You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Tagapangalaga at Di-tagapagdomina ng Kalikasan


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Nicole A. Castro


Editor: Marlonito C. Padillo, Amado R. Amado
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City


Edukasyon sa
Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Tagapangalaga at Di-tagapagdomina ng Kalikasan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Modyul para sa araling Tagapangalaga at Di-tagapagdomina ng Kalikasan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa
Tagapangalaga at Di-tagapagdomina ng Kalikasan

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos


mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang


malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-


aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay


naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang;

LO 5A: Napangangatwiranan na inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang


kalikasan at hindi tagapagdomina ng para sa susunod na henerasyon.

LO 5B: Napangangatwiranan na binubuhay tayo ng kalikasan.


na may tiyak na layuning;

A. Naisa-isa ang mga inaasahang gampanin natin bilang tao sa


kalikasan;

B. Napangangatwiranan na inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang


kalikasan (Stewards) at hindi tagapagdomina para sa susunod na
henerasyon; at

C. Napapahalagahan ang kalikasan sapagkat binubuhay tayo nito.


PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Magtala ng mga sitwasyon na nagpapakita na ang tao ay


tagapangalaga ng kalikasan at ang tao bilang tagapagdomina ng kalikasan.
Isulat sa wastong hanay ang sagot.

TAO BILANG TAGAPANGALAGA NG TAO BILANG TAGAPAGDOMINA NG


KALIKASAN KALIKASAN
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.
BALIK-ARAL

Panuto: Gamit ang mga salita sa ibaba, punan ang mga patlang ng
wastong salita upang mabuo ang diwa ng talata.

Ang ay naatasang pangalagaan at ingatan ang


dahil ito ang bumubuhay sa kaniya. Tayo lamang ang napili ng
na mangasiwa dito dahil sa ating taglay na Siya
mismo ang nagbigay. Kaya naman inaasahan sa lahat ng pagkakataon na
ang inatang sa atin ay ating maisagawa. Kasabay ng
pagbibigay sa atin ng tahanan. Tayo rin ay binigyan ng na
nangangahulugang maimpluwensiyahan ang kapwa-tao na gumawa at
lumikha ng mabuti para sa .
Marami man ang pumipiling gawin pa rin ang
sapagkat ito ay
kinasanayan na, pilitin natin ang ating sarili na maging iba sa kanila.
Nag-iisa ka mang gumagawa ng tama sa sampung tao, huwag
magpaimpluwensiya at gamitin ang matalinong ikaw ay mayroon. Dahil ikaw
na tama ay .

Kapangyarihan Masama Tungkuling

Tao Pagpapasiyang Bukod-tangi

Panginoon Kalikasan Kabutihang-panlahat

Tama iba Katalinuhan


ARALIN

TAO: TAGAPAGDOMINA NG KALIKASAN

Sa mga nagaganap na pagbabago sa mundo dulot ng malabis na


paggamit ng kalikasan, ating nababatid at higit na nauunawaan na tao ang
siyang dahilan ng pagkasira at pagkawasak nito. Walang ibang dapat sisihin
at ituro kundi ang tao na siyang tagapagdomina ng kalikasan. Sa pagnanais
na umunlad at makamtan ang kaunlaran, binabalewala na ang mga signos
ng kalikasan. Patuloy pa rin sa pagputol ng puno, pag-convert ng mga
sakahan tungo sa pagiging subdibisyon, mapanirang pagmimina at
pangingisda, pagsusunog ng mga bagay na nagdudulot ng global warming at
kung anu-ano pa. Ikaw, ano ang mga napapansin mong pagdominang
ginagawa ng tao sa kalikasan sa loob ng tahanan at sa komunidad? Itala sa
ibaba ang iyong mga kasagutan.

PAGDOMINANG GINAGAWA
NG TAO SA LOOB NG
TAHANAN

PAGDOMINANG GINAGAWA
NG TAO SA
KOMUNIDAD/BANSA

PAGDOMINANG GINAGAWA
NG TAO SA LABAS NG
BANSA

TAO: TAGAPAMAHALA NG KALIKASAN


Tao ang naatasan ng gampaning pamahalaan ang sanlibutan dahil siya
ang tinuring na kawangis ng Panginoon. Sa lahat ng nilikha siya ay bukod-
tangi dahil sa taglay na isip, kilos-loob at konsensya. Kung kaya naman
inaasahang magagawa niya ang responsibilidad na ito ngunit ano ba ang
kahulugan ng Stewardship o tagapamahala? Bakit natin dapat gampanan
ito? Ano ang kahalagahan nito sa tao at sa mundong ginagalawan natin?
Ang Stewardship o tagapamahala sa teolohikal na paniniwala ay
nangangahulugang: ang mga tao ang siyang responsable sa pag-iingat at
pangangalaga ng sanlibutan. Ang mga taong naniniwala bilang sila ay
tagamapahala ay mga taong naniniwala na sila at ang buong sanlibutan ay
nilikha ng Panginoon. Ikaw bilang isang tao, Alam mo ba ang gampanin mo
sa Kalikasan? Nakatala sa mga bilog ang iyong mga gampanin sa kalikasan,
bigyan ng maiksing paliwanag ang mga ito.

1.
Pangalagaan
ang
Kalikasan

2. Ingatan 3. Mahalin
ang MGA GAMPANIN NG ang
Kalikasan TAO SA KALIKASAN Kalikasan

4. Limitahan 5. Gamitin
ang ng Tama ang
paggamit ng Kalikasan
Kalikasan

TAO BILANG TAGAPAMAHALA AT DI-TAGAPAGDOMINA NG KALIKASAN


Nakasaad sa ating Saligang Batas, Seksyon 16, Artikulo II na dapat
nating pangalagaan at isulong ang karapatan ng sambayanan sa timbang at
kanais-nais na ekolodyi nang naaayon sa aluy-oy at tugma ng kalikasan.
Ayon dito ang pag-unlad ng ekolohiya ng bansa ay nararapat na naaayon sa
preserbasyon ng ating kalikasan upang maisagawa at masunod ang batas na
ito, nagtulong-tulong ang mga nasa gobyerno at nagsagawa pa ng mga batas
na higit na makatutulong upang magawa natin ang ating gampanin bilang
tagapamaha ng kalikasan. Una ay ang R.A No. 8749 o mas kilala sa titulong
Philippine Clean Air Act of 1999. Ang batas na ito ay nagbibigay ng karapatan
sa mga mamamayan na makalanghap ng sariwa at malinis na hangin at
paggamit sa kalikasan sang-ayon sa Principles of Sustainable Development.
Ang ilan pa ay ang R.A 7586 na kilala sa tawag na National Integrated
Protected Areas, System Act of 1992 na kumikilala sa mahigpit at istriktong
pagpapanatili ng biyolohikal at pisikal na pagkakaibaiba sa kapaligiran, R.A
7942 na kilala rin bilang Philippine Mining Act of 1995 ay batas na
kumikilala sa lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa mga lupain sa
bansa ay pag- aari nito. Mayroon ring R.A 9003 kilala rin bilang Ecological
Solid Waste Management Act of 2003 na nagtakda ng ibat ibang pamamaraan
upang makolekta at mapagbukod-bukod ang mga solid waste sa bawat
barangay. Marami pang batas na ginawa upang maprotektahan at
mapangalagaan ang Kalikasan. Patunay lamang ito na may ginagawa ang
mga tao upang maipagpatuloy ang buhay ng sanlibutan ngayon hanggang sa
susunod pang henerasyon. Bilang tagapamahala ng kalikasan nararapat na
protektahan natin ang lahat ng nilikha ng Panginoon.

ANO ANG GAMIT NG TALATA NA ITO SA PAGSASANAY. MAARI BANG ISAMA ANG
NILALAMAN NG TALATA SA PAGSASANAY 1
MGA PAGSASANAY

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Anong batas na nabanggit sa aralin ang sa iyong opinyon ang higit na


nangangailangan ng pangil at tulong mula sa pamahalaan at bakit?

2. Bakit mahalagang isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan at ano ang


mga kakayahang mayroon ka upang maisabuhay ito?

3. Ano ang mga nakikita mong hadlang upang hindi magawa ng isang tao
na pangalagaan ang kalikasan at bakit?

1.

2.

3.

.
PAGLALAHAT

Itala sa bawat kahon ang inyong natutuhan sa Modyul na


tinalakay.

1. 2.

TAO:
TAGAPANGALAGA AT
DI-TAGAPAGDOMINA
NG KALIKASAN

3. 4.

PAGPAPAHALAGA

Lumikha ng isang saknong ng tula na nagpapahayag ng kahalagahan ng


kalikasan sa sanlibutan.
PANAPOS NA
PAGSUSULIT

PANUTO: Isulat ang N kung ang tinutukoy sa bilang ay nagpapakita ng


pagiging isang Tagamapahala ng Kalikasan at C naman kung ang tinutukoy
ay pagiging Tagapagdomina ng Kalikasan.

1. Pagputol ng puno
2. Pagtapon ng basura sa tamang tapunan
3. Ang kalikasan ay hindi dapat gamiting kasangkapan.
4. Sumunod sa batas at sumunod sa mga nagpapatupad nito.
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Ang pangangalaga sa kalikasan ay gawaing panlahat.
7. Ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng pagbabago
ng pamumuhay.
8. Mabuhay ng simple.
9. Pagpapatayo ng pabrika at ibang korporasyon sa mga dating
sakahan
10. Isaalang-alang ang kalikasan sa pag-unlad ng bansa.
11. Kainin ang lahat ng uri ng hayop na mahuhuli.
12. Magkaroon ng disiplina sa paraan ng pamumuhay.
13. Gamitin ang kapangyarihan upang maisagawa ang mga bagay na
ipinagbabawal.
14. Ipabatid sa mga nakababatang kamag-anak na ang kalikasan ay di
lamang para sa atin bagkus para sa susunod pang henerasyon.
15. Gumamit ng sasakyang naglalabas ng maitim at maduming hangin.
SUSI SA PAGWAWASTO

15. C 10. N C
14. N 9. C N
13. C 8. N N
12. N 7. N N
11. C 6. N C
PANAPOS NA PAGSUSULIT

BUKOD-TANGI
PAGPAPASIYANG
MASAMA
KABUTIHANG-PANLAHAT
KAPANGYARIHAN
TUNGKULING
KATALINUHANG
PANGINOON
KALIKASAN
TAO
BALIK-ARAL

Sanggunian
Mula sa Aklat:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul
para sa Mag-aaral. Pilipinas: FEP Printing Corporation
Mula sa Internet:
Stewardship (theology). (2020, August 15). Retrieved September 20, 2020, from
https://en.wikipedia.org/wiki/Stewardship_(theology)
Https://brainly.ph/question/1590383. (n.d.).
Mga karapatan at responsibilidad ng mamamayan sa kalikasan. (2018, June 24). Retrieved
September 20, 2020, from https://www.bulgaronline.com/single-post/2018/06/24/Mga-
karapatan-at-responsibilidad-ng-mamamayan-sa-kalikasan

You might also like