You are on page 1of 11

Ang Pagsasalin ng Poesya o Tula

1. Bakit mas mahirap Magsalin ng Tula

Ang Pagsasalin ng Poesya o Tula ni Dante M. Teodoro Jr.


Sa mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagasalin ang nilalaman ng
kanyang isinasalin, ang problema lamang ay ang mga katawagan o
terminolohiyang gagawin.

Kahit na diwa rin o mensahe ang isinasalin sa mga tekstong di-teknikal na tulad ng
tula, lahat ng teorista at praktisyuner sa pagsasaling-wika ay nagsasabing mahirap
nang hindi hamak ang magsalin ng ganitong uri ng materyales.

Ayon kay Finlay: The translating of poetry must surely be a case par excellence in
which the old Italian saying traduttori, traditori applies. Few things are more
difficult than the effective and true meaning of poetry into poetry (if indeed, it is at
all possible…)

Mapatutunayang higit na mahirap lipirin ang diwang ibig ipahatid ng makata sa


kanyang tula kaysa diwang ibig ipahatid ng isang espesyalistang sumulat ng isang
tekstong teknikal tungkol sa kanyang espesalisasyon. Sapagkat may nadaragdag na
dimensyon ng mga problema sa pagsasalin ng isang tula na wala sa isang tekstong
teknikal.

1. Paggamit ng mga tayutay (figures of speech)


2. Ang pangangalaga sa estilo ng awtor o paraan ng kanyang pagpapahayag
3. Ang pagbagtas sa pamamagitan ng salin sa dalawang magkaibang kultura.
Halimbawa: Kultura ng sumulat sa Ingles na Amerikano at kultura ng babasa ng
salin sa Filipino na isang Pilipino.
Maraming dalubhasa sa pagsasaling-wika ang naniniwalang imposibleng matamo
ng sinuman ang ganap (perfect) na pagsasalin sa larangan ng poesya o tula.

Magkakatulad kaya ang nagiging pagtingin ng lahat ng makata sa isang bagay


maging anuman ang kanyang lahi? Magkakatulad kaya ang kanilang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin sa isang inspirasyon? Hindi.

Ang isang akdang patula ay may katangiang naiiba sa akdang tuluyan. Sa tula’y
pinipili ang isang salita hindi lamang dahil sa kahulugan nito kundi dahil pa rin sa
tunog nito. Sa bahaging ito ng pagsasalin, nakasusumpong ng hindi biro-birong
suliranin ang maraming tagapagsalin. Ito rin ang dahilan kung bakit nababago ang
diwa ng ilang bahagi.

Naging dakila ang taludtod ni Virgil na: “Quadrupedante putrem sonitu quatit
ungula campun”
Masasabing madaling isalin nang tuluyan ang kahulugang napapaloob sa isang tula
subalit imposibleng ilipat sa ibang wika ang buong ritmo, sesura, emosyon, at iba
pang katangian ng orihinal na teksto.

2. Ano ba ang poesya o Tula


 Ayon kay Savory: Ang poesya ay isang sining ng paggamit ng mga salita
upang lumikha ng ilusyon sa ating mga pandama.
Ang isang tula ay may ritmo, sukat at tugma; may emosyon o damdaming
masidhi at malalim sa karaniwang pahayag; may higit sa karaniwang dami
ng mga tayutay at hindi gaanong mahigpit sa pagsunod sa gramatikong
pagsusunod-sunod ng mga salita
 Ayon kay Almario: Ang tula ay hindi isang koleksyon lamang ng
magsisintunog na titik at makahulugang salita. Dapat itong maging isang
buong pangungusap; ang mga titik at salitang dapat isaayos tungo sa isang
makabuluhang balangkas ng pagpapabatid ng diwa, damdamin, pangyayari,
larawan o kakintalan.
3.Mga nagsasalungatang Paniniwala sa Pagsasalin ng Tula
Ayon kay Savory, si Postgate ang nagsabi sa kanyang aklat na
Translations and Translators na ang isang prosa o tuluyan at dapat masalin
sa paraang tuluyan din at ang tula ay sa paraang patula rin.
Si Matthew Arnold man ay naniniwala na kung isasalin sa paraang
tuluyan ang isang tula, ang salin ay kailangang magtaglay ng mga katangian
ng tula.

Ang pagsasalin ng isang tulang may sukat ay napakahina kung


mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng isang tula ay pinakamahina
sa lahat ng paraan.

Naniniwala sila na upang maging makatarungan sa makatang awtor,


ang kanyang tula ay kailangang isalin ng isa ring makata at sa paraang patula
rin.

Sinabi ni Hilaire Belloc na ang pagsasalin sa isang tula ay higit na


mabuti kung gagawin sa paraang tuluyan. Sinusugan pa ito ni Sir John
Denham nang isalin nito ang Aeneid.

Sa Introduksyon ng salin ay sinabi ni Denham na ang layunin niya sa


pagsasalin ay hindi upang lumikha ng bagong tula kundi upang isalin
lamang ang diwang taglay ng isang tula hindi sa paraang patula rin kundi sa
paraang tuluyan.

Ang pagsasalin ng tula ay isang napakadelikadong gawain; na sa


pagsasaling tula-sa-tula, ang bisa ng awtor ay tulad ng gamot na nawawalan
ng “ispiritu”.

Ang orihinal na tula at ang patula ring salin nito, karaniwan na, ay
dapat magkatulad sa anyo. Ang patulang salin ng isang tula ay humahamon
sa kakayahan ng tagapagsaling gumamit ng mga tayutay at iba’t ibang
paraan ng pagsasaayos ng mga salitang tulad ng orihinal na kailangang
mapanatili ang hangga’t maaari.

Kung ang isang tula ay isasalin sa paraang tuluyan, mayroon na


kaagad na isang “kapilayan” ang tagapagsalin bago pa siya magsimula.

Sa dalawang salin, ayon kay Savory, ay malinaw na mapatutunayang


higit na mabuti ang paraang tula-sa-tula sapagkat bukod sa napananatili sa
salin ang “musika” ng orihinal ay nahahantad pa rin ang mambabasa sa
aktwal na anyo nito.
(A) lyric poem translated as prose is not an adequate equivalent of the
original. Though it may reproduce the conceptual content, it falls far short of
reproducing the emotional intensity and flavor. However, the translating of
some types of poetry by prose may be dictated by important considerations.
–Nida
4.Mga

karaniwang Teknik o Paraan sa Pagsasalin ng Tula

Sa pagsasalin ng isang tula sa paraang patula rin, may iba’t ibang teknik ang
ginagamit ng mga tagapagsalin. May mga nagsasalin na isinasalin muna ang
tula nang tuluyan upang matiyak na nakuha ang mensahe ng tula. Pagkatapos
ay saka pa lamang ito aayusin ng patula. Narito ang isang simpleng halimbawa:

A HOME SONG
Henry Van Dyke

I read within a poet’s book


A word that starred the page:
“Stone walls do not a prison make,
Nor iron bars a cage.”
Yes, that is true, and something more;
You’ll find where’er you roam,
That marble floors and gilded walls
Can never make a home.
But every home where love abides
And friendship is a guest
Is truly home, and home sweet home!
For there the heart can rest.

UNANG HAKBANG- PAGPAPAKAHULUGAN:


Dalawa ang karaniwang estilo ng “paraphrasing” na sinusunod ng mga
tagapagsalita:

Estilo A:
Linya por linya ang pagpapakahulugan kung ang balak ng tagapagsalin ay
linya por linya rin ang kanyang gagawing pagsasalin.
Halimbawa:
1. A. Nabasa ko sa aklat ng isang makata
B. ang ganitong salita na namumukod sa isang pahina:
C. “ Ang pader na bato ay hindi bilangguan;
D.gayundin, ang rehas na bakal ay hindi hawla.”
2. a. Oo, totoo iyon, at totoo pa rin
b. na makikita mo kahit saan ka magpunta
c. na ang sahig na marmol at ginintuang pader,
d. kailanman ay hindi maituturing na tahanan.
3. a. Subalit ang tahanan na tinatahanan ngpagmamahalan
b. at ang pagkakaibigan ay panauhin
c. ay tunay na tahanang at napakatamis na tahanan
d. sa pagkat doon ang puso ay makapagpapahinga

Pagkatapos maisagawa ito, sisimulan nang bumuo ang tagapagsalin ng mga


pansamantalang taludtod na may sukat at tugma, batay sa pagpapakahulugang
isinagawa sa bawat linya.

Estilo B:
Kung hindi linya por linya ang balak na gagawing pagsasalin na ang ibig
sabihin ay maaaring magkapalit-palit ng pusisyon ang mga linya o ang mga bahagi
ng mga linya, ang “paraphrasing” o pagpapakahulugan ay maaaring ganito:

1. Sa aklat ng isang makata ay namumukod sa isang pahina ang ganitong


“salita ang pader na bato ay hindi bilangguan at ang rehas na bakal ay
hindi rin hawla.”
2. Oo, totoo iyon, at totoo parin na makikita mo kahit saan ka magpunta na
ang sahig na marmol at ginintuang pader, kailanman, ay hindi maituturing
na tahanan.
3. Subalit ang bawat tahanan na pinananahanan ng pagmamahalan at ang
pakikipagkaibigan ay panauhin, iyon ang tunay na tahanan at tahanang
kagiliw-giliw sapagkat doon ang puso ay makapagpapahinga.

You might also like