You are on page 1of 6

Paaralan MABINAY SCIENCE HIGH SCHOOL Baitang/Antas 8 Markahan UNANG MARKAHAN

GRADE 8
Guro EMIE LOU C. ANFONE Asignatura ARALING PANLIPUNAN
DAILY LESSON PLAN
Petsa/Oras JUNE 3, 2019/7:45-8:45 AM
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-
A. Pamantayang Pangnilalaman
daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng
(Content Standard)
kasalukuyang henerasyon
I. LAYUNIN

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga
(Performance Standard) pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon
C. Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig AP8HSK-Id-4
(Learning Competencies)
Layunin (Lesson Objectives)

Knowledge Nakilala ang kahulugan ng heograpiya at ang limang tema nito

Skills Natutukoy ang limang tema ng heograpiya

Napahahalagahan ang pag-aaral ng heograpiya at ang bahaging ginampanan nito noon at hanggang ngayon
Attitude
1. Heograpiyang Pisikal
II. NILALAMAN (Subject Matter/Lesson)
1.1 Limang Tema ng Heograpiya
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Kagamitang Panturo Laptop,TV, Batayang Aklat

https://www.youtube.com/watch?v=XnHbAxzS6Do
B. Mga Sanggunian (Source) https://de.slideshare.net/bladeleangle/limang-tema-ng-heograpiya

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro pp. 13-16


2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral Kasaysayan ng Daigdig, pp. 10-15
IV. PAMAMARAAN

Gawain 1: GEOPardy!
(PROCEDURES)

Suriin ang GEOPardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay salita o larawang makikita sa
GEOpardy board. Isulat sa sagutang papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin
Pacific Ocean Antarctica Gubat
Lahing Globo Bundok
Austronesian

Compass Bagyo Tropikal

Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig? (Pacific Ocean)


Gawain 2: Graffiti Wall 1
Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o
guhit. Gawin sa sagutang papel.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang
ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong
dulot ng kapaligiran nito?

Balikan muli ang ginawang gawain tungkol sa GEOPardy!


Mga tanong:
1. Ano ba ang kaugnayan ng mga salitang nakasulat sa GEOPardy board sa paksang tatalakayin natin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
ngayon?
2. Ano ang heograpiya?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?
Sa bahaging ito ay may panonoorin na video presentation na magtatalakay tungkol sa Limang Tema ng Heograpiya.
https://www.youtube.com/watch?v=XnHbAxzS6Do
https://de.slideshare.net/bladeleangle/limang-tema-ng-heograpiya

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Limang Tema ng Heograpiya


1. Lokasyon- tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang pamamaraan sa
pagtukoy; a. lokasyong absolute; b. relatibong lokasyon
2. Lugar- tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy;
a. katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman ; b. katangian ng mga
taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal
3. Rehiyon- bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran- ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonan
5. Paggalaw- ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din ditto ang
paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan
Pangkatang Gawain
Panuto: Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat (4) na pangkat.
Ipaggawa ang Gawain 3: Tukoy- Tema- Aplikasyon na matatagpuan sa pahina 14 sa iyong aklat.

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na impormasyon na may kinalaman sa lokasyon, lugar, rehiyon,
interaksiyon ng tao at kapaligiran at paggalaw. Pagkatapos, punan ng inyong pangkat ng kinakailangang
impormasyon ang flower chart sa ibaba.
1. May tropikal na klima ang Pilipinas.
2. Matatagpuan ang Pipilinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West
Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
Mga Sagot
1. Lugar
2. Lokasyon
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng 3. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
bagong kasanayan #2 4. Paggalaw
5. Rehiyon
Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang pansin ng inyong kapangkat. Suriin ang
kalagayang heograpikong napiling bansa katulad ng mga konkretong halimbawang naayon sa limang tema ng
heograpiya.
Lugar

Lokasyo
Napilin Rehiyon
n
g
Bansa
Interkasiyo
n ng tao at Paggalaw
kapaligiran
Halimbawa:

Lugar:
Tropikal ang
Lokasyon: klima
Rehiyon:
Ang Pilipinas ay Kasapi ang
nasa kanluran ng Pilipinas sa
Pacific Ocean, Association of
timog ng Bashi Bansa: Southeast Asian
Channel, at Nations
silangan
Pilipinas

Interaksiyon ng Paggalaw:
Tao at Maraming mga
Kapaligiran: Pilipino ang
Pangingisda ang nangingibang
pangunahing bansa sa
hanapbuhay ng Australia
mga tao sa

Pamprosesong mga Tanong


1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon sa limang tema nito.
F. Paglinang sa Kabihasan
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang paisikal ng bansa?
(Tungo sa Formative Assessment)
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?

Panuto: Mula sa limang tema ng heograpiya ay pumili ng isa sa mga temang ito at iugnay ito sa pook na tinitirahan mo
at ipaliwanag kung gaano kahalaga ang kaugnayan ng temang ito sa pook mo.

Hal: Ang napili kong tema ay Lugar. Ang aming tirahan ay nasa mataas na bahagi n gaming lugar. Kaya ang medyo
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
malamig ang hangin doon at mayaman kami sa mga pananim kagaya ng mga gulay. Napakahalaga ng lugar na aming
kinalalagyan dahil sa positibong naidudulot nito sa aming buhay kagaya ng pagkakaroon ng sariwang hangin kasi
malayo kami sa lungsod at sagana kami sa pagkaing gulay.

Para sa pangkalahatang kaalaman na mapupulot ng mag-aaral ay itatanong ang mga sumusunod sa mag-aaral:
1. Ano ang heograpiya?
H. Paglalahat ng Aralin sa
2. Ano-ano ang mga tema ng heograpiya?
3. Paano nakatutulong ang kaalaman ng heograpiya sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Pagtutukoy: Isulat ang salitang tinutukoy ng mg sumusunod na bilang.
________________________1. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng
I. Pagtataya ng Aralin daigdig.
________________________2. Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonan.
________________________3. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang
pisikal o kultural.
________________________4. Tumutukoy sa kinaroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy.
________________________5. Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
________________________6. Ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar;
kabilang din ditto ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang heograpiya?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya?
3. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig?
4. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?
Mga Sagot
1. Heograpiya
2. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran
3. Rehiyon
4. Lokasyon
5. Lugar
6. Paggalaw
Upang mas lalong maunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring
tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo ay basahin ang teksto tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig
sa pahina 15-19.
Pnauto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. SOLAR SYSTEM
2. LONGITUDE
3. PRIME MEREDIAN
4. INTERNATIONAL DATE LINE
5. LATITUDE
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at
Mga Sagot:
remediation
1. SOLAR SYSTEM- Walong planeta na umiikot sa araw at isa na dito ang daigdig
2. LONGITUDE- Ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng
Prime Meridian
3. PRIME MERIDIAN- Ito ay nasa Greenwich sa England ay itinatalaga bilang zero degree longitude
4. INTERNATIONAL DATE LINE- 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o
pasilangan,na matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific Ocean
5. LATITUDE- Ang distansiyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator

(Paalala: Magbigay ng remediation sa mga mag-aaral na hindi nakapasa mula sa ebalwasyong ibinigay.)
V. MGA
TALA
PAGNI- Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo.
NILAY Paano mo ito
VI.

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong baa ng remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho


na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

EMIE LOU C. ANFONE


Teacher I

You might also like