You are on page 1of 2

Iwas COVID-19

Ni Catherine L. Fajardo

Isang umaga ng Sabado, dinalaw ng pamilya ni Mang Ben ang kanyang


ama’t ina sa bahay.Excited si Tonyo na makita muli ang kanyang lolo’t lola sa
tagal na hindi nila pagkikita simula nang limitahang ng gobyerno ang paglabas ng
bahay. Dala-dala ni Tonyo ang kanyang modyul upang magpatulong sa kanyang
lolo para sa kanyang takdang-aralin sa asignaturang MTB-MLE ng Ikatlong
Baitang. Nadatnan nila na nakikinig ng radyo ang dalawang matanda. Nagmano si
Tonyo sa kanyang lolo at lola.

Lolo maaari kop o ba kayo maistorbo, magpapatulong po sana ako sa


takdang-aralin ko sa MTB, wika ni Tonyo. Oo naman. Maaari ko bang malaman
kung ano ang dapat mong gawin? Ang tanong ni lolo Henry.Nais po ng modyul na
mag-interbyu kami patungkol sa lumalaganap sa buong mundo na isang virus na
kung tawagin ay COVID-19 at kung paano ito maiiwasan, ang tugon ni
Tonyo.Napakadali naman pala. Halika, apo at gawin natin yan. Tamang-tama
kakapakinig lang naming ng iyong lola sa radyo at nabanggit yan tinatanong mo
para sa iyong takdang-aralin.

Ipinaliwanag ni Lolo Henry sa kanyang apo na ang Corona Virus Disease


na kung tawagin ay COVID-19 ay isang pamilya ng mga virus na nagdudulot ng
iba’t ibang klaseng sakit mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas
malubhang inspeksiyon. Ibinahagi rin niya ang napakinggan niya sa radyo na
naaalarma ang ating bansa ukol dito at gumawa ang gobyerno ng mga alituntunin
at hakbang na maaari gawin upang maiwas tayo laban sa virus. Narito ang ilan sa
mga pamamaraan na naibahagi ni lolo Henry mula sa napakinggan niyang
impormasyon sa radyo upang makaiwas sa virus.

Mga Hakbang sa Pag-iwas sa COVID-19

 Una, iwasan ang madalas na paglabas at pagpunta sa


matataong lugar.
 Sumunod, kung hindi man maiiwasan ang paglabas,
ugaliing magsuot ng “facemasks” at “face shield”.
 Ikatlo, gumamit ng alcohol kung hahawak sa mga bagay
na nasa pampublikong lugar.Kung maari, hugasan nang
madalas ang iyong mga kamay ng sabon at tubig.
 Pagkatapos, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
Magpakonsulta agad ngunit tawagan mo muna ang
health facility.
 At Panghuli, kumuha ng impormasyon sa
Kaya apo, ugaliin mong
mapagkakatiwalaang maging malinis sa iyong katawan upang maiwasan
awtoridad.
ang virus na dala ng COVID-19. Sumunod sa Department of Health o DOH
upang maging ligtas at makaiwas sa virus na ito. Ibayong pag-iingat ang kailangan,
habilin ni lolo. Opo, lolo! Salamat po. May maisasagot na rin po ako sa aking
modyul. Salamat pong muli, ang tugon ni Tonyo.

You might also like