You are on page 1of 16

PAGBASA AT

PAGSULAT
SA
IBA’T IBANG
DISIPLINA
Kabanata II
Ang Pagbasa sa
Antas Tersarya
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanata ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. maibabahagi ang mga antas at proseso ng Pagbasa
Ang Pagbasa sa Antas
Tersyarya
Sa larangan ng panitikan marami ang mga tayutay, sa ibang larangan,
katulad ng sa teknikal at sa kasaysayan, ay wala. Ang ibang mga
larangan ng kaalaman ay nangangailangan ng diretsahang
pagkakasabi samantalang sa panitikan ay maaaring gamitin ang
talinghaga.Sa panitikan at sa kasaysayan, kahit pilipinas lamang ang
pinag uusapan, ay magkaiba pa rin ang paraan ng paggamit ng wika.
Magkakatulad manang uri, magkatulad man ang paksa, magkaiba pa
rin ang patutunguhan dahilan sa magkaibang larangan ang
gumagamit, kaya magkaiba ang anyo. Mas maraming bahagi ang
pangangalakal, kahit iisa ang paksa, halimbawa ay ang daigdig, ang
pagkakalahad nito sa agham ay sistematiko at maikli; sa panitikan,
maaari itong ilahad sa paraang patula, pakwento o pasanaysay
Bilang rebyu o repaso, ang mga deskripsyon ng mga
babasahin sa antas tersyarya ay ang mga sumusunod: A.) ito
ay may iba ibang paksa B.) ito ay gumagamit ng iba't-ibang
wika at bukabyolaryo. C.) magkaiba ang anyo o estruktura ng
mga ito. D.) mahirap basahin ang mga ito.
Iba’t-ibang Pananaw sa
Proseso ng Pagbasa
I. Teoryang Bottom-up

II. Teoryang TOP-DOWN

III. Teoryang Interaktibo at Kompensatori


Ayon sa teoryang ito pinoproseso ng mga nagbabasa ang grapema (o
mga simbolo ng tunog ng wika o mga titik) sa oras ng pagkakita nila
sa mga ito. Ang mga grapemang ito ay siyang katumbas ng tunog ng
wika. Ang mga tunog ay ang mga ponema- ang pinakamaliit na yunit
ng makahulugang tunog ng wika- na pinagsama-sama para makabuo
ng salita.

TEORYANG BOTTOM-UP
Ito ay tinatawag na teoryang Bottom-up dahil ang pag-unawa
ng isang bagay ay nagsisimula sa bottom o sa ibaba, ang
reading text at napunta sa itaas (‘up’) – sa utak. Ang kaisipang
ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang
utak ay isang malinis na papel o tabula rasa.

TEORYANG BOTTOM-UP
Ang teoryang ito ay sumasalungat sa direksyon ng kmoprehensyon na
binanggit sa unang teoryang. Ito ay hango naman sa sikolohiyang
Gestalt. Ang teoryang top-down ay nagsasabing ang pagbasa ay isang
laro ng panghuhula sa sikolohiya ng tao. Ito ay nangangailangan ng
interaksyon ng pag-iisip (ang nasa utak ng tao) at ng wika.

TEORYANG TOP-DOWN
• Ang tamang pagbasa ayon sa teoryang ito ay ibinabatay sa kung ano
ang naunawaan o nakuha batay s akung ano ang iksema ng tagabasa.
Ang iksema ay ang dating kaalamang nakaimbak na sa utak ng tao.
Ang pag-unawa sa teksto ay ibinabatay ng tagabasa sa kanyang
karanasan at kaalaman tungkol sa paksa.

TEORYANG TOP-DOWN
Dahil sa kakulangan ng teoryang “Bottom-up” at ‘Top-down’
sa pagpapaliwanang ng proseso sa pagbabasa, si Stanovich
(1980) ayon kay Tatlonghari (1994) ay nagmungkahi ng
pangatlong teoryang tinatawag na interaktibo at kompensatori.

TEORYANG INTERAKTIBO AT
KOMPENSATORI
Batay sa pangalan nito, ipinahihiwatig na ang mga teksto ay
pinoproseso sa pamamagitan ng paggamit ng sabay-sabay na mga
impormasyong nagmumula sa ibat ibang pinagkukunan. Kabilang sa
mga sources o pinagkukunan nito ay ang magkakahiwalay na mga
palagay sa prosesong top-down at bottom-up.

TEORYANG INTERAKTIBO AT
KOMPENSATORI
e x i a n !
MABUHAY KA,

Al

You might also like