You are on page 1of 6

Santan (Coco Jam with Pili Nuts)

Mga Sangkap:
2 piraso panocha (Sangkaka sa Bicol)
4 tasa gata ng niyog
2 tasa pili nuts
Konting asin

Pamamaraan:
1. Balatan lahat ng Pili nut at ilagay sa maliit na kaserolang may sapat na
tubig, pagkatpos ay pakuluan ito hanggang sa maluto.
2. Ibuhos ang gata sa malaking kawali o kaserola at haluin ito ng mabuti sa
katamtamang apoy lamang.lagyan ito ng konting asin.
3. Hatiin sa maliliit napiraso ang panocha o sangkaka at pagkatapos ay
ilagay ito sa pinapakuluang gata. Haluin ito hanggan matunaw lahat ng
panocha at lumapot na ang santan
4. Ihalo ang binalatang pili nut. Hanguin at ilagay sa garapon upang
palamigin.
Minatamis na kundol
Mga Sangkap:
1 kilo Winter Melon (Kundol)
750 grams Puting Asukal
1 Kutsarita Tawas
1 kutsara Lemon juice

Pamamaraan:
1. Hiwain sa dalawa ang kundol at balatan tapos tanggalin ang mga buto nito.
2. Hiwain ito sa maliliit na piraso at ilagay sa kawali o kaserola.
3. Lagyan ng katamtamang dami ng tubig hanggang sa matakpan ang kundol at
sunod na ilagay ang isang kutsarita ng tawas, pagkatapos ay pakuluan ito ng
sampu hanggang labing-limang minute.
4. Hanguin ang pinakuluang kundol at hugasang mabuti sa dumadaloy na tubig.
5. Magpainit ng kawali o kaserola at maglagay ng isang tasa ng tubig pagkatapos
ay isunod na ang asukal. Haluin mabuti hanggang matunaw, dagdagan ng
lemon juice para mas bumango.
6. Sunod na ilagay ang kundol. Haluin ito ng mabuti hanggang sa ito’y lumambot at kumapit ang asukal
sa bawat piraso ng.
7. Hanguin paisa-isa bawat piraso ng minatamis na kundol upang maiwasan ang pagdikit dikit. Palamigin
at handa ng kainin.

Tahada o Mulido
Mga Sangkap:
1/2 Kilo dinurog na kamote
1/2 kilo ginadgad na niyog
1/2 kilo Brown Sugar or Muscovado Sugar
2 piraso Dahon ng Pandan (opsyonal kung nais magdagdag ng pampabango)
2-3 patak ng banilya (opsyonal kung nais magdagdag ng pampabango)

Pamamaraan:
1. Haluing mabuti lahat ng sangkap sa kawali at lutuin sa mahinang apoy lamang hanggang sa mag golden brown ito.
2. Hanguin at isalin sa plato o hulmahan kung meron at palamigin hanggang tumigas.
3. Hiwain sa ninanais na laki ng bawat piraso.

Kutsinta
Mga Sangkap:
1 1/2 tasa harinang bigas
1/2 tasa all-purpose flour
1 tasa brown sugar
3 tasa water
1 1/2 kutsarita ng lye water
2 kutsaritang anatto seeds/atsuette

Pamamaraan:
1. Paghaluin ang harinang bigas, all-purpose flour at brown sugar sa isang malaking mangkok o mixing bowl. Unti unti
itong lagyan ng tubig hanggang sa mahalo lahat ng sangkap.
2. Ihanda ang annatto seed o atsuette sa isang maliit na tasa o mangkok. Lagyan ito ng lye water at 3 kutsara ng tubig
at haluin.
3. Salain ang annatto seeds upang matanggal ang buto at ska ihalo sa tinunaw na harina upang magkaroon ito ng
kulay.
4. Unti unting ilagay sa hulmahan ang pinaghalo halong sangkap. At isalang sa steamer sa loob ng apat na pong
minuto hanggang maluto.
Bukayo
Mga Sangkap:
3 tasa laman ng Buko ( ginadgad)
1 ½ tasa Brown sugar
½ tasa Muscovado sugar
2 1/2 kutsara sabaw ng buko o tubig

Pamamaraan:
1. Paghaluin ang muscovado at brown sugar sa isang malaking kawali, lagyan
ito ng sabaw ng buko o kaya ng tubig. Haluin ito ng mabuti s mahinang
apoy lamang hanggang matunaw o mag caramelized.
2. Sunod na ilagay ang buko. Haluin ito ng labing limang minuto hanggang mabalot ng asukal ang mga ginadgad na
buko.
3. Hanguin ito hanggang sa magdikit dikit na ang mga ginadgad na buko. Isalin sa lalagyan at palamigin.
Puto Seko
Mga Sangkap:
1 Pirasong itlog
½ tasa ng asukal
½ tasa ng mantikilya
1 tasa ng all-purpose flour
1 tasa ng cornstarch
½ tasa ng Gatas (powder)
1 kutsarita ng baking powder
½ kutsarita ng asin
Pamamaraan:
1. Sa malaking mangkok , paghaluin ang all-purpose flour, cornstarch, powder na gatas, baking powder, mantikilya at
asin. Pagkatpos ay lagyan ito ng binating itlog at haluing mabuti.
2. Sunod ay ilagay ang pinaghalo halong sangkap sa patag o flat na lagayan at masahin ito hanggang makabuo ng
dough. Paalsahin muna ang dough ng ilang minute. Habang inaantay na umalsa ang dough ay painitin na ang oven
hanggang 190 degree Celsius.
3. Kunin ang pinaalsang dough at hati-hatiin ito sa dalawa pulgadang bilog.
4. Pahiran ng mantikilya ang sheet pan at ilagay na dito ang mga ginawang maliliit na bilog. Isalang na ito sa oven at
antayin maluto sa loob ng sampu hanggang labing dalawang minuto. Hanguin at palamigin.
Pichi-Pichi
Mga Sangkap:
2 tasa ginadgad na Kamoteng Kahoy
1 tasa ng Asukal
2 tasa ng tubig
1 tasa ng ginadgad na niyog
½ kutsarita lye water
1/2 kutsarita pandan essence

Pamamaraan:
1. Ilagay sa malaking mangkok ang ginadgad na kamoteng kahoy, asukal at
tubig. Tapos ay haluing mabuti ang mga ito. Lagyan ito ng lye water at pandan
essence at ipagpatuloy ang paghalo.
2. Kapag nahalo na lahat, isalin na ito sa mga hulmahan at ihandang isalang sa steamer.
3. Lutuin ito sa loob ng apat na pong limang minuto hanggang isang oras o hanggang maging parang tumatagos na
ang liwanag dito.

Tinabog-Tabog
Mga Sangkap:
1 tasa ginadgad na kamoteng
¼ tasa ng brown sugar
1 bote ng Mantika
1/3 tasa white sugar
2 kutsarang tubig water
1 kutsara ng margarine o mantikilya

Pamamaraan:
1. Paghaluin ang ginadgad na kamoteng kahoy at brown na asukal sa mangkok, lagyan din ito ng margarine o
mantikilya at haluing mabuti.
2. Pagkatapos haluin ay kumuha ng paunti unti at bilog-bilugin ito ng mga isa hanggang dalawang pulgada lamang
ang laki.
3. Magpainit na ng kawali at lagyan ito ng sapat na mantika. Lutuin dito ang mga ginawang maliliit na bilog hanggang
sa maging brown ito.
4. Tumunaw ng putting asukal sa isang maliit na kawali at ihalo dito ang mga nalutong tinabog-tabog. Maari itong
tuhugin ng stik pagnaluto na.
Ampaw
Mga Sangkap:
3 kutsara ng Mantikilya o margarine
1 ½ tasa ng Marshmallow
1 kutsarita ng Banilya
4 tasang Rice crispies o pinipig

Pamamaraan:
1. Magpainit ng kawali at tunawin dito ang marshmallow. lagyan ito ng banilya at haluing mabuti hanggang
matunaw.
2. Patayin ang apoy ng kalan kapag tunaw na ang marshmallow at ilagay na dito ang rice crispies o pinipig .
haluing mabuti hanggang sa mabalot lahat ng tunaw na marshmallow ang pinipig.
3. Tunawin ang mantikilya o margarine at ipahid ito sa patag o flat na lalagyan upang di dumikit ang gagawing
ampaw.
4. Ilagay na sa hinandang lalagyan ang ampaw at pantayin ito o i-flat ng mabuti. Hiwain ito sa ninanais na sukat
tapos palamigin muna bago ihanda.
Binamban
Mga Sangkap:
½ kilo Giniling na Malagkit na bigas
½ kilo Giniling na Natural na bigas
1 Tasa ginadgad na niyog
½ kilo asukal
½ tasa tubig
Dahon ng saging pambalot

Pamamaraan:
1. Paghaluin ang giniling na malagkit at natural na bigas, asukal at ginadgad na
niyog. Lagyan ito ng tubig at haluing mabuti hanggang sa maging malapot na
malapot ito.
2. Gumupit ng tamang laki ng dahon ng saging at punasan ito ng malinis na basahan o pampunas.
3. Gamit ang kutsara, kumuha ng saktong dami ng pinaghalo halong sangkap at ibalot ito sa dahoon ng saging.
Siguraduhing nakatiklop at nakatali ng maayos ang dahoon para maiwasang bumuka pag-isinalang na.
4. Isalang na ang mga ito sa steamer at lutuin sa katamtamang apoy sa loob ng isang oras.
Nilupak na Kamoteng Kahoy
Mga Sangkap:
1 kilo Nilagang Kamoteng kahoy
1 tasa kondensadang gatas
½ tasa asukal
½ tasa ginadgad na niyog
½ tasa mantikilya o margarine

Pamamaraan:
1. Tanggalin ang ugat sa gitna ng nilagang kamoteng kahoy at durugin ito ng pino sa malaking dikdikan.
2. Ihalo ang kondensada, asukal, mantikilya at ginagad na niyog at ipagpatuloy ang pagdurog dito hanggang mahalo
lahat ng sangkap at mapino ang kamoteng kahoy.
3. Isalin ito sa malaking lalagyan o kaya sa malaking bilao na may dahoon ng saging. Ihulma ito at hiwain sa ninanais
na laki. Pagkatapos ay pahiran ito ng mantikilya sa ibabaw at maaari mo rin lagyan ng dinurog na mani.
Ibos
Mga Sangkap:
1 kilo malagkit na bigas
2 tasa ng gata ng niyog
2 kutsaritang asin
1 tasa ng tubig

Pamamaraan:
1. Hugasan mabuti ang malagkit na bigas at ibabad muna sa tubig ng 30 minuto.
2. Lutuin ang gata sa kaserola na may katamtamang apo lamang. Lagyan ito ng asin
at haluing mabuti upang di magbuo-buo.
3. Kunin ang binabad na malagkit na bigas at isalin sa malaking lalagyan. Siguraduhing tinanggal ang tubig sa bigas.
4. Ibuhos dito ang pinakuluang gata ng niyog at haluing mabuti.
5. Gumawa ng lalagyan o pambalot ng ibos gamit ang dahon ng niyog.
6. Lagyan ng tamang dami ng malagkit na bigas ang ginawang pambalot ng ibos.
7. Ilagay ito sa kaserola at punuin ito ng tubig. Lutuin ito sa loob ng dalawang oras at katamtamang lakas ng apoy
lamang.
Belekoy
Mga Sangkap:
3 Tasa hinarinang malagkit na bigas
1 ½ tasa ng Brown na asukal
1 litro apple juice powder
2½ tasa ng tubig
1kutsarita banilya
4 kutsara sinangag na sesame seeds

Pamamaraan:
1. Magpainit ng kawali at ilagay dito ang harinang malagkit na bigas. Haluin ito
ng mabuti hanggan sa matusta ng bahagya (light brown).
2. Maglagay ng tubig sa kaserola at pakuluin ito. Pagkatpos ay ilagay ang asukal at apple juice powder, haluin ito
hanggang matunaw.
3. Sunod ay ihalo na ang harinang malagkit na bigas at banilya. Haluin itong mabuti hanggang sa lumagkit at pwede
ng mahulma.
4. Isalin na ito sa patag na lalagyan at palamigin. Tapos hati-hatiin na ito sa ninanais na laki.
5. Pagulungin sa sesame seeds ang mga hinulmang belekoy at balutin ng plasti o candy wrapper.
Pili Tart
Mga Sangkap:
Para sa crust
½ tasa mantikilya o butter
¼ cup asukal
2 piraso itlog
2 ¼ tasa all-purpose na harina
Para sa Palaman
1 lata ng Gatas na Kondensada 300ml
1 piraso itlog
1 tasa ng Pili nut
2 kutsaritang tubig
Pamamaraan:
1. Para sa crust. Haluin ang mantikilya at asukal sa mixing bowl o mangkok. Sunod ay ilagay ang dalawang piraso
ng itlog at haluin ng mabuti. Sunod na ilagay ang harina, haluin ito hanggang sa makagawa ng malambot na
dough.
2. Ilagay ang dough sa patag na lalagyan at hati – hatiin ito ng pantay pantay. Pagkatapos ay ilagay na ang mga
ginawang dough sa hulmahan ng crust.
3. Para sa palaman. Paghaluin ang kondensada, itlog at asukal sa mangkok. Haluin itong mabuti.
4. Ibuhos na ang palaman sa ginawang crust. Lutuin ito sa oven na may temperaturang 350 degree farenheit sa
loob ng labing lima hanggang dalawampung minuto.
Suman
Mga Sangkap:
2 tasa ng malagkit na bigas
1 ½ tasa ng tubig
4 tasa ng gata ng niyog
2 tasa ng brown na sukal
½ kutsarita ng asin

Pamamaraan:
1. Pakuluan ang malagkit na bigas sa kaldero o kaserola. Huwag masyadong lutuin ito.
2. Habang pinapakuluan ang malagkit na bigas, paghaluin na ang gata at asukal sa kaserola o kaldero. Lutuin ito
hanggang matunaw ang asukal.
3. Sunod ay paghaluin na ang malagkit na bigas at gata na may asukal, lagyan ito ng konting asin. Haluing mabuti
upang maiwasan magkaroon ng tutong.
4. Hayaang maluto sa loob ng tatlumpo hanggang apat- na pong minuto.

You might also like