You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

October 3, 2018 / 8:00-8:50


I. LAYUNIN
 Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

II. PAKSANG-ARALIN
Paggamit ng wasto ng pandiwa sa pakikipag-usap sa Iba’t ibang sitwasyon.
Pandiwang Pawatas

III. Sanggunian
CG: F60L-IIf-j-5
Kagamitan: PowerPoint, mga larawan
Pagpapahalaga: Tamang pagtapon ng basura at Pagkakasunod-sunod ng mga panuto sa
pagsasagawa ng gawain
Stratehiya: Kollaboratibong Pagkatuto at Integratibong pagkatuto
Integrasyon: EPP and Health

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin o Pasimula sa Bagong Aralin

Pagsunod sa panuto

(Simon Says Game)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


(Motivation)
Papag-usapan ang karaniwang ginagawa ng mga bata sa mga nabubulok na basura sa
kanilang bahay at paligid.

C. Pag- uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


(Presentation)
Pangganyak na Tanong
Itanong:
Paano kaya pakikinabangan muli ang mga basurang nabubulok?
Paano ito isinasagawa?
(Ipamahagi ang kopya ng mga panuto sa paggawa sa sariling pataba sa halaman sa pah. 126
ng Landas sa Wika 6.

Paggawa ng Pataba o Abono sa Halaman

Narito ang mga paraan o hakbang:

1. Gumawa ng hukay sa likod-bahay. Itabi ang lupang hinukay.


2. Ilagay sa hukay ang mga basurang nabubulok tulad ng mga dahong tuyo,
pinaglinisan ng isda, karne, balat ng anumang gulay, at iba pa.
3. Takpan ang mga basura.
4. Diligan ng tubig paminsan-minsan.
5. Kung nabubulok na ang mga basura, ihalo ito sa lupang kinalalagyan.
6. Ibilad sa araw upang mamatay ang mga mikrobyong kumapit ditto.
7. Maaari na itong gawing abono. Ihalong mabuti sa lupang pagtatamnan.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No I


(Modeling)
Pagsagot sa mga tanong:
 Batay sa binasa, paano muling mapapakinabangan ang nabubulok na mga basura?
 Ipabasa ng pabigkas ang bawat hakbang.
 Ipapansin ang mga ginamit na salita/pandiwa sa pagbibigay ng direksyon o panuto.
Hal. Gumawa, Ilagay, Takpan, Diligan, Ihalo
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2.
(Guided Practice)
 Anong uri ng pandiwa ang ginamit sa paggawa ng mga direksyon o panuto?
(Sagot: Pandiwang Pawatas)
 Ipapansin ang mga ginamit sa paggawa ng mga direksyon o panuto.
 Ipabigay ang mga pamantayan sa pangkatang gawain.
 Subaybayan ang gawain ng bawat grupo.
PAMANTAYAN
Nilalaman ng inilahad 60%
Presentasyon (pagkamalikhain at paraan ng paglalahad) 20%
Kooperasyon 20%
Kabuuan 100%

F. Paglilinang sa Kabihasan
(Tungo sa Formative Assessment)
(Pangkatang Gawain)
Ganyakin ang bawat grupong magbigay ng direksyon o panuto para sa mga sumusunod.

Grupo 1 – Pagpunta sa bahay ninyo


Grupo 2- Pagluluto/Pagsasaing ng bigas
Grupo 3- Paglalaba ng maruming damit na puti at may kulay
Grupo 4- Pagbasa/Pananaliksik sa laybrari

Ipapresenta ang awtput ng bawat grupo.


Magbigay ng karagdagang input kung kailangan.

G. Paglalapat ng Aralin sa pang Araw-araw na Buhay


(Application/Valuing)
Bakit mahalagang alam ang pagkakasunod-sunod ng mga panuto sa pagsasagawa ng
gawain?
H. Paglalahat ng Aralin
(Generalization)

Ano ang Pandiwang Pawatas?


Kailan ginagamit ang pandiwang pawatas?

V. Pagtataya ng Aralin
Pasulatin ang mga bata ng angkop na direksyon o panutong angkop sa bawat nakalarawang
sitwasyon.
VI. Kasunduan:
Pag-aralan ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar para sa susunod na pagtatalakay.
Xerox, Karaoke, Alkohol, Bangko, Radyo, Pnasit, Mesa, Videoke

Inihanda ni:

Bb. SHARYN R. GAYO


Guro I

Noted by:

WILFREDO D. DEL MONTE


ESHT III

You might also like