You are on page 1of 2

Pangalan: Lenggwaheng Sinasalita:

Kinalakhang Lugar:

Para sa mga Respondente,


Ang serbey na ito ay magsisilbing batayan ng impormasyon ng mga mag-aaral ng Batsilyer ng
Agham sa Management Accounting para sa pananaliksik na may pamagat na “Mga Suliraning
Kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Pagsasalin Wika: Isang Pagsusuri sa mga Awtput ng mga Mag-aaral
ng Management Accounting 1-2 (A.Y. 2018-2019)”. Hinihingi namin ang inyong partisipasyon upang
makalakap ng tiyak na datos.
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong at lagyan ng  kung kinakailangan at naangkop.

Mga Tanong
1. Tekstong sinalin:
2. Anong uri ng pagsasalin ang ginamit: Teknikal Pampanitikan
3. Mga Estratehiyang ginamit sa pagsasalin:
Koller Vinay at Darlbelnet
Denotatibo Direkta: Oblique:
Konotatibo Borrowing Transposition
Tekstong Normatibo Calque Modulasyon
Pragmatik Literal/Word-for-word Equivalence
Pormal Adaptasyon

Catford At iba pa:


Full Partial _______________________________________________
Total Restricted _______________________________________________
Rank of Translation
4. Alin sa mga sumusunod na suliranin sa Pagsasalin na nilahad ni Ghazala ang iyong naranasan
habang nagsasalin?
Gramatika Ang suliranin sa gramatika ay may kinalaman sa tama at maayos na pagsasama-
sama ng mga salita sa pagbuo ng isang pangungusap.
Leksikal Ang suliranin sa leksikal ay may kinalaman sa kahulugan, ang bawat termino ay
may kaniya-kaniyang kahulugan ngunit kapag ang isang termino ay mayroong higit
sa isa na kahulugan, maaari itong makapagdulot ng suliran sa pagsasalin kagaya na
lamang ng mga idyoma at metapora.
Istilo Ang suliranin sa istilo ay may kinalaman sa papel ng masining na ekspresyon ng
mga ideya ng manunulat upang makamit ang mensaheng nais nitong iparating.
Halimbawa nito ay ang pagpili ng manunulat kung gagamit ng pormal o impormal
na istilo.
Tunog Ang suliranin sa tunog ay may kinalaman sa relasyon ng tunog at mensaheng nais
nitong ipahayag. Ito ay patungkol sa harap-harapang interpretasyon o “live
translation”, kung saan ang tagasalin ay dapat suriing mabuti ang tunog, galaw ng
bibig at ekspresyon sa mukha ng tagapagsalita upang makuha ang mensahe na nais
nitong iparating.
Kultura Ang suliranin sa kultura ay may kinalaman sa nakagawiang pamamaraan ng
pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na lugar at dahil dito ay nagkakaroon
ng mga suliranin sa pagsasalin. Halimbawa, ang pagkakaroon ng kaibahan sa
kultura ng pinagmulang wika sa pagsasalinang wika ay nagdudulot ng problema
lalo na kung ang isa rito ay puno ng mga terminolohiya at ekspresyong kultural
na nangangailangan ng malawak na kaalaman sa konteksto ng partikular na
kultura.
5. Sa tuwing nakararanas ng mga suliraning nabanggit, ano ang iyong isinasagawang paraan
upang matagumpayan ang pagsasalin? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

__________________
Lagda ng Respondente
Pangalan: Lenggwaheng Sinasalita:
Kinalakhang Lugar:

You might also like