa kaisipan ng tao sapagkat gamit
ang wika, naipapakita ng tao kung papanu niya nakikita ang mundo o lipunang kinabibilangan.

MGA ANTAS NG WIKA

1. Kolokyal/pambansa
Ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na
kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino

2. Kolokyalismong karaniwan
Ginagamit na salitang may "Taglish"

3. Kolokyalismong may talino


Ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan

4. Lalawiganin/Panlalawigan
Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.

5. Pabalbal/balbal (salitang kalye)


Pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na
grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga
salitang Kolokyal/pambansa.

6. Pampanitikan/panitikan
Wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

PAMBANSANG WIKA
Sang-ayon sa Artikulong XIII, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso ay dapat gumawa
ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa mga umiiral na
katutubong wika. Naniniwala si Pang.Manuel L. Quezon na ang pagkakaroon ng isang
pangkalahatang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika o diyalekto at ginagamit ng buong
sambayanan ay magiging isang “tunay na bigkis ng pambansang pagkakaisa”. Upang maisakatuparan
ang kaniyang pananaw, itinatatag ni Pangulong Quezon, sa bias ng Batas Komonwelt Blg.184, ang
Surian ng Wikang Pambansa na may mandatong pumili ng katutubong wikang gagamiting batayan
para sa ebolusyon at adapsiyon ng Pambansang Wika ng Pilipinas na isinaalang-alang ang mga
katotohanang gaya ng: (a.)wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekaniks, at literatura. (b.) wikang
tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Noong ika-9 ng nobyembre 1937, pinagtibay
ng surian ang isang resolusyon na nagrerekomenda sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika
dahil”ito ang wikang halos tumutugon sa mga pangangailangan ng Batas Komonwelt Blg.184.”
pinatibay ito ni pangulong Quezon sa bias ng kautusang tagapagganap blg.134 na [pinatupad noong
1927 sang ayon ditto:

Page 5 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

…bilang pag-alinsunod sa mga tadhana ng seksiyon 7 ng batas komonwelt blg. 184, at sa


rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa na isinasaad sa isang resolusyong nabanggit, ay
nagpapatibay ng adapsiyon ng tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng pilipinas,at sa
pamamagitan nito’y nagpapahayag at nagpopoklama sa pambansang wikang batay sa diyalektong
Tagalog,bilang pambansang wika ng pilipinas.
Ang pambansang wika ng pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, Ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng pilipinas at sa iba pang mga wika.

Filipino? Pilipino? Tagalog? Alamin kung ano nga ba ang Pambansang Wika ng Pilipinas.

WIKANG OPISYAL

Ipinaliwanag ni Tope Omoniyi ang pagkakaiba ng pambansang wika sa wikang


opisyal at ang kinalaman ng dalawa sa sa pagbuo ng pambansang identidad. Ang pambansang wika
ang wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan sa isang bansa para magsimbolo ng kanilang
pagkakakilanlan. Hindi lamang ito kinikilala ng mamamayan, dinadama rin nila ito kaya ang
pambansang wika ang siyang gamit sa mga okasyong nadadama ng mamamayan ang kanilang
pagkamamamayan, gaya ng pag-awit ng pambansang awit o panunumpa ng katapatan sa watawat.
Mas masaklaw ito, samakatuwid, ang opisyal na wika naman ang wikang itinalaga ng tiyak na
institusyon para maging wika ng opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksiyon ditto,
halimbawa’y ang pamahalaan o isang kompanya o isang organisasyon. Halimbawa, Ingles ang opisyal
na wika ng isang gobyerno, kapag nagpulong ang gabinete nito ,ingles ang dapat gamitin. Mas tiyak
ang opisyal na wika sa makatuwid.

WIKANG PANTURO

Ang opisyal na wikang gamit sa klase. Ito ang wika ng talakayang guro-estudyante. Malaki ang
kinalaman ng wikang panturo sa mabisang pagkatuto dahil ditto nakalulan ang kaalamang
matututunan sa klase. Kapag may depekto ang wikang panturo, magkakaroon din ng problema sa
pagtatamo ng kaalaman.

Page 6 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

SEATWORK#1
Panuto: Magbigay ng sariling pahayag ukoy sa mga tinalakay na wika.
Ano ang iyong pahayag sa mga tinalakay na wikang pambansa,wikang opisyal at wikang panturo?
Ipaliwanag
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

TASKSHEET#1
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na magbibigay ng kahalagahan at kabuluhan ng mga napagralan
na wikang pambansa.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Page 7 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

QUIZ#1
Panuto: Basahin mabuti kung ang mga sanaysay sa ibaba ay Tama o Mali.

1. Sa antas ng wika, ang kolokyanismo ay wikang ginagamit ng mga magaaral hindi lamang sa
loob ng paaralan.______

2. Ginagamit ang wika upang magkaroon ng ugnayan ang kaparehong lahi sa isang bansa._____

3. Ang “tsikot” ay isang halimbawa ng Balbal na wika na ang ibig sabihin ay chocolate. _____

4. Ang wika ay walang kaugnayan sa kulturang pinagmulan.______

5. Ang wika ay patuloy na magbabago kahalintulad ng pagbabago ng ugnayan ng mga tao.


______

6. Ang isang mahalagang bahagi ng pakikipagtalastasan ay wika. _____

7. Ang wikang opisyal na ginagamit sa mga pormal na transaksyon ay ang wikang Ingles. ______

8. Wikang talakayan o guro-estudyante ay gumagamit ng wikang panturo na Ingles sa pribado at


pampublikong paaralan._______

9. Ang pambansan Sistema ng edukasyon sa umpisa ng ika-20 na siglo ay


monolingguwal._______

10. Tagalog ang nagging basehan ng wikang Pambansang Filipino. _____

Page 8 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

MEDIA SCRIPT
Text Video
Unang Linngo : Aralin 1 Introduksyon sa Wika
Video #1
PAGAGANYAK:

00:04 KAMUSTA!
WIKA:
KATANGIAN
00:10 - Ang WIKA ay biyaya ng Dyos sa
atin!
00:11 - Narito ang ilang katangian ng
WIKA:
00:22 - UNA
Ang wika ay masistemang
Balangkas
00:30 - PANGALAWA
Ang Wika ay sinasalitang
tunog
00:40 - IKATLO
Ang Wika ay pinipili at
isinasaayos
00:50 - IKAAPAT
Ang wika ay Arbitraryo
00:60 – IKALIMA
Ang Wika ay ginagamit
01:08 – IKAANIM
Ang Wika ay nakabatay sa
Kultura
01:17 – IKAPITO
Ang wika ay Nagbabago
01:26 – IKAWALO
Ang Wika ay Komunikasyon
01:37 – IKASYAM
Ang Wika ay Makapangyarihan
01:43 - IKASAMPO
Ang Wika ay Kagilas-gilas

01:50 – Kahalagahang Global Interaksyunal


1. Focus
2. Jornal
3. Varyti
4. Valyu
5. Gamit

02:02 – MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!


02:09 – SANA AY MAY NATUTUNAN SA
ARAW NA ITO HANGGANG SA SUSUNOD….

Page 9 of 10
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

Page 10 of 10

You might also like