You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao– Ika-9 na Baitang

Ikaapat na Markahan-Modyul 8: Mga Mapamiliang Track sa Senior High School!


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Yvette P. Guiling


Editors: Marlonito C. Padillo, Amado R. Amado
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
ESP 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Mga Mapamiliang Track sa Senior High
School
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Modyul
para sa araling Mga Mapamiliang Track sa Senior High School!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul ukol sa


Mga Mapamiliang Track sa Senior High School!!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, inaasahang:


Natutukoy ang mga paghahandang gagawin upang makamit ang
piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal at sining at palakasan o
negosyo, na may tiyak na layuning:

A. natutukoy ang track o kurso na angkop sa sariling talento, kakayahan


at hilig;
B. nakikilala ang mga mapamiliang track o kursong akademik, teknikal-
bokasyonal, sining at disenyo at isports na angkop sa sariling talento,
kakayahan at hilig; at
C. nakabubuo ng mga profile ng trabaho na ayon sa kaniyang talento, hilig
at kasanayan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem.


1. Alin sa mga sumusunod na salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng
kurso ang may kinalaman sa kahusayan at galing sa isang bagay o
tiyak na abilidad na maaaring matuklasan mula sa pakikiharap sa mga
nakakasalamuha, paglutas sa mga mahihirap na bagay at
masistemang paraan ng pagkuha ng datos at iba pa?
a. Talento
b. Pagpapahalaga
c. Hilig
d. Kasanayan

2. Ano ang dapat maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan


sa mga pagpipiliiang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
a. Umasa sa desisyon ng mga magulang
b. Makinig sa gusto ng mga kaibigan
c. Huminto muna sa pag-aaral habang wala pang napipiling
track
d. Magbasa at maglaan ng panahong mag-isip at magplano

3. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng tao na magagamit niya sa


pagpapasiya at malayang pagkilos ng kaniyang pinili at ginusto na may
pananagutan dito?
a. Kakayahang mag-isip at kilos-loob
b. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
c. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
d. Kalinawan ng isip at masayang kalooban

4. Ang track na ito ay para sa mag-aaral na naghahanda para sa pagpasok


sa kolehiyo.
a. TVL Track
b. Academic Track
c. Arts and Design Track
d. Sports Track

5. Nais ni Marissa na makapag trabaho kaagad pagkatapos niyang mag-


aral sa Senior High School. Kailangan niyang pumili ng Track na
makakapagbigay ng TESDA National Certificate na magpapatunay ng
kaniyang kasanayan. Ano ang dapat niyang piliin?
a. Sports Track
b. TVL Track
c. Arts and Design Track
d. Academic Track

BALIK-ARAL

Balikan mo ang natapos mong aralin. Mula dito, hulaan ang salita na
ipinapakita sa larawan. Isaayos ang mga letra sa kahon.

C E E A R R T H A P

ARALIN
Sa pamamagitan ng Senior High School, ang Kagawaran ng Edukasyon ay
naglalayong ihanda ang mga mag-aaral upang makapagpatuloy ng pag-aaral ng
kursong akademik, teknikal bokasyonal, sining at disenyo at isports. Layunin din
nito na mabigyan ng mga napapanahon at globally competitive na kasanayan ang
mga mag-aaral upang tiyakin ang kanilang pagpasok sa mundo ng paggawa o
pagnenegosyo pagkatapos ng Senior High School.

Ito ang Apat na Tracks ng Senior High School

ACADEMIC TRACK Ang track na ito ay para sa mga mag-aaral na hindi


pa sigurado sa career path na nais nila dito din ay inihahahnda sila para
sa kolehiyo.
Mga Kaugnay na Kurso
STEM (Science, Technology, Engineering and
Mathematics)
Engineering, Medical Courses, AB Math,
Information Technology
ABM (Accountancy, Business and Management)
Business Administration, Tourism
Management, Hotel and Restaurant Management,
Accountancy, Real Estate Management,
Entrepreneurship
HUMMS (Humanities and Social Sciences)
Education, Political Science, AB English or
Literature, Mass Communication,
GAS (General Academic Strand)
Maaari sa lahat ng uri ng kurso

TVL TRACK Ang track na ito ay para sa mga mag-aaral na nais nang makapag
hanap-buhay pagkatapos ng Senior High School dahil tinuturo dito ang iba’t
ibang skills na magiging daan upang mabilis na makahanap ng trabaho
pagkatapos ng Senior High School
Home Economics Strand
Industrial Arts Strand
Agri-Fishery Arts Strand
Information and Communications
Technology
(ICT) Strand

ARTS and DESIGN TRACK para sa mga mag-aaral na may husay sa pagguhit,
pagpinta, pagdekorasyon at iba’t ibang uri ng sining.
dance, music, theater, media, photography, and visual arts
SPORTS TRACK para sa mga mag-aaral na mahusay sa isports at may interes
sa pagkakaroon ng kaalaman sa larangan ng palakasan o isport
athlete, coach, Physical Education teacher, game officials, Gym
instructor, Sports trainer

Pagsusuri:
Ano sa tingin mo ang track na bagay sa iyong talento, kakayahan at hilig?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

MGA PAGSASANAY

Panuto: Tukuyin kung saang Track nababagay ang mga


sumusunod na mga kaugnay na propesyon.
GAWAIN 1

_______________________ _________________________

____________________ ____________________
Panuto: Isulat ang mga salitang bumubuo sa bawat akronim.
GAWAIN 2

1. HUMMS-_______________________________________________________
2. GAS-___________________________________________________________

3. STEM-__________________________________________________________

4. ABM-___________________________________________________________

5. TVL-____________________________________________________________

Anong propesyon ang nais mo sa hinaharap? Saang Track ito nabibilang?


______________________________________________________________________________

Panuto: Bumuo ng Profile ng Trabahong angkop sa


taglay mong talento, mga kasanayan, pagpapahalaga at
mithiin.
GAWAIN 3

Mithiin sa Buhay:

Trabahong Nais:
Tungkuling Gagampanan sa Lipunan:

Talento at Kakayahan:

Hakbang na Isasabuhay:

Kursong kukunin:

PAGLALAHAT

bansa akademiko sining susi

Ang sapat na impormasyon sa mga Track sa Senior High School ay


makatutulong upang mapili at mapaghandaan ang kursong _______________,
teknikal bokasyonal, ________________ at disenyo at isports na maaaring
maging _______________ ng sariling tagumpay at ng pag-unlad ng ekonomiya
ng ______________.

PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng track o


strand sa Senior High School sa paghahanda
para sa minimithing uri ng pamumuhay sa
lipunan?
________________________________________________

________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin kung alin ang angkop na track o strand para sa kursong
kukunin ayon sa talento, kakayahan at hilig para magtagumpay sa sariling
mithiin.

ABM HUMMS STEM


TVL ARTS and DESIGN

1. Nagtrabaho bilang stockman si Bernard sa negosyo ng kaniyang


tiyuhin. Ang kaalamang mayroon siya ay namana niya sa kaniyang
lola na may angking galling sa pagnenegosyo.
2. Madalas mapagsabihan si Jose dahil sa pagbubutingting ng mga
samut saring gamit sa kanilang bahay. Ang hilig niyang ito ay hindi
nawala hanggang sa siya ay magkaedad.
3. Mahilig magluto si Rica ng mga kakanin. Dahil sa pandemya
naisipan niyang mag-online selling gamit ang iba’t ibang bagong
ideya ng pagluluto.
4. Ang nais ng tatay ni Jean para sa kaniya ay maging isang sikat na
mamamahayag. Subalit mahiyain si Jean at ang nais niya ay
gumuhit at magpinta.

5. Bata palang si Barbie ay hilig na niyang gumupit at ilang gawaing


may kaugnayan sa pagpapaganda. Pangarap niyang magtayo ng
Beauty Parlor.
5. TVL
4. ARTS & DESIGN bansa
3. ABM susi
2. TVL sining
1. ABM akademiko
Panapos na Pagsusulit Paglalahat
Technical Vocational & Livelihood
Accountancy Business Management
Science Technology Engineering & Mathematics
General Academic Strand
Humanities and Social Sciences
Gawain 2
5. B
4. TVL 4. B
3. SPORTS TRACK 3. A

2. STEM 2. D
1. Arts & Design Track CAREER PATH 1. D
Mga Pagsasanay (Gawain 1) Balik-Aral Paunang Pagsubok

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, 2017 Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul 6 para sa
Mag-aaral. Pilipinas Bloombooks Inc.
Mula sa Internet

https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-

https://www.teacherph.com/right-senior-high-school-track/

https://portal.edukasyon.ph/courses/senior-high-tracks/academic

Mga Larawan mula sa internet


FREEPIK, “Notebook With Green Cover
https://www.freepik.com/free-photo/notebook-with-green-cover_859343.htm
FREEPIK, “Creative Professions Cartoon Icon
https://www.freepik.com/free-vector/creative-professions-cartoon-icons-
set_5921733.htm
FREEPIK, “Making Art Concept Illustration”

https://www.freepik.com/free-vector/making-art-concept-
illustration_9233861.htm
FREEPIK, “Doctor Character Background”
https://www.freepik.com/free-vector/doctor-character-background_1130796.htm
FREEPIK, “Sport Landing Page Flat Design”
https://www.freepik.com/free-vector/sport-landing-page-flat-design_4768939.htm

FREEPIK, “Programmer Working With”


https://www.freepik.com/free-vector/programmer-working-with-c_5480315.htm
FREEPIK, “ Little Boy Showing Silence Gesture”
https://www.freepik.com/free-vector/little-boy-showing-silence-gesture-flat-vector-
illustration_9871190.htm
FREEPIK “Businessmen Are Walking White Arrows With Gap Paths Front Go Goal
Success”
https://www.freepik.com/premium-vector/businessmen-are-walking-white-
arrows-with-gap-paths-front-go-goal-success-opposite_5606686.htm
FREEPIK “Employee with Rising Arrow”
https://www.freepik.com/free-photo/employee-with-rising-arrow_954816.htm

You might also like