You are on page 1of 5

Ang Talahanayan ng Ispesipikasyon sa Pangklasrum

na Pagsusulit na Pangwika
ni
Chem R. Pantorilla, M.A
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology

Ano ang Talahanayan ng Ispesipikasyon (TnI)?

Ang pagbuo ng talahanayan ng ispesipikasyon ang unang


hakbang sa paggawa ng pagsusulit na pangwika. Naglalaman ito ng
mga kasanayan o paksang bibigyan ng pagsusulit. Tinatawag ito ni
McNamara (2000) na recipe o blueprint sa pagbubuo ng anumang
pagtaya sa kaalaman ng estudyante. Set rin ito ng mga kasanayan o
mga bahagi ng leksyon/paksa na tinalakay sa klase, oras na ginugol sa
pagtuturo ng titser sa isang paksa at kognitibong antas sa pagkatuto.
Ayon naman kina Brown at Hudson (2002), nagsasaad ito ng kontent
validiti sa gagawing pagsusulit. Makikita kasi rito ang saklaw ng
naganap na pagtuturo na nais tasahin/sukatin ng titser, ang mga
binigyang-diin sa pagtuturo at iba’t ibang abilidad ng mga mag-aaral,
lalo na sa proseso at kakayahang kognitibo sa pagkatuto na mas
mataas kaysa (kasanayan sa) pagsasaulo.

Tinatawag naman itong two-way tsart ni Chase (1991) na


naglalarawan ng paksa na saklaw sa isang pagsusulit. Sina Carroll at
Hall (1985) ay nagsabing ang TnI ay pinal na produkto sa unang
hakbang ng pagbubuo ng pagsusulit. Para naman kay de Guzman-
Santos (2007), isang mapa ng pagsusulit ang TnI na gabay ng titser sa
pagbuo ng pagsusulit. Ito ay nagsisilbing plano sa lahat ng kasunod na
mga hakbang sa pagbubuo ng pagsusulit at ang gamit nito. Sa
kabuuan, katulad ng pahayag nina Brown at Hudson (2002:87), ang TnI
ay nagbibigay patnubay kung ano ang dapat sukatin ng titser sa
ginawang pagtuturo. Ginagamit ito bilang gabay ng titser sa
pagsulat/paggawa ng pagsusulit.

Kahalagahan ng Talahanayan ng Ispesipikasyon

Madalas nagbibigay ng pagsusulit ang titser sa katapusan ng


isang yunit ng pagtuturo. Ang resulta ng pagsusulit ay magsasabi kung
gaano kaepektibo ang nagawang pagtuturo, lalo na ang ginamit na
estratehiya at metodo sa pagtuturo. Nagbibigay rin ng impormasyon sa
mga mag-aaral ang resulta ng pagsusulit kung paano nila nakamit ang
layunin ng kurso o leksyon. Ngunit ang mga bagay na ito ay matutupad
lamang kapag magkaroon ng malinaw at tiyak na plano sa pagsulat ng
pagsusulit. Ito ang isa sa mga layunin kung bakit kailangang gumawa
ng TnI ang titser bago siya bumuo ng pagsusulit.

Mahirap din para sa isang titser ang gumawa ng pagsusulit na


sumasaklaw sa lahat ng mga paksang tinalakay sa klase. Hindi
matatasa sa isang pagsusulit, na may limitadong panahon, sa
pagsagot ang lahat ng mga layunin at paksa na tinalakay sa klase sa
isang takdang panahon. Sa pamamagitan ng TnI, magagawang sukatin
ng guro ang lahat ng mga ito. Maaari siyang magbigay o mag-asayn ng
pagsusulit na representasyon lamang ng mga paksang kanyang itinuro.
Ayon nga kay Lahoylahoy (2007), ang mga paksa na tinalakay sa klase
ay kailangan mabigyan ng representasyon lamang sa mga pagsusulit
na buuin. Hindi kailangan lahat ng mga paksa ay kailangang pantay
ang bilang ng aytem sa isang pagsusulit. Maaaring magbigay ng mga
katanungang kumakatawan lamang sa mga paksang ito. Hindi rin
dapat gawin ng titser sa kanyang pagsusulit na magtanong ng mga
katanungang nais lamang niyang itanong. Sa bahaging ito, ang TnI ay
nagpapahintulot sa mga titser na bumuo ng pagsusulit na nakatuon sa
mga pangunahing paksa at binibigyan niya ito ng bigat ayon sa
kahalagahan nito sa pagkatuto. Mahalaga ring bumuo muna ng TnI
bago ang pagsusulit dahil mababatid mula rito ang mga domeyn o
taksonomi sa pagkatuto na dapat masukat at malinang. Natitiyak rin sa
TnI ang patas o pantay na pagsukat sa mga kaalaman ng estudyante
sa mga paksang tinalakay sa klase.

Malinaw rin na makikita sa TnI ang ugnayan ng pagtuturo at


pagsusulit. Nararapat sa isang tiser na gumawa ng pagsusulit na
nababatay sa kung ano ang layunin ng pagtuturo/pagkatuto. Makikita
ito sa tsart na binuo ni Chase (1991):

Layunin Pagtuturo Pagsusulit

Hakbang sa Pagbuo ng Talahanayan ng Ispesipikasyon

Ayon ay Chase (1991), may dalawang anyo ng talahanayan ng


ispesipikasyon. Makikita ito sa ibaba:

A. Simpleng Talahanayan ng Ispesipikasyon

Mga Bilang ng Kinalalagyan


Bahagdan
Kasanayan Aytem ng Aytem

B. Detalyadong Talahanayan ng Ispesipikasyon

Antas Kognitbo
Bilang Total ng
Mas
ng Oras Aytem Kinalalag
Abilidad/Pa Mataas Porsyen
sa Kaalam Komprehens Aplikas ng yan ng
ksa kaysa to
Pagtutu an yon on Pagsus Aytem
Aplikasy
ro ulit
on

Total

Mula sa dalawang uri o anyo ng TnI, mas mainam na gamitin ang


detalyadong TnI sapagkat malalaman mula rito kung anong kasanayan
ang dapat na sukatin. Gayundin, madali ang paghahati ng mga aytem
dahil nakasaad dito ang oras na ginugol sa pagtuturo sa isang paksa.
Makikita naman sa ibaba ang mga hakbang na makakatulong sa
pagbuo ng TnI:

 Itala sa kanang kolum ng talahanayan ang mga paksa na saklaw


o sakop ng pagsusulit. Makukuha ito mula sa paksang itinuro ng
titser sa isa o mga yunit ng aralin na itinuro.

 Itala ang ginugol na oras ng titser sa pagtuturo sa bawat


paksang nais sukatin. Ilagay ito sa ikalawang kolum ng
talahanayan ayon na rin sa paksang tinutukoy nito.

 Magbigay ng kabuuang marka o bilang ng pagsusulit na


gagawin.

 Kilalanin ang bigat o importasya ng bawat paksa. Bilang titser,


malalaman mo kung alin sa tinalakay na paksa ang importante at
mahalagang faktor sa kaaalaman ng mga estudyante. Pagbaha-
bahagiin ang kabuuang aytem ng pagsusulit ayon sa paksa na
nais sukatin sa pagsusulit na gagawin. Ang bilang ng aytem sa
bawat paksa ay makukuha ng titser sa pamamagitan ng:
 Oras na ginugol sa pagtuturo sa paksa. Ito ang sumusunod na
formula:

% = bilang ng oras sa pagtuturo sa isang paksa X 100


Kabuuang oras sa pagtuturo ng lahat ng paksa

 Kaugnayan ng isang paksa sa pagkakaroon ng pagkatuto sa iba


pang paksa o sub-paksa.

 Gaano kahalaga ang paksa sa mga maaaring gawain ng


estudyante.

 Tiyakin ang bilang ng aytem na ibibigay sa bawat kognitibong


level ng pagkatuto. Deskrisyon ng titser kung ilang aytem ang
ibibigay sa iba’t ibang kognitibong antas ng pagkatuto.

 Gumawa/bumuo ng mga tanong o aytem ng pagsusulit na


kaugnay sa blueprint o plano na makikita sa ginawang
talahanayan.
Pansinin:
Bawat paksa na bibigyan ng pagsusulit ay mas mainam kung
gawan ng layunin ng pagkatuto upang madaling masukat sa gagawing
pagsusulit. Gamitin rito ang mga behavioral terms na angkop sa bawat
antas ng abilidad ng estudyante. Ang mga terminong ito ay dapat
nagsasaad ng kilos katulad ng iminungkahi ni Bloom sa kanyang
taksomini ng mga layunin.
Halimbawang TnI

Antas Kognitibo
Total ng
Bilang ng
Aytem Kinalalag
Abilidad/ Oras sa Mas Porsyent
ng -yan ng
Paksa Pagtutur Mataas o
Kaalam Komprehensyo Aplikasy Pagsusul Aytem
o kaysa
an n on it
Aplikasyo
n
Pagsasalita 5 Mula sa total aytem ng pagsusulit sa bawat 17 8
paksa, deskrisyon ng titser kung paano niya ito
Balarila/ hatiin sa antas ng kognitibong pagkatuto. Mas
10 33 17
Gramar mahalagang isaalang-alang niya ang bigat at
halaga ng paksa at ang kaugnayan nito sa tiyak
na antas ng kognitibong pagkatuto. Mainam
Pagbasa 6 ding magkaroon ng tanong na kumakatawan sa 20 10
bawat antas kahit iisa lamang.

Kasanayang Maaari ring magtalaga ng bigat o porsyento sa


3 bawat antas ng pagkatuto: halimbawa 20% sa 10 5
Paaral
kabuuang aytem sa bawat paksa ay para sa
kaalaman, 30% para sa komprehensyon, 40% sa
aplikasyon, at 10% para naman sa mas mataas
kaysa aplikasyon.
Pagsulat 6 20 10
Ang tinutukoy na mas mataas kaysa aplikasyon
ay ang mga antas na analisis, sintesis at
ebalwasyon.
Total 30 50
Sanggunian:

Chase, C.I 1999. Contemporary assessment for Educators. New


York: Longman.

Carroll, Brendan J. at Patrick J. Hall. 1985. Make Your Own


Language Tests A Practical Guide to Writing Language
Performance Test. U.S.A.: Pergamon Press Inc.

Lahoylahoy, Myrna E. Setting A Test Paper Through The Table of


Specifications. Papel mula sa isang seminar worksyap na may
temang Table of Specification and Test Construction noong
Pebrero 7, 2007.

Brown James Dean at Thom Hudson. 2002. Criterion-referenced


Language Testing. United Kingdom: Cambridge University
Press.

McNamara, Tim. 2000. Language Testing. United Kingdom: Oxford


University Press.

Santos, Rosita De Guzman. 2007. Assessment of Learning.


Quezon City; Lorimar Publishing, Inc.

Pagsasanay:

Gumawa ng talahanayan ng ispesipikasyon mula sa mga paksa


sa ibaba para sa unang markahan na pagsusulit sa unang taon sa
sekondarya. Ibatay ang laman ng talahanayan sa sumusunod na
impormasyon:

Ang kabuuang oras na ginugol sa pagtuturo sa bawat paksa ay 40


oras.

Paksa Oras
Gramatika 25
Panghihiram ng salita
Mga Ponema ng Filipino
Salitang may diptonggo o klaster
Pares-Minimal
Paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan
Pangungusap ayon sa layon
Pangungusap ayon sa balangkas

Pagbasa 10
Tekstong informativ
Tekstong Ekspositori
Tekstong Narativ

Ibong Adarna 5

Ang total na bilang ng pagsusulit para sa unang markahan ay 50.

You might also like