You are on page 1of 2

MELISSA B.

ABEJAR MAED- FILIPINO

KULTURANG POPULAR (PAGKAIN)


KABKAB o CASSAVA CRACKERS

“ Noon

ang kabkab ay pamaypay , pero ngayon ay pagkain na “

Ang kabkab ay salitang bisaya na nangangahulugang paypay sa tagalog. Kaya,

tinatawag itong kabkab sapagkat ang porma ng pagkaing ito ay kahawig ng isang

paypay na malapad. Isa sa naging isang panghanapbuhay ng mga tao sa aming lugar

ay ang pagluluto ng pagkaing kabkab at itinitinda. Masarap ang pagkaing ito sapagkat,

nilalagyan ng pampatamis sa ibabaw nito para masarap kainin o tinatawag na latik na

yari sa maraming asukal. Ang kabkab ay gawa sa kamoteng kahoy na cassava o

kasaba , dinudurog ang kasaba at iyon ang ginagawang pormang malapad, manipis at

hugis bilog o maaari ring parisukat ang porma. Ibinilad muna ito sa araw at matutuyo ito

hanggang mapopormang bilog na parang paypay. Kaya, kung natutuyo na ito ay ipiprito

hanggang maluluto na ito at maging malutong na pwede na hainin, handa na itong


lagyan ng latik at saka pwede na rin kainin. Naging popular ang pagkaing ito sapagkat

kahit sa simpleng pagkaing ito ay marami ang nasasarapan at sa halip na masarap ay

mura pa. Samakatwid, ang kabkab ay isang kilalang popular na pagkain sa aming lugar

na hinding-hindi ko maikukumpara s aibang lugar.

You might also like