You are on page 1of 3

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 1 IKALIMANG LINGGO


Kwarter 3

IKAW AT AKO

Suriin Natin

Panghalip ang tawag sa mga katagang


pamalit sa ngalan ng tao.
Halimbawa : ako, ikaw tayo, siya, kayo at sila.

Ang ako,ikaw at siya ay pamalit kung isahan


ang tinutukoy na ngalan ng tao .
Ang kayo, tayo at sila ay pamalit kung ang
tinutukoy na ngalan ng tao ay dalawa o
maramihan.
Pagsasanay 1
Panuto: Makinig nang mabuti sa pangungusap na
babasahin ng iyong magulang o taga-gabay.
Palitan ng panghalip ang ngalan ng tao na may
salungguhit sa bawat pangungusap upang mabuo
ang diwa ng pangungusap.
1. Maagang gumigising sina Troy at Vincent.
______ ay naghahanda sa pagpasok sa eskwela.
2. Gulay ang paboritong pagkain ni Ruby.
__________ ay malusog na bata.
3. Ako, si Ben at si Lino ay nag-aaral.
__________ ay may pagsusulit s Huwebes.
4. Ikaw at ako ay magkaklase.
____________ ay magkaibigan.

1
5. Si Bb. Marcelo ang aming guro
__________ ay mabait na guro.

Pagsasanay 2
Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing
pangungusap ng iyong magulang o taga-gabay.
Tukuyin ang kailanan ng panghalip na may
salungguhit na ginamit sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 1. Tayo nang maglinis ng ating silid.


_______ 2. Kayo ba ang bagong lipat dito sa ating
Barangay?
_______ 3. Ako ay batang mag-aaral sa Baclaran
Elementary School Unit 2
_______ 4. Siya ang aming punong-guro.
_______ 5. Ikaw ang napili ng ating guro sa patimpalak.

Tayain Natin
Pagsasanay 1
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga
sumusunod na panghalip sa bawat bilang.
1. Ako
_____________________________________________
2. Tayo
_____________________________________________
3. Sila
_____________________________________________
4. Kayo
_____________________________________________
5. Ikaw
_____________________________________________

2
Likhain Natin

Panuto: Gumupit ng larawan ng tao sa mga lumang


magasin at idikit ito sa long bond paper. Sumulat ng
isang pangungusap sa bawat larawan gamit ang
panghalip.

1 2

3 4

You might also like