You are on page 1of 2

Maria Blanca:

Monologo:
Itigil ang kasal(pasigaw)
Aking mahal, ako ito, si Maria Blanca!
Makinig ka sana sa akin Don Juan. Ako'y nilimot mo na?
Ako si Maria Blanca. Marami tayong hirap na
pinagdaanan, pati ama ko'y aking sinuway para lamang sa
'yo. Makinig ka sa akin Don Juan. Naaalala mo ba nang
tinakasan natin ang galit na galit kong ama? Naghulog
ako ng sabon sa lupa upang matabunan ng bula ang
bundok para lamang hindi niya tayo abutan. Isinakripisyo
ko ang pagkakaisa ng pamilya namin para sa pagmamahal
ko sa 'yo Don Juan. Nagkasakit ang aking ama, naratay at
sa huli'y siya'y namatay dahil sa sama ng loob sa akin
dahil sa pagpili ko sa 'yo. Tiniis ko lahat 'yon Don Juan
dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Makinig ka sa akin,
makinig ka sa akin ako si Maria Blanca. Huwag kang
magpakasal sa babaeng 'yan Don Juan, ako ang tunay
mong minamahalPaniwalaan mo sana ako.Hindi ba't
tayo'y nagsumpaan na huwag na huwag tayong titingin sa
iba? Isinumpa ka ng aking ama na kapag tumingin ka sa
ibang babae ay makakalimutan mo ako Don Juan. Hindi
mo siya mahal, ako ang tunay mong minamahal. Ayaw
mong makinig, sige!!!babasagin ko na itong prasko!!!
(sisigaw)
Ano????!!!!

You might also like