You are on page 1of 6

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Talon-Talon District
MAMPANG ELEMENTARY SCHOOL
Mampang, Zamboanga City

WEEKLY LESSON/LEARNING PLAN


2ND QUARTER SY 2022-2023

QUARTER: TWO GRADE LEVEL: III-POMELO


WEEK: THREE LEARNING AREA: FILIPINO
MELCS: Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
HOME-
BASED
DAY OBJECTIVES TOPICS CLASSROOM-BASED ACTIVITIES
ACTIVITIE
S
NOVEMBE • Natutukoy ang mga Pagtukoy sa mga A. Panimulang Gawain
R 14 - 18, salitang Salitang Mga dapat tandaan upang makaiwas sa virus.
2022 magkakatugma Magkakatugma 1. Palaging maghugas ng kamay/gumamit ng alcohol.
(F3KP-IIb-d-8) 2. Magsuot ng face mask.
3. Panatilihin ang social distancing

B. Paglinang ng Gawain
1. Setting of standards

C. Balik- Aral :
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Kung ang kasingkahulugan ng salitang ‘’maganda’’ ay ‘’marikit’’ ano
naman ang kasingkahulugan ng salitang ‘’ mabango’’?
A. malaki C. mahalimuyak
B. mabaho D. mabigat

2. Tukuyin sa mga sumusunod ang kasalungat ng salitang ‘’masaya.’’


A. malungkot C. nagagalak
B. maligaya D. natutuwa
3. Ano ang mabubuong salita mula sa salitang-ugat na ‘’husay’’?
A. nahusay C. taghusay
B. palahusay D. mahusay
4. Ang salitang ‘’tag-ulan’’ ay galing sa salitang-ugat na?
A. tag C. -
B. ulan D. tag-ulan
5. Ang mga sumusunod ay mga maiikling salita na makukuha mula sa salitang
‘’kamandag’’, alin ang HINDI?
A. kama C. ama
B. Amanda D. daga

D. Pagtuturo/Pagmomodelo
Panuto: Kilalanin ang nasa larawan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1)
_________________ _________________

2)

_________________ _________________

3)

_________________ _________________

4)

_________________ _________________
5)

_________________ _________________

Tanong:
1. Ano ang napapansin mo sa mga pares na salita?
2. May pagkakapareho ba sila?Paano?

Napansin mo bang magkapareho ang tunog sa hulihan ng mga pares na salita?


Ang tawag natin diyan ay salitang magkatugma.

Tandaan:
Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng mga ito.

Mga Halimbawa:
E. Ginabayang Pagsasanay
I. Panuto: Maghanap ng limang salitang katugma ng salitang ‘’sala’’sa loob ng kahon. Isulat ang
mga makikita mo sa iyong sagutang papel.

A T E S K B N O W P
L I B R O X A M T I
A A B A L A K Q I L
G W U R C S A N Y A
A R D J P A T O L A
H F N E R S I T O P
I M B E S S R W Y U
T A L A T A A U V K

II. Basahin nang mabuti ang tula. Isulat sa papel ang pares ng magkatugmangsalita.

Ang Pamayanan ay Kayamanan


Ni Natasha B. Natividad

Ako ay mahilig mamasyal


Sa pamayanan na aking mahal.
Tuwing Sabado ako’y naglalaro
Kasama ang kalaro sa palaruang bago.

Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita


Aking kaibigan nag-iwan ng basura.
Mabilis ko siyang tinawag
‘’Kaibigan, huwag mong gawin ‘yan.’’

Dapat alagaan at ingatan


Ang ating pamayanan.
Kung ito ay pababayaan
Tayo rin ang mahihirapan.
Huwag nating hintayin
Kapaligiran ay dumumi.
Kumilos at isaisip
Na ito ay pagyamanin.
F. Malayang Pagsasanay
I. Panuto: Pillin mula sa kahon ang salitang katugma ng salita sa bawat numero. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

dilis bugtong giliw


gabayan pangungusap kislap

1. aliw - ___________________
2. pasalubong - ___________________
3. bilis - ___________________
4. alitaptap - ___________________
5. bantayan - ___________________

II. Panuto: Tukuyin ang mga magkakatugmang salita na makikita sa bawat pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Tinangay ng aso ang laso ng batang babae.


2. Ang pabalat ang pinakaharapan na bahagi ng aklat.
3. Nag-imbak kami ng maraming gulay sa bahay.
4. Inagaw ng magnanakaw ang kuwentas ng dalaga.
5. Ang pamagat ng kuwento ay ‘’Ulan at Buwan’’.

III. Panuto:Isulat ang tsek (/) kung ang mga salita sa bawat bilang ay magkatugma at ekis (x)
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Pagong- gulong


_____2. Mais- walis
_____3. Mata-buto
_____4. Ilaw-araw
_____5. Sapatos-medyas
G. Pagtataya ng Aralin
Tayahin
I. Panuto: Piliin sa Hanay B ang katugmang salita na nasa Hanay A.
Hanay A Hanay B
___1. magulang A. itinatanggi
___2. Pilipino B. bilin
___3. mahalin C. naobserbahan
___4. kayumanggi D. Lino
___5. huwag E. igalang
F. naduwag

II. Panuto: Bilugan ang salitang nasa kanan na katugma ng salitang nasa kaliwa.

1. ehersisyo natulog bisyo braso


2. payat mataba maalat katawan
3. bukid bahay hagdanan silid
4. ipinagdarasal implikasyon padre matagal
5. alagad kalidad simbahan bitamina
Prepared by:
LANNY A. JAMAN
   Teacher I Checked by:
                                                                                                                                           JOSEPHINE S. KILAT
Master Teacher II
                                                                                 Noted:
                                          
                                                                                              MA. SOCORRO E. LINAO, JD
                                                                                            Elementary School Principal III

You might also like