You are on page 1of 6

YUNIT 1: KONSEPTONG PANGWIKA

PAGTUKLAS

GAWAIN 1 SITUATIONAL ANALYSIS

Naisip mo ba ang maaaring mangyari kung walang wika at hindi natin maipahayag ang sarili
nang pasalita o pasulat man? Ano ang gagawing mo para maiparating ang mga sumusunod?

 Nais mong maipaalam sa isang tao (maaaring magulang, kaibigan, o taong malapit sa puso mo)
na mahal mo siya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________

 Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hidni mo sinasang-ayunan ang mga bagay na
ginagawa niya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________

 Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan o problemang mayroon
ka.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________

Batay sa iyong sagot, mahirap nga ba mawala ang wika? Ano-ano ang posibleng mangyaring
kung walang wikang nauunawaan ng lahat at ang bawat isa’y may wikang tanging siya lang ang
nakaunawa? Maglahad ng tatlong hinuha.

 ____________________________________________________________
 ____________________________________________________________
 ____________________________________________________________

Aralin 1: Ang Wika

Ang Wika
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa pingsama-samang
makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakakapagpahayag ng kahulugan
at kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipagusap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t-isa.
Nagkakaintindihan tayo, nakakapagbibigayan tayo ng
ating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng
tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika.

Ang salitang Latin na lingua ay nagunguhulugang “dila” at “wika” o “lengguwaheng”. Ito ang
pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging
language na siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming
wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil
ay dahil ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa
pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at popular na
pagpapakahulugang sistema arbitaryong vocal symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga
miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t sa.

Marami ding dalubhasa sa wika ang nagbibigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika tulad
ng mga dalubhasa na mababasa:

Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:01), ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kaniyang pag-iisip,
sa kanyan pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging pakikipag-usap sa sarili.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa University of
Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na napili at isinaayos sa pamaraang arbitaryo
upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.

Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan: ito ay


isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.

Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad
ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat
ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Gayumpama’y naiiba ito sa mga
pangkaraniwang sining dahil ang tao’y may likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa
paghagakhak ng mga bata; wala kasing bata ang may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bake
o sumulat. Higit sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang naimbento; sa
halip, ito ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.

Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hind gaanong napag-iisipan ang


kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang mga pagkatuto at paggamit ng wika sa
ating pagpapahayag mula pa sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto
na ang wika ay hindi lang basta tunog na nalilikha ng tao, bagkus ito’y isang napakahalagang instrument
ng komunikasyon. Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa pamamagitan ng wika kaya’t nararapat
lang na pagyayamanin at gamitin nang naayon sa angkop na layunin.
GAWAIN 2 CONCEPT QUESTION

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano kaya ang mangyayari kung mawawala
ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura?
2. Bakit kaya sa maraming bansa sa mundo ay magkapareho o magkasingkahuluguhan ang mga
salitang lengguwahe o wika at dila? Bakit laging naiiugnay ang dila sa wika?
3. Ano-ano ang pagkakapare-pareho sa mga pagpapakahulugang binasa at ibinigay ng iba’t ibang
dalubhasa sa wika? Sa paanong paraan naman sila nagkakaiba-iba ng pananaw?
4. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang, “hindi tunay na likas
ang wika sapgkat kailangan muna itong pag-aralan bago matutuhan”? Ipaliwanag ang iyong
pananaw.

PAG SULAT NG JOURNAL


Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong ito:

Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito naging instrument ng mabisang
pakikipagtalastasan, mabuting, pakikipagkapwa-tao, at kapayapaan? Maglahad ng tig-isang paraan.

PAGLINANG

Ang Wikang Pambansa


Ang Pilipinas ay isang kapuluan binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit
ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa.
Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa
atin bilang mamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa.

Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi naging madali ang papili sa wikang
pagbabatayan ng wikang Pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa huling

1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang pulo at sa dami
ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at
tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1943 ang pagpili sa wikang ito.
Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang sa isa sa mga umiiral na
wika sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga
maka- Ingles na naniniwalang higit na makakabuti sa Pilipino ang pagiging Mahusay
sa wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling
wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na wikang Pambansa ay dapt ibatay sa
isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang munkahing ito ay sinangayunan ni
Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
dalwang aralin ng kabanatang ito ay tatalakayin nang mas malaliman ang kasaysayan ng ating wika
saimula sa panahon bago dumating Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon subalit sa ngayon ay
magkakaroon ka ng paunang impormasyon sa pamamagitan ng timeline ng mga pangyayaring nagbigay-
daan sa pagkakahirang sa Filipino bilang Wikang Pambansa

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang
Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”

1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong


pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na
nagsasabing:

Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung
anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng
isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng
Surian ng Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang “mag-aral ng mga diyalekto sa
pangkahalatang para sa layunin magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa
mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng
nakakaraming Pilipino.” Base sa pag-aral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan
ng wikang Pambansa dahil sa naturang wika ay tugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad
sumusunod:

“ang wikang pipiliin ay dapat…

 Wika ng sentro ng pamahalaan


 Wika ng sentro ng edukasyon
 Wika ng sentro ng kalakalan; at
 Wika ng pinakamarami at pinakamadaling nasusulat na panitikan.”

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon


1940: Dalwang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134,
ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa
nagsimulang ituro ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang
rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpanggap Blg. 134.
pampubliko at pribado.
Magkakabisa ang kautusan ito ng pagkaraan ng dalwang taon.

1946: Nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng


Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 y ipinahayag ding ang mga wikang
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino”

Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang Pambansa ng
Pilipinas. Gayunpama’y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng
itinatadhana ng Saligang Batas.

1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay ipinagpatibay ng Komunikasyong Konstitusyunal


na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng
Wikang Pilipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa
wika na nagsasabing.

“A
ng wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat pagyabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”

Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang Pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at magamit
ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lalo pa tayong
makaintindihan at mapalawig ang ating pagkakisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay.

GAWAIN 3 CONCEPT QUESTION

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit kinakailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit at
mauunawaan ng nakararaming Pilipino?
2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon natin
ng wikang Pambansa? Nararapat ba ang parangal sa kanya bilang “Ama ng Wikang Pambansa”?
Ipaliwanag.
3. Bakit kinakailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano-ano ang naging pangunahing
tungkulin nila?
4. Bakit kaya maraming tao rin ang tumutol o sumalungat sa pagkakapili ng Tagalog bilang batayan
ng wikang Pambansa? Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang dahilan ng kanilang pagtutol?

PAG SULAT NG JOURNAL


Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:

Ngayong nabatid mo na ang mahaba at masalimuot na kasaysayan ng ating Wikang Pambansa,


paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaroon natin ng isang wikang nagbubuklod sa ating
mga Pilipino?

You might also like