You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Kagamitang

MAFLT 209: PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO

GAWAIN 4: Pagsulat ng Panimula hinggil sa Pagbuo ng Kagamitang Panturo

Panuto: MAGDESISYON kung anong uri ng kagamitang panturo ang ihahanda mo batay sa
pangangailangan ng iyong mga mag-aaral at bigyan ng kumprehensibong paglalarawan at rason kung
bakit at paano ito isasakatuparan. Sundin ang mga sumusunod na bahagi.

PAMAGAT: (Sa bahaging ito isusulat ninyo ang pamagat ng inyong panukalang sa
paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang panturo. Gawing tiyak ang iyong paksa)
INTRODUKSYON: (Sa bahaging ito ay bubuuin lamang ng apat na TALATA)
Unang talata: Ilarawan dito ang iyong paksa ( tandaaan, TALATA hindi pangungusap)
Ikalawang talata:
Suportahan ang iyong paglalarawan sa pamamagitan ng pagbanggit ng
mga kaugnay na ideya/pag-aaral na lubos na magpapatunay sa iyong
pahayag sa unang talata.

Ikatlong talata:
Ilalahad sa bahaging ito ang mga suliranin, hadlang at kakulangan na
nabanggit mula sa mga kaugnay na pag-aaral maging ng iyong sariling
karanasan hinggil sa kakulangan ng kagamitang panturo o suliranin sa
pagsasakatuparan ng mabibisang pagtuturo at pagkatuto.

Ikaapat na talata: sa bahaging ito, ilalahad ang kahalagahang maidudulot ng iyong


inihahandang kagamitang panturo para matugunan ang kakulangan
at suliraning nabanggit sa ikatlong talata.

BATAYANG TEORETIKAL/KONSEPTWAL

Sa bahaging ito, babanggitin ang mga teorya na angkop na pagbabatayan sa iyong gagawing
pagaaral. Mula sa mga nabanggit na teorya sa mga babasahing naipost sa Gclassroom ay pipili kayo
ng pinakaangkop ninyong pagbabatayan. Pagkatapos ay ilarawan ito at ipaliwanag kung bakit mo ito
pagpapabatayan sa iyong pag-aaral. Ano ang kahalagahan nito sa pag-aaral? Anong ideya sa teorya
na maaari mong pagbabatayan sap ag-aaral? Pipili rin ng modelo na gawin mong batayan sa pagbuo
ng kagamitang panturo. Ilarawan ang modelo at ipaliwanag kung bakit ito pagbabatayan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Sa bahaging ito babanggitin kung ano ang nilalayon mo sa iyong pag-aaral.

KAUGNAY NA LITERATURA/PAG-AARAL

Sa bahaging ito ay maglalahad na 5 mga kaugnay na literature at pag-aaral na angkop sa


iyong paksa. Ilarawan at ipaliwanag kung bakit mo iniuugnay ditoang iyong pag-aaral.

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito, ilalahad ang desinyo ng pag-aaral, pamamaraaan ng pagsasakatuparan ng pag-


aaral.

MGA REFERENSYA

You might also like