You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I – ILOCOS REGION
SCHOOLS DIVISION OF ALAMINOS CITY
ALAMINOS CITY, PANGASINAN

Used as my guide aside from


TV-BASED INSTRUCTION SCRIPT IN
ARALING PANLIPUNAN 7 activity sheets and WHLP to
conduct video lesson that can
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN be used by the learners
Grade Level: SEVEN (7) anytime as it was uploaded in
Quarter: THIRD the groupchats.
Segment Title: HAPPY TV
Topic: MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA
Most Essential Learning Competency (MELCs): Nasusuri ang mga dahilan,
paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang
yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya.

SCRIPT
Editor Panimulang Video

Teacher Talent Magandang umaga, magandang araw sa inyo! Lalong-lalo na sa


mga mag-aaral ng Grade 7. Ako si Teacher Jhon Mark, ang inyong
guro sa Araling Panlipunan 7!
Kamusta kayo? Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan at lagging
panatilihing maayos ang inyong kalusugan.
Handa na ba kayo sa ating aralin ngayong umaga?

Magaling! Bago tayo magpatuloy ay nais kong tignan at suriin niyo


ang mga sumusunod na larawan.
Editor Magpapakita ng larawan

Teacher Talent Base sa mga larawang inyong nakita, ano sa tingin niyo ang paksa
natin sa araw na ito?
Tama! Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa MGA EPEKTO
NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA
Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahang:

Editor 1. Naiisa-isa ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa


Timog at Kanlurang Asya;
2. Nasusuri ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng kolonyalismo
at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya;
3. Napapahalagahan ang papel ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya.
Teacher Talent Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot
ng pananakop ng mga kanluranin sa Timog at Kanlurang asya. Tara
na’t tuklasin natin ang mga ito. Malay mo isa din pala sa mga
ginagawa mo ang nanggaling sa kanila. handa ka na ba?
Voice Over Ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya ay maaring mauri sa tatlo:
1. Pang-Ekonomiya
2. Pampolitika
3. Sosyo-Kultural

Ang mga epektong ito ay maaaring nagdulot ng Mabuti o hindi


mabuting epekto sa mga Asyano.
Teacher Talent Unahin natin ang mga epektong pang-ekonomiya.

Editor Mabuting Epektong Pang-ekonomiya:


1. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan at simbahan.
2. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o middleman.
Di-Mabuting Epektong Pang-ekonomiya:
1. Nailipat ang kayamanan ng Asya sa Europa gaya ng mga hilaw
na sangkap at ginto.
Teacher Talent Pangalawa, ang mga epektong pampolitika ay ang mga sumusunod:

Editor Mabuting Epektong Pampolitika


1. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
2. Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ng teritoryo ng
isang bansa
Di-Mabuting Epektong Pampolitika
1. Nawalan ang mga asyano ng Karapatan na pamahalaan ang
sarili nilang bansa.
Teacher Talent Panghuli, ang mga epektong sosyo-kultural.

Editor Mabuting Epektong Sosyo-Kultural


1. Ang istilo ng pamumuhay ay iginaya sa mga kanluranin.
2. Pinairal ang wikang kanluranin bilang wikang gagamitin sa
paaralan.
3. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
Di-Mabuting Epektong Sosyo-Kultural
1. Napalitan ang paniniwala at kultura.
Teacher Talent Naintindihan mo ba ang ating aralin sa araw na ito? Mayroon ka
bang mga katanungan? Kung wala ay nais kong sagutin mo ang
mga sumusunod:
Ano-ano ang tatlong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya?
Tama! Ang tatlong uri ng epekto ay ang pang-ekonomiya,
pampolitika at sosyo-kultural.
Tama o Mali. Walang mabuting epekto ang kolonyalismo at
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Magaling! Ang kolonyalismo at imperyalismo ay may mabuting
epekto sa mga taga Timog at Kanlurang Asya.
Ano-ano sa mga epektong ating napag-aralan ang sa tingin mo ay
naisasabuhay pa natin sa kasalukuyan?
Mahusay! Sa kasalukuyan nga ay napakarami nating mga gawain
na naisasabuhay. Tunay ngang marami kang natutunan sa ating
aralin sa araw na ito.
Teacher Talent Sa pagkakataong ito, ay nais kong suriin ninyo ang mga sumusunod
na epekto ng kolonyalismo at imperyalismo kung ito ay Mabuti o di-
mabuti. Bibigyan kita ng limang Segundo upang sagutin ang mga
ito. Handa ka na ba?
1. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan at simbahan.

2. Nawalan ang mga asyano ng Karapatan na pamahalaan ang


sarili nilang bansa.
3. Napalitan ang paniniwala at kultura.

4. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.

5. Pinairal ang wikang kanluranin bilang wikang gagamitin sa


paaralan.
Teacher Talent Magaling! Very good kayong lahat!

Ang ating pamumuhay sa kasalukuyan ay naiimpluwesyahan ng


mga pangyayaring naganap sa kasaysayan. kung kaya’t dapat lang
natin itong pag-aralan.
Hanggang sa muli, ako sa Teacher Jhon Mark ng Araling
Panlipunan 7 na nagsasabing, “Sa pag-aaral ng AP, dapat lagging
Happy, dito lang sa Happy TV!”
Paalam!

---END---

You might also like