Professional Documents
Culture Documents
FIilipino2 - Q3 - Module3 - Paglalarawan NG Mga Tauhan Sa Napakinggang Teksto Batay Sa Kilos Sinabi o Pahayag - FinalVersion
FIilipino2 - Q3 - Module3 - Paglalarawan NG Mga Tauhan Sa Napakinggang Teksto Batay Sa Kilos Sinabi o Pahayag - FinalVersion
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Paglalarawan ng mga Tauhan sa
Napakinggang Teksto Batay sa
Kilos, Sinabi o Pahayag
CO_Q3_Filipino2_Module3
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Paglalarawan ng mga tauhan sa napakinggang teksto
batay sa kilos, sinabi o pahayag.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Paglalarawan ng mga Tauhan sa
Napakinggan Teksto Batay sa Kilos,
Sinabi o Pahayag
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
ii CO_Q3_Filipino2_Module3
Alamin
Kumusta ka kaibigan? Maligayang pagdating sa
ikatatlong modyul. Ang modyul na ito ay idinisenyo at
isinulat upang matutuhan mo kung paano mailalarawan
ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos,
sinabi o pahayag.
Sa modyul na ito, bibigyan ka ng pagkakataon na
matutuhan ang tamang pakikinig at magkaroon ng
kakayahan makilala at mailarawan ang mga tauhan.
Ang kompetensi na ito ay mahalaga upang maiugnay ito
sa pagbasa at pagbasang may pang-unawa.
Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo kung
paano:
1. Mailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang
teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag (F2PN-Ii-j-12.1)
a. natutukoy ang mga tauhan sa tekstong
napakinggan;
b. naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa
mga tauhan sa napakinggang teksto; at
c. naiguguhit ang mga tauhang nailarawan sa mga
napakinggang teksto.
1 CO_Q3_Filipino2_Module3
Subukin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin mo ang kuwento at isulat sa sagutang
papel ang mga mahahalagang tala na dapat
matandaan.
2 CO_Q3_Filipino2_Module3
“Sa lupa tayo nakatira,” ang sabi ni Koko.
“Hay, naku! Hindi ka pa ba naniniwala na sa tubig
tayo talaga nakatira?” tanong ni Kuku. Walang nais
magpatalo sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa ay dumating si Apo Luning, ang
pinakamatandang palaka sa kanilang lahi.
Tinanong nina Kuku at Koko kung saan ba talaga
ang tirahan nilang mga palaka.
“Sa tubig man o sa lupa ay maaari tayong tumira at
mabuhay. Tayo ay mga ampibyan. Sa mga unang
bahagi ng ating buhay ay nabubuhay tayo sa tubig at sa
mga huling bahagi ay naninirahan tayo sa lupa. Dahil
diyan, wala kayong dapat pagtalunan,” sagot ni Apo
Luning.
Simula noon ay hindi na nagtalo ang magkaibigang
palaka na sina Kuku at Koko.
Sagutin mo ang mga tanong at sa iyong papel, isulat ang
letra ng wastong sagot sa bawat tanong sa ibaba.
1. Sino ang tauhang maligaya sa tubigan?
a. Apo Luning
b. Kala
c. Koko
d. Kuku
2. Sino ang tauhang mahillig maglaro sa lupa?
a. Apo Luning
b. Kala
c. Koko
d. Kuku
3 CO_Q3_Filipino2_Module3
3. Ano ang tawag sa kanilang uri?
a. ampibyan
b. Indian
c. Malaysian
d. Peruvian
4 CO_Q3_Filipino2_Module3
Aralin Paglalarawan sa mga Tauhan
5 CO_Q3_Filipino2_Module3
Balikan
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Hanapin mo sa Hanay B ang kilalang tauhan sa
kwentong iyong napakinggan na inilalarawan sa Hanay
A. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong papel.
Hanay A Hanay B
6 CO_Q3_Filipino2_Module3
Mga Tala para sa Guro
Tuklasin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin mo ang usapan ng dalawang bata na nakasulat
sa ibaba.
Oo nga, Mariz.
Ang ganda ng binasa ni Nakakatuwa. Kaya
Ma’am na kuwento lang, ang hirap ng
kanina no Franco? assignment.
7 CO_Q3_Filipino2_Module3
Hindi naman
ah…madali lang
Paano ang
‘yun. Ilalarawan
gagawin?
lang daw ‘yung
mga tauhan.
8 CO_Q3_Filipino2_Module3
3. Sino ang tinatawag na tauhan sa kuwento?
a. ang siyang sumulat ng kuwento
b. ang mga gumaganap sa kuwento
c. kung saan ginanap ang kuwento
d. kung kailan naganap ang kuwento
9 CO_Q3_Filipino2_Module3
Suriin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin mo ang mga pangungusap at piliin mo
sa loob ng panaklong ang wastong damdaming
ipinahahayag nito. Isulat mo ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
10 CO_Q3_Filipino2_Module3
Pagyamanin
Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang Kuwento at gabayan ang bata sa
pagsagot)
Panuto: Pakinggan mong mabuti ang kuwento.
Ang Magkakaibigan
ni Grace L. Sotto
Magkakaibigan sa paaralan sina Sara, Lota at Karlo.
Madalas silang maglaro kapag may bakanteng oras.
Masaya sila sa tuwing magkakasama. Iba’t ibang
talento ang taglay ng tatlo. Mahilig kumanta si Lota
habang si Sara naman ay pagsayaw ang nais. Mahusay
naman si Karlo sa pagguhit. Makukulay na bulaklak at
magandang tanawin ang lagi niyang iginuguhit.
11 CO_Q3_Filipino2_Module3
Iba-iba man ang kanilang nais, magkakasundo
naman sila sa isang bagay. Silang tatlo ay mahilig mag-
aral. Masaya sila kapag sila ay nasa paaralan.
Madalas ding purihin ng guro ang magkakaibigan,
sapagkat sila ay mababait at magagalang na mga bata.
12 CO_Q3_Filipino2_Module3
4. Bakit madalas purihin ng guro ang magkakaibigan?
a. dahil sila ay masayahin sila
b. dahil matatapat silang bata
c. dahil sa kanilang talento
d. dahil sila ay mababait at magagalang
5. Ano ang inaabangan nila sa panibagong umaga?
a. ang nagtitinda ng pandesal
b. ang mga kaklaseng dumadaan
c. ang bagong masasayang karanasan
d. ang guro nilang Si Gng. Sotto
Isaisip
Magaling kaibigan at nakaabot ka sa bahaging ito.
Halika ka at magpatuloy tayo.
Mahalaga ang pakikinig o pagbabasa ng kuwento o
teksto. Sa pamamagitan ng mga kuwento ay marami
tayong nakikilalang mga tauhan, nararating na mga
lugar at nararanasang pangyayari batay sa mga bahagi
ng kuwento o teksto.
Habang nakikinig o nagbabasa ng kuwento,
natutuhan natin ang mga elemento ng naturang istorya.
Ang mga elementong ito ay ang:
o tauhan
o tagpuan
o tema
o pangyayari
Ang mga tauhan sa kuwento ang siyang
pinakamalaking bahagi ng kuwento. Sila ang
gumaganap at bumubuo sa bawat pangyayari sa
13 CO_Q3_Filipino2_Module3
kuwento. Sa mga tauhang ito natin natutuhan ang mga
aral na kalakip ng kuwento. Ang mga tauhan ang
kumikilos at nangungusap upang lalo pa nating
maintidihan ang daloy at tema ng kuwento.
Makikilala natin at mailalarawan ang ugali,
katangian at gawain ng mga tauhan sa kuwento batay
sa kanilang kilos, sinasabi o pahayag
Ang mga ugali, katangian at gawain ng mga
tauhan ay maaari rin nating maiugnay sa sarili nating
mga buhay.
Mayroon ding mga pangyayari sa isang kuwento na
maaaring natin may kaugnayan o pagkakahawig sa
ating mga pansariling karanasan.
Mahalaga rin na ang bawat kuwento ating
napapakinggan o nababasa ay kapulutan natin ng mga
aral sa buhay.
Isagawa
Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang teksto at gabayan ang bata sa
pagsagot)
Panuto: Ipabasa mo sa iyong magulang o sa
nakatatandang kapatid ang teksto. Pakinggang mabuti
ang tekstong babasahin at isulat ang letra ng katangian
ng mga tauhan sa inyong sagutang papel.
1. “Walang makatatalo sa akin sa takbuhan. Ako ang
pinakamabilis sa lahat. Lahat sila ay matatalo ko.
Sisiw lang sila,” sabi ni Rani.
14 CO_Q3_Filipino2_Module3
a. mabait b. mayabang c. masipag d. takot
2. “Opo, Lolo. Tapos na po ang aking proyekto.
Salamat po sa tulong ninyo,” nakangiting sagot ni
Ella.
a. palabiro b. masunurin c. magalang d. mahina
15 CO_Q3_Filipino2_Module3
Tayahin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Pagtambalin mo ang pangungusap sa Hanay A
at sa mga larawan sa hanay B. Isulat ang letra ng sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Sakitin si Lucy. a.
3. Masipag si Helen. c.
4. Matulungin si Sonny. d.
5. Matalino si Henry e.
16 CO_Q3_Filipino2_Module3
Karagdagang Gawain
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Ilarawan mo ang mga tauhan sa pamamagitan
ng pagguhit ng kanilang nararamdaman ayon sa
pangungusap. Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.
17 CO_Q3_Filipino2_Module3
CO_Q3_Filipino2_Module3 18
Karagdagang Tayahin: Isagawa: Pagyamanin:
Gawain:
1. c 1. B 1. b
1. umiiyak 2. C 2. c
2. a
2. antukin 3. A 3. a
3. malungkot 3. b 4. A 4. d
4. masaya 5. C 5. c
4. e
5. masaya
5. d
Tuklasin Balikan: Suriin: Subukin:
1. b 1. masaya
1. D 2. a 1. D
2. B 3. e 2. naiinis 2. C
3. B 4. c 3. A
4. C 5. d 3. nasaktan 4. C
5. D 4. nahihiya 5. B
5.natakot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda
Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig
City: Rex Book Store, Inc.
Updates, N., Materials, T., Articles, R. and Contributor, B., 2020. Most
Essential Learning Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY
2020-2021. [online] DepEd Click. Available at:
<https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-
learning-competencies.html>
19 CO_Q3_Filipino2_Module3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: