You are on page 1of 4

Isang Banghay Aralin sa Filipino

Ikatlong Taon sa Kolehiyo

Inihanda nila: Gemma G. Dela Cruz

I – Layunin: Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. malalaman ang tunay na kahulugan ng pagtatalumpati, bahagi ng talumpati at mga dapat isaalang-
alang sa pagtatalumpati,

b. mauunawaan ang kahalagahan ng talumpati sa paglinang ng kahusayan ng bawat isa sa tamang


pagsasalita

c. magkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga kumpas upang maging isang mabisang


mananalumpati na may kakayahan at lakas ng loob.

II – Paksang-aralin

a. Pangkalahatang Paksa: Paglalahad/Pagpapaliwanag


b. Tiyak na Paksa: Talumpati
c. Sanggunian : Retorika : Komunikasyon sa Akademikong Filipino (pahina150-152)
d. Kagamitan : manila paper, kopya ng talumpati, flashcards

III – Pamamaraan

1. Pang-araw-araw na gawain
 Panalangin
 Pag-aayos ng upuan
 Pagkuha ng atendans

Gawain ng Guro Gawain ng Pamamaraan


Mag-aaral
a. Pangganyak May mga salita sa kahon. Pipili ako Bubunot sa Pagpapakahulug
ng ilang mga mag-aaral upang kahon at an sa salita
bumunot ng mga salita at bibigyan ng
pagkatapos ay magsasabi kayo ng sariling
inyong sariling opinyon o ideya, o pagpapakahulug
di naman kaya ay kahit anong salita an ang salitang
na nais ninyong ipakahulugan sa nabunot.
salitang inyong nabunot.

(ang guro ay magbibigay ng


halimbawa)

b. Paglalahad Ginawa natin ang gawaing iyon


dahil sa umagang ito ay tatalakayin
natin ang tungkol sa pagtatalumpati.

Alam niyo ba kung ano ang (sasagot base sa Pagtatanong


talumpati? kanilang
sariling
opinyon)
c. Pagtatalakay Ang pagtatalumpati ay maituturing na Direktang
isang uri ng sining. Dito makikita ang talakayan
katatasan at kahusayan ng tagapagsalita
sa paghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pangangatwiran sa paksang
tinatalakay.

Iba’t-ibang uri ng talumpati

1.     Impromptu – ito ay biglaang


talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa
oras na mismo ng pagsasalita.

Narito ang ilang paalala sa biglaang


pagtatalumpati.
 Maglaan ka ng oras sa
paghahanda
     Magkaroon ng tiwala sa
sarili
 Magsalita nang medyo
mabagal
 Magpokus
2.Extempore- Ayon kay James M.
Copeland, ang unang kahirapan sa
pagsasagawa ng pagbigkas ng
extempore sa isang kompetisyon ay
ang kawalan ng tiyak na kahandaan
sa pagbigkas
- Ang paghahanda sa ganitong tipo
o uri ng pagtatalumpati ay limitado
sa oras sa pagitan ng pagkuha ng
paksa at sa mismong paligsahan
3.    Isinaulong talumpati – sa
bahaging ito ang tagapagsalita ay
gumagawa muna ng kanyang talumpati.
4. Pagbasa ng papel sa panayam o
kumperensya- makikita sa bahaging
ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel
na babasahin sa kumperensya.

MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANANALUM
PATI

1. Tinig
2. Tindig
3. Galaw
4.  Kumpas ng mga kamay

MGA KATANGIAN NG
MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA

1.     Kahandaan
2.    Kaalaman sa paksa
3.    Kahusayan sa pagsasalita

Tatlong bahagi ng talumpati:


1. Pamagat
2. Katawan
3. Katapusan/ waka
d. Pagsasanay Ang guro ay magtatanong ng mga (sasagot base sa Pagtatanong
sumusunod: kanilang
naintindihan)
Gaano ka halaga ang pagkakaroon
ng tiwala sa sarili sa isang
mananalumpati?

Paano nakatutulong ang kumpas sa


pagtatalumpati?

e. Paglalahat Tapos na nating talakayin ang Dito makikita ang Konklusyon


talumpati. katatasan at
Ano ang pagtatalumpati? kahusayan ng
Paano maisakatuparan ang isang tagapagsalita sa
mahusay na talumpati? paghihikayat
Isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang
ng mananalumpati at ipaliwanag ang paniwalaan ang
bawat isa. kanyang
pangangatwiran
sa paksang
tinatalakay.
f. Paglalapat Alam kong may sapat na kayong Bubuo ng Sabayang
kaalaman tungkol sa pagtatalumpati. pangkat at pagbigkas
Ngayon nais kong bumuo kayo ng magkakaroon
pangkat na may 7 miyembro. At ng sabayang
bawat pangkat ay babasahin ang pagbigkas
talumpating aking inihanda at nais gamit ang mga
kong makita ang katangian ng alituntunin.
mahusay na tagapagsalita at mga
katangian na dapat taglayin ng isang
tagapagsalita. Kinakailangan din
ang tamang kumpas na
ipinapahiwatig ng talumpati.

IV – Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin sa kahon ang tamang sagot. Titik
lamang ang isulat.

A.   Impromptu  G.  Galaw
B.   Extempore  H. Kumpas ng mga kamay
C.   Isinaulong talumpati  I. Kahandaan
D. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya j. Kaalaman sa paksa
E. Tinig K. Kahusayan sa pagsasalita
F. Tindig

1. Dito makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita,
wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita.(k)
2. Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan(f)
3. Ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng
biglaang talumpati. (a)
4. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na tinig na parang sirang plaka. (e)
5. Ginagamit ito sa pagbibigay-diin sa sinasabi.(h)
6. Madaling matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil mararamdaman ito sa
kanyang tinig at ikinikilos. (j)
7. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa
panimula o introduksyong bibibigkas ng tagapagsalita.(i)
8. Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. (C)
9. Ito tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o
pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig. (g)
10.
11. Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng
pagkuha ng paksa at mismong paligsahan. (b)

V. Kasunduan

Sumulat ng isang talumpati depende sa paksang inyong nanaisin. Ipapasa ito sa sususnod
nating pagkikita. Isulat ito sa isang buong papel.

You might also like