You are on page 1of 5

Lesson plan in Filipino 12

( Pagbasa at pagsusuri sa Pananaliksik )

I- Layunin:

Pagkatapos ng talakayan nag isang oras ang mag-aaral ay inaasahang

a. Natutukoy ang kahulugan ng layunin,gamait,metodo,at etikang pananaliksik.


b. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin at gamit.
c. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa metodo at etika ng
pananaliksik.

II- Paksang Aralin:

Paksa: Pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino


Sanggunian: Pages 8/9
Kagamitan: Manila paper pilot pe

III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

*Pagdarasal
* Pagbati
* Pag check ng Attendance

B. Pag ganyak

* Magtatanong sa mga mag-aaral kung na alala sila tungkol sa nakaraang leksyon sa layunin,

gamit,metodo, at etika.

Magbigay tungkol sa apat na bahagi ng pagsusuri at pananaliksik sa Filipino mayroon lamang


silang (5 minuto) sa pag sagot.

1. Layunin- Isinaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo
pagkatapos maisagawa ang ang pananaliksik sanapiling paksa. Maaring panlahat at tiyak ang mga
layunin.

2. Gamit- Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at


impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.

3. Metodo- Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling


paksa.

4. Etika- Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal sa isyu sa ibat ibang bahagi ng
proseso ng pananaliksik.

C. Panlinang Gawain
Magkakaroon tayo ng maikling gawain tungkol sa pagsusuri ng pananaliksik sa filipino

D. Pang wakas na Gawain

Panuto: pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at


etika ng pananaliksik. Isulat sa inyong saguting papel may roon lamang kayong (5 minuto) upang
saguting kung LAYUNIN, GAMIT, METODO, at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.
____________ 1. Ang ginagamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na pananaliksik.

_____________ 2. Ang paraang ginagamit sa pag-aaral ay ang Correlation studies kung saan ikokompara
ang dalawang baryabols para malaman kung msyroong positibo o negatibong epekto ang isa sa isa.

_____________ 3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

_____________ 4. Ginagamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang balidasyon na


isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong baiting.

_____________ 5. Ginagamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibo at kuwasi eksperimental na uri ng


pananaliksik.

IV- Patataya

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makakabuluhang pananaliksik. Makakatulong sa
pag-iisa-isa ang mga panandang pangungusap na nasa ibaba.Isulat ang sagot sa loob nag kahon.
V. Takdang Aralin

1. Suriin ang ilang halimbawa ng pagsusuri ng pananaliksik sa filipino?

2. Ibigay ang kahulugan ang Layunin,gamit,metodo,at etika ipaliwanag?

You might also like