You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

I.LAYUNIN :
MELC: Naibabahagi ang katangian/kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. (F11PS – IIIb – 91)
Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang mga katangian/kalikasan ng tekstong Argumentatibo
2. Nakasusuri ng halimbawa ng tekstong Argumentatibo batay sa mga katangian/kalikasan
nito.
3. Nakasusulat ng isang tekstong Argumentatibo na nagpapakita ng mga katangian/kalikasan
nito.

II.PAGLALAHAD NG ARALIN
Tekstong Argumentatibo

Ang tekstong Argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin o hikayatin ang mambabasa o tagapakinig


ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, kundi ito ay batay sa datos o
impormasyong inilatag ng manunulat.
Upang maging mabisa ang panghihikayat, tekstong ito ay gumagamit ng mga sumusunod na elemento ng
panghihikayat.

1. ethos---karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita.

 Ito ang nagpapasiya kung dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang nagsasalita.


 bilang manunulat o tagapagsalita, ikaw ba ay eksperto sa larangan ng paksang iyong
tinalakay? May kredibilidad ka bang magsulat o magsalita tungkol dito? (kakayahan at
kaalaman sa paksa)

2. Logos---ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat

 salitang Griego na tumutukoy sa pangangatwiran


 panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman
 tumutukoy din sa pagiging lohikal ng nilalaman kung may katuturan ba ang sinasabi para
makahikayat o makapaniwala
3. Pathos -emosyon ng mambabasa/tagapakinig.

 Bilang manunulat o tagapagsalita, mapupukaw mo ba ang damdamin ng mambabasa o


tagapakinig?
 Kinakatok ng manunulat o tagapagsalita ang damdamin ng mambabasa o tagapakinig.
 Gumagamit siya ng mga salita, parirala o pangungusap na nakaaantig ng damdamin.

Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi – ethos, pathos, at logos, mas ginagamit ng tekstong


argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga
argumento, katwiran at ebidensyang nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto
Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng mabisang tekstong argumentatibo ang pagkakaroon ng pokus sa
pamamagitan ng maayos na paghahayag ng tesis nito. Nilalagom sa tesis ang posisyon ng may-akda
tungkol sa isang usapin. Ang tesis ay sinusuportahan ng mga argumento na hindi bababa sa tatlo. Ito ang
mga dahilan ng may-akda sa pagpapahayag ng kanyang posisyon o tesis kaugnay ng paksa. May mga
pagkakataon na hindi ito tahasang nakahayag bilang isang pangungusap ngunit ipinahihiwatig ng lahat ng
suportang pahayag tungkol dito.
Tumitibay naman ang argumento ng isang teksto sa pamamagitan ng mga suportang pahayag na
naglalaman ng mga ebidensiya o patunay ng argumento. Ang mga patunay ay dapat hango sa
katotohanan kung kaya nangangailangan ito ng masusing pananaliksik para maisulat. Maaari itong mga
estatistika, anekdota, mga nabasa sa mga nailimbag na sanggunian at iba pa. Dapat lang na
komprehensibo ang pagtalakay sa bawat ebidensya at sapat para suportahan ang paghahayag ng tesis.
Ang pagtalakay sa mga ebidensya ang nagsisilbing katawan ng tekstong argumentatibo kung kaya
mahalagang organisado, mapagkakatiwalaan ang sanggunian at lohikal ang nilalaman nito.
Ilan sa mga halimbawang sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo ang posisyong papel,
papel pananaliksik, editoryal at petisyon.

III.PAGSASANAY
A. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng katangian/kalikasan ng
tekstong Argumentatibo. Isulat sa Graphic Organizer sa ibaba ang inyong mga kasagutan.
1. Layunin ng teksto na mahikayat o makumbinsi ang babasa gamit ang mga datos o
impormasyong inilatag ng manunulat.
2. Naglalahad ito ng mga kaalaman o impormasyong nagpapaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa isang paksa.
3. Naglalahad ito ng posisyon ng may-akdang suportado ng mga ebidensya.
4. Ito ay parang pakikipagdebate nang pasulat.
5. Ito ay nakapagtuturo rin ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang
pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat.
6. Naglalahad ng tesis na nagpapakita ng posisyon ng may akda batay sa paksa.
7. Ginagamit ang Logos na paraan ng panghihikayat sa pamamagitan ng mga patunay.
8. Mas binibigyang pansin ang pag-apela sa damdamin ng mga tagapakinig o mambabasa kaysa sa
ebidensiya.
9. Malayang inilalahad ng may akda ang kanyang posisyon na nakabatay sa pansariling opinion.
10.Ang tesis na inilahad ay sinusuportahan ng hindi bababa sa tatlong argumento.

MGA KATANGIAN/KALIKASAN NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumsusunod na saknong ng isang BALAGTASAN bilang
halimbawang ito ng Tekstong Argumentatibo.

DEATH PENALTY, DAPAT O HINDI DAPAT?


Ni: Ricky L. Jamisola
DAPAT:
Sa lahat ng nakatanghod dito at doon
Pagbati ng abang lingkod ay sumasainyo ngayon
Buksan ang inyong puso’t imahinasyon
Upang katwirang ibabato ngayon ay masagot ng tugon

Hatol na kamatayan ay dapat ibalik lamang


Sa mga taong kriminal, salot sa lipunan
Upang itong bayan ay magkaroon ng kapayapaan
Masisiguro kaligtasan ng bawat mamamayan

Sa ganitong paraan disiplina ay matatandaan


Ng bawat tao matanda o bata man.
Kaya naman mga kaibigan, inyong pakalimiing tunay
Dulot na kabutihan ng hatol na kamatayan.

DI-DAPAT:
Katarungan! Katarungan! Yan ang aking hiyaw!
Pagkat hatol na kamatayan ay pilit na binubungkal
Ito raw ang sagot sa hangad na kapayapaan
Ayon sa katunggali kong baluktot mangatwiran
Paanong magiging sagot hatol na kamatayan
Kung kapalit nama’y paglabag sa batas at katarungan?

Di ba’t kaya naman laganap ang karahasan sa lipuna’t bayan


Ay dahil sa walang humpay na patayan?
Ngayon hatol na kamatayan ay magbabangon sa hukay
Para ano’t, para sa saan? Hindi ko maunawaan!

Ang tanging nababatid ko’y isa itong kabaliwan


Na wari ba’y wala sa huwesyo itong aking kaibigan
Pagkat sa totoo lang ang hatol na kamatayan
Ay kabalintunaan sa tunay na kahulugan ng katarunga’t kapayapaan!

DAPAT: (ikalawang Tindig)


Mukhang ilusyunado itong aking katunggaling nagmamagaling
Nangangarap ng gising katwiran nama’y hibang na kambing
Bakit kapakanan ng mga kriminal at salot ang iisipin,
Kung di nga nila kilala ang hustisyang iyong inihahain?
Katarungan ba kamo ang iyong inginangawngaw na dapat isipin?
Hustisya! Katarungan! ,naisip ba iyan ng mga uuod at linta ng lipunan natin?
Ng mga hayok at dayukdok na kriminal na iyong ipainaglalaban na di dapat kit’lin?

Bakit di mo igala ang iyong paningin,


bago ka mag-ilusyon na animo’y nahihimbing?
Rape doon, Patayan dito, saan mang sulok karahasan ang daing
Sa radyo’t telebisyon, pahayag’t internet kriminalidad ang kapiling.
Nasaan ang katarungang itinutudla ng dila mong bading?

DI-DAPAT: (ikalawang tindig)


Itong katalo ko ay lubhang nagpuputok na ang butse
Kung kumutat animo’y manok na binabae
Mga katwirang pinagsasabi animo’y kulasising berde
Pagkat katotohanang pinagsasabi
ay bahagi lamang ng lahat ng pangayayari

Ako’y hindi nag-iilusyon o nangangarap ng gising


Katotohana’y nakikita ko’t aking tinitimbang din
Kaya nga’t napagtanto kong “death penalty” ay ilibing
Pagkat ito’y paglabag sa batas ng tao’t Maylalang sa’tin
At hindi magdudulot ng katiwasayan na layon nating maangkin.

Kaya’t katalo kong nahihibang sa katwirang matsing


Pakalimiin mo ang bawat pasaring
Baka lunurin ka nito sa kumunoy mong eden!

B. Panuto: 1. Batay sa binasang halimbawa ng Tekstong Argumentatibo, SURIIN ang mga


katangian/kalikasan nito sa pamamagitan ng GRAPHIC ORGANIZER.
2.Pumili lamang ng isang argumento na inyong susuriin. Maaaring ito ay ang argumentong
inilahad ng DAPAT ang Death Penalty o argumentong inilahad ng DI-DAPAT ang Death
Penalty.
3.Ang mga katangian ng Tekstong Argumentatibo ay makukuha mula sa mga binasa sa
PAGLALAHAD NG ARALIN.
4.Samantalang ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng katangian ay hahanguin naman
mula sa binasang akda na may pamagat na Death Penalty, DAPAT O HINDI DAPAT?

BAHAGI NG AKDANG BINASA NA NAGPAPAKITA


NG KATANGIAN NG TEKSTON ARGUMENTATIBO

katangian

Tekstong
Argumen katangian
tatibo

katangian

.
C. Panuto:1.Mula sa mga kaalamang natutuhan sa mga binasa tungkol sa Tekstong
Argumentatibo, sumulat ng isang halimbawa nito.
2. Maaaring ang inyong isusulat ay : POSISYONG PAPEL, EDITORYAL, TULA/SPOKEN
WORD, TALUMPATI ayon sa inyong hilig at kakayahan.
3. Iikot ang isusulat na teksto sa pagbabago ng oras ng Curfew (10:00 ng gabi naging
9:00 ng gabi) sa Sorsogon City partikular sa inyong barangay.
4.Kung may mga katanungan para sa gawaing ito, gamitin lamang ang GC ng klase.
5.Narito ang magiging PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA para sa inyong isusulat.

1. Nagtataglay/nagpapakita ng iba’t ibang katangian ng Tekstong argumentatibo--------10


2. Nasunod ang tamang pamantayan sa pagsulat ayon sa napiling genre------------------ 5
3. Wastong gamit ng mga salita/gramatika----------------------------------------------------------- 5
4. Pagiging malikhain sa presentasyon ng gawain------------------------------------------------- 5
5. Kalinisan at kaayusan ng gawain-------------------------------------------------------------------- 5
KABUUAN------------------------------------------------------------------------------------------------30

Paglalahat:

Panuto: Batay sa mga natutunan, sa tulong ng mga na salita sa Graphic Organizer, bumuo ng isang
talata na nagpapakita ng kahulugan at katangian ng Tekstong Argumentatibo.

Layunin

Tekstong
Patunay Tesis
Argumentatibo

Logos

IV.PAGTATAYA
D. Panuto: Tukuyin mula sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng katangian ng Tekstong
Argumentatibo sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng salitang Fact kung ang pahayag ay
naglalahad ng katangian at Bluff kung hindi.

________1. Ang inilalahad na ebidensya ang nagiging katawan ng Tekstong Argumentatibo.


________2. Ang mga patunay ay dapat hango sa katotohanan kung kaya nangangailangan ito
ng masusing pananaliksik para maisulat.
________3. Ang tekstong Argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin o hikayatin ang
mambabasa o tagapakinig
________4. Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng mabisang tekstong argumentatibo ang
pagkakaroon ng pokus sa pamamagitan ng maayos na paghahayag ng tesis nito.
________5. Ang ethos na pamamaraan ng panghihikayat ang madalas ginagamit sa tekstong
Argumentatibo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng Lathalain bilang isang halimbawang ng
Tekstong Argumentatibo

PROGRAMANG K-12; OK NA, ALRIGHT PA!


ni Ricky L. Jamisola

Tunay na kahanga-hanga ang suportang ibinibigay ng pamahalaang Aquino at ipinagpapatuloy ng


kasalukuyang administrasyon sa implementasyon ng K-12 bilang bahagi ng programang reporma
sa sistema ng edukasyon na makatutugon sa mga suliranin ukol sa kawalan ng trabaho, na
makatutulong sa mga mag-aaral na kabataang Pilipino na magkaroon ng sapat na panahong
pumili ng propesyong aangkop sa kanilang kakayahan at upang makasabay ang Pilipinas sa
global na pagbabago at pag-unlad.
Nakapaloob sa “K-12 Philippine Basic Education Curriculum Framework na kailangan at
makatutulong ang programang K-12 para sa pagiging global na bansa sapagkat mababawasan
nito ang kahirapan, makatutulong sa paghubog ng isang pagkatao, makapagpapatatag ng
aspetong moral ng mga Pilipino, makapagpapaunlad sa diwa ng nasyonalismo, makabubuo ng
isang produktibong mamamayan na makapagbabahagi sa pagpapatatag ng isang maunlad,
makatarungan at makataong lipunan, masisiguro ang pagpapanatili ng kaayusan ng kalikasan at
magiging kaagapay ito sa global na pag-unlad.
Ipinaliwanag din sa nasabing kurikulum na nakapaloob sa “Philippine Qualification
Framework (PQF) Articulation for Grade 12” na sa larangan ng kaalaman, kakayahan at
pagpapahalaga na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kaalamang magagamit sa iba’t ibang
larangan at magkakaroon ng kakayahang teknikal sa napiling propesyon na may mas maunlad na
kasanayan sa komunikasyon at agham,kritikal at mapanuring pag-iisip at paggamit ng teknolohiya,
magkakaroon ng mas maunlad na pag unawa sa tama at mali at pagpapahalaga sa sarili, kultura
at kapaligiran.
Mula binasang halimbawa, suriin ang mga katangian ng Tekstong Argumentatibo sa pamamagitan
ng Graphic Organizer na ito.

Naglalahad ng posisyon o
tesis ng may akda batay sa
paksa
Mga
katangian
Katangian ng
Naglalahad ng mga patunay o 1.
ng
Tekstong
ebidensiya batay sa
2.
Tekstong
Argumentatibo posisyon/tesis o argumentong
inilahad 3.
Argumenta
tibo
Naglalahad ng tiyak na
layunin

Inihanda ni: RICKY L. JAMISOLA, PhD.


Guro sa Filipino-ANHS

SANGGUNIAN;
1. Atanacio, Heidi C. et.al., (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: C&E Publishing Inc.
2. LAS na isinulat ni RHEA D BRUMA ng RAWIS NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like