You are on page 1of 2

FIL 412 – Introduksyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan

Linggo 1-3

ULO 1. Maipapaliwanag ang kahulugan, katangian, pananagutan at suliranin ng


pananaliksik.

Subukan Mo

Ipinasa ni:
Kristine Nicolle E. Dana

Ipinasa kay:
Elleine Rose A. Oliva, EdD
Agosto 10, 2021

Obhektibo
Sistematiko
Akyureyt

Kontrolado
Pananaliksik
Mapanuri

Napapanahon
May
Orihinalidad
Empirikal

 Sistematiko- nagtataglay ito ng mga proseso at hakbang na kinakailangang sundin


upang maisagawa ang matagumpay na paglutas sa suliranin at maisakatuparan ang
layunin ng pananaliksik.
 Kontrolado- nararapat na hindi mabago ang baryabol na sinusuri, lalo na sa mga
eksperimental na uri ng pananaliksik dahil anumang pagbabago ay maaaring
makaapekto sa buong pananaliksik.
 Napapanahon- Isa sa mga katangian ng paksa ng iyong pananaliksik ay iyong
napapanahon o nagaganap sa kasalukuyang panahon; maaaring mga isyu hinggil sa
edukasyon, sikolohiya, sosyolohiya, pulitika at iba pa.
 Emperikal- kinakailangan na sa pagsabak mo sa pananaliksik, partikular sa
pangangalap ng mga datos at impormasyon ay maging katanggap-tanggap ang lahat;
yaong hindi dapat maging teorya lang ang o di kaya’y likhang isip.
 May Orihinalidad- sa pagsasagawa ng pananaliksik, isaalang-alang ang katapatan sa
paghahanap ng impormasyon at tiyakin na walang bahid ng pangongopya mula sa ibang
akda upang maging makatotohanan ang kalalabasan ng pananaliksik.
 Mapanuri- Kaakibat sa pagsusuri ang paggamit ng estadistika o kwantiteytib na metodo
upang ito ay maging anyong-analitikal.
 Akyureyt- dapat maging wasto at tumpak ang resulta ng pag-aaral kung gayon mas
nangangailangan ito ng matibay na ebidensya na susuporta sa buong pananaliksik.
 Okhektibo- bilang mananaliksik alalahaning isantabi ang iyong sariling saloobin o
opinyon upang hindi mabahiran ng anumang pagkiling ang pananaliksik na gagawin.

You might also like