Professional Documents
Culture Documents
Filipino Learning Kit
Filipino Learning Kit
Filipino
Unang Markahan
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Aralin 3: Epiko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Filipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Aralin 3: Epiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
v
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa mag-aaral. Ito ay binuo upang
tumulong sa pag-alam sa panitikan ng ating bansa sa Panahon ng mga Katutubo- Epiko.
Sinasaklaw nito ang ilang napapanahong kalagayang panlipunan at ang mga kasanayan na
magagamit sa iba’t ibang sitwasyon sa iyong pag-aaral. Ang wikang ginamit dito ay
kumikilala sa magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
inayos batay sa pagkakasunod-sunod ng pamantayan. Ngunit maaaring maiba ang ayos mula
sa aklat na iyong gagamitin.
Subukin
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO. Tukuyin ang teknik na ginamit sa pagpapalawak ng paksa sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat sa sagutang-papel ang kumakatawan na mobile legend rank sa
iyong sagot.
1
3. Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan.
4. Ang Biag ni Lam-ang ay isang pinakapopular na epikong bayan na nagmula sa
Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union.
5. Masusuring ang pangunahing tauhan sa epiko ng Ilocos ay si Lam-ang. Siya ay
inilalarawan bilang isang matapang na mandirigmang may supernatural na lakas.
6. Ang Epiko ni Tuwaang ay ipinagmamalaki ng mga Bagobo. Ito ay mahabang tula na
nagsasalaysay sa kabayanihang ginawa ni Tuwaang sa isang dalaga.
7. Ang suliranin sa akdang Tuwaang ay ang paghingi ng tulong ng dilag na nagmula sa
kalangitang Buhong. Ito ang naging sanhi upang pumunta si Tuwaang sa Batooy.
8. Ang mga tauhan sa epiko ng Bagobo ay sina Tuwaang, ang Dalaga ng Buhong na
Langit, Batooy, Bai, Binata ng Pangavukad at Binata ng Pangumaon.
9. Ang akdang Tuwaang at Biag na Lam-ang ay mga halimbawa ng isang epiko. Dahil
parehas itong nagsasalaysay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing
tauhan..
10. Sa lipunang Ifugao, ang Hudhud ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang
inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag inaayos ang mga payo o dindamuhan ang mga
palayan.
11. Ang pangunahing tauhan sa epiko ng Ifugao ay ang pambihirang nilalang na si Aliguyon,na
kabilang sa uwing mariwasa o kadangyan.
12. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon at sinasabing ukol lamang ito sa
buhay at pakikipagsapalaran ni Agyu.
13. Ang epikong Prinsipe Bantugan at Bidasari ay mula sa Mindanao. Parehong itong
nakapaloob sa pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan.
14. Ang epikong Ibalon ay tanyag sa Bicol at ang orihinal na sipi nito sa wikang Bicolano
ay iningatan ni Padre Jose Castano.
15. Ang Ibalon ay salaysay na pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog, Handiong
at Bantong.
Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto upang iyong malaman kung alin
sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali.Huwag kang mag-alala kung may
naging sagot kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito upang maiwasto ang mga
ito.
Aralin Epiko
3 Wika: Iba’t ibang teknik sa
Pagpapalawak ng Paksa
Simulan na ang pagpapaunlad ng inyong kaalaman at kakayahan sa pagtalakay sa aralin
tungkol sa iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Siguradong ikaw ay handing-handa na!
Ngunit bago magsimula ang aralin , magbalik-tanaw muna sa iyong nakaraang aralin.
2
Balikan
ML Hero ko!
Pumili sa Mobile Legend Card Hero ng mga pahayag na gumagamit ng mga hudyat
ng sanhi at bunga sa pangyayari. Lagyan ng ang ngalan ng Hero na nagsasaad ng
iyong kasagutan.
Tuklasin
Star na!
3
Panuto: Piliin sa mga sumusunod na ranked game ang iyong masasabi sa
paksang “COVID-19”. Lagyan ng kulay ang reward star na iyong napiling kasagutan.
Malaki ang Ang sakit na Maraming buhay Ang mga sintomas Ang Middle East
naitulong ng Coronavirus 2019 ang naliligtas dahil ng COVID-19 ay Respiratory
COVID-19 sa (COVID-19) ay sa COVID-19 na maaaring mula sa Syndrome (MERS-
kabuhayan ng mga isang sakit sa tunay na banayad (o walang CoV) at Severe
Pilipino. palahingahan. Ito ay nagbibigay-lakas sa mga sintomas) Acute Respiratory
sanhi ng isang pangangatawan ng hanggang sa Syndrome (SARS-
bagong virus. isang tao. malubhang sakit CoV) ay mga
malubhang sakit
bunga ng malaking
pamilya ng mga
virus.Ito ay ang
tinatawag na
coronaviruses.
Suriin
Halimbawa:
Ang maikling kuwento at nobela ay mga uri ng panitikan.Kapwa binubuo ito ng mga
tauhan, tagpuan at nagbibigay aral sa mga mambabasa.
4
Pagbibigay katuturan o depenisyon- May mga salitang hindi agad-agad
naiintindihan kaya’t kailangan bigyan ng depenisyon. Ito’y mga bagay o kaisipan
nangangailangan ng masaklaw na pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan,at
kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang diin sa pagbibigay ng depinisyon.
Halimbawa:
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang
tao na may sukat at tugma at gumagamit ng matatalinghagang pahayag na nakatago
ang kahulugan.
Halimbawa:
Pagsusuri sa bahagi o elemento ng tula;
-anyo
-tugma
-sukat
-saknong
-taludtod
-tono o indayog
-kariktan/matatalinhagang pahayag
Pagyamanin
Gawain 1: Sagutan ang Lucky Spin!
Palawakin ang paksang “epiko”. Piliin ang bilang ng aytem ng iyong sagot at
ilagay ito sa loob ng ML lucky spin.
EPIKO
5
5. Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao.
Kur epiko
savakan Tuwaang
Binata ng Pangumanon
tulang pambayan at tulang epiko
_________2. Si Tuwaang ay isang lalaking may kakaibang lakas at ang kanyang armas ay
mayroong pambihirang kapangyarihan.
_________5. Sa Pilipinas, popular noon ang mga tulang pambayan at tulang epiko.Pareho
itong kinapalolooban ng mga paniniwala, mga kaugalian at mga huwaran sa
buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan.
6
1. Mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
7
A. Ito ay bagay na maaaring maihambing sa pangangalaga mo sa iyong sarili.
B. Ito ay mabisang proteksyon upang maging mababa ang tyansa na ikaw ay
mahawaan sa COVID-19.
C.Ito ay ginagamit bilang disenyo lamang sa mukha at walang mabuting naidudulot sa
ating kalusugan.
D. Ayon sa pagsusuri ng eksperto, ang pagsusuot ng nito sa mukha na gawa sa tela ay
makakapagpabagal ng pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng paglimita sa
paglabas ng virus sa hangin.
Suriin ang mga sumusunod na pahayag at sagutin kung TAMA o MALI ang
nakatalagang teknik sa pagpapalawak ng paksa. Isulat sa loob ng medal chest ang iyong
sagot.
1. ______ 4. ______
2. ______
3. ______ 5. ____
1. (Katuturan o depenisyon)
Ang diyagnostikong swab test ay tumutukoy sa presensya ng COVID-19 virus.
2. (Paghahawig o pagtutulad)
Ang pandemya ay isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na
nakakaapekto sa maraming tao sa boung mundo at mabilis na kumakalat.
3. (Pagsusuri)
Ang kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng ating pangangatawan,
kawalan ng sakit, may sapat na timbang at may maayos na pangangatawan.
4. (Paghahawig at pagtutulad)
Ang pagsagot sa modyul at online class ay mga alternatibong paraan sa pag-aaral na
inihanda ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong Pandemya. Kapwa ito bagong sistema sa
pag-aaral ng mga mag-aaral.
5. (Depinisyon)
8
Pinatunayan ng DepEd na handa nitong tugunan ang iba’t ibang pangangailangan at
kakayahan ng mga mag-aaral upang maiataguyod ang kanilang pag-aaral ngayong panahon
ng krisis.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Isaisip
Sa bahaging ito, isaisip mo ang iyong mga natutuhan na aralin, gawin ang
hamon sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain.
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng araling tinalakay.
9
Isagawa
Basahin ang sanaysay at sagutan ang gawain sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
Nagbago ang buhay nating lahat dahil sa pandemiya. Isa sa malaking pagbabagong
nakita natin ay sa edukasyon. Maraming magulang ang nag-alala sa kalusugan ng kanilang
mga anak kaya sila ay nag-aalangan kung papasukin pa sa paaralan ang mga bata.
Matapos ang ilang kosultasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kagawaran ng
Edukasyon, napagpasayahan na iurong ang pagbubukas ng klase at gawin nalang
itong distance learning o walang face to face learning na nakasanayan noon sa
pagtuturo at pagkatuto. Palibhasa magiging bahagi na ng new normal ang distance
learning, nabuo ang salitang Bahay-Klasrum sa Valenzuela. Pero paano magiging
matagumpay ang pag-aaral sa bahay? Narito ang ilang tips:
1. Magkaroon ng iskedyul at mahigpit itong sundin araw-araw. Hamon ito sa
isang mag-aaral dahil sa loob ng bahay maraming pang-abala.
Mapagtatagumpayan ito kung susuporta ang magulang sa iskedyul ng anak.
2. Bawasan ang distraction o panggambala sa paligid. Kaya makiusap sa mga
kasama sa bahay na sa panahon ng klase iwasang lumikha ng ingay kasi
makasisira sa pokus ng mag-aaral ang mga distraction.
3. Maglaan ng lugar para sa pag-aaral. Kahit maliit ang bahay, dapat may mesa
at upuan para sa pag-aaral. Gawing permanente ang lugar ng bawat bata sa pag-
aaral bunga nito naipoprogram na sila sa pag-aaral sa tuwing umuupo sila roon.
4. Samantalahin ang online resources. Kung may kakayahang mag-online,
samantalahin ang mga online applications para higit na matuto ang mga bata.
Kailangan ang patnubay ng magulang sa paggamit ng online resources sapagkat
may banta ng panganib ang paggamit ng internet.
5. Laging makipag-usap sa kapamilya o kaibigan. Dahil sa nagbagong kalagayan,
naapektuhan ang emosyonal at mental na kalagayan ng mga kabataan. Ilang
buwan na silang nalulungkot at nababagot, kaya kailangan nila ng suporta at taong
nakakaunawa sa kanila. Kausapin sila at maglibang kasama nila.
10
Sanhi Bunga
1. nagbago ang buhay nating lahat
maraming magulang nag-aalala sa
2.
kalusugan ng mga anak
nabuo ang salitang Bahay-Klasrum sa
3.
Valenzuela
dahil sa loob ng bahay maraming pang-
4.
abala
kaya makiusap sa mga kasama sa bahay na
5.
huwag lumikha ng ingay
bunga nito naipoprograma ang mga mag-aaral
6.
sa pag-aaral sa tuwing umuupo sila roon
Sapagkat may banta ng panganib ang
paggamit ng internet 7.
naapektuhan ang emosyonal at mental na
8.
kalagayan ng mga kabataan
ilang buwan na silang nalulungkot at
9.
nababagot
10. magtatagumpay ang Bahay-klasrum
Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang, kunin ang hudyat ng sanhi/bunga
at isulat sa sagutang ang SUBSCRIBE kung ito ay para sa sanhi at BLOG kung sa bunga.
Hal. Umuwi siyang basa dahil inabutan siya ng malakas na ulan.
Sagot: dahil- SUBSCRIBE
11
7. Maraming Pilipino ang naging madiskarte sa buhay kasi nawalan sila ng hanapbuhay.
8. Nabalitaan ni Haring Madali na namatay ang kaniyang kapatid kaya pinuntahan niya
upang buhaying muli.
9. Dahilan sa nalaman ng buong Kaharian na binuhay-muli ni Haring Madali ang
kapatid na si Bantugan, nagbunyi silang lahat.
10. Pagkapanganak ni Lam-ang nagsasalita na siya, palibhasa kakaibang bata siya.
11. Natatakot si Bai sa pag-alis ng kapatid bunga nito pinigilan niya si Tuwaang sa
paglalakbay.
12. Nagalit ang binatang ikakasal dahilan sa umupo sa tabi ni Tuwaang ang dalagang
kaniyang pakakasalan.
13. Ayaw mapahiya ni Tuwaang ang binatang hindi makapagbigay ng huling handog sa
pamilya ng babaeng pakakasalan niya kung kaya lumikha siya ng makalumang gong,
gintong gitara at gintong bansi.
14. Sapagkat namatay lahat ng kawal ni Tuwaang, binuhay niya silang lahat gamit ang
kaniyang laway.
15. Dahil sa pagsasaling-dila ng ating mga ninuno, lumaganap ang epiko noong
Sinaunang Panahon at umabot ito sa modernong panahon.
Karagdagan
Gawain
12
Subukin RUBRIKS SA PAGTATAYA
Tuklasin Gawain 3:Dugtungan
Tayo!
PAMANTAYAN 1. WARRIOR PUNTOS
1. Orihinalidad 10
1. EPIC 2. Nilalaman 2. ELITE *(pasya20ng guro ang
3. Biswal na Hatak (Visual Impact)
3. MASTER pagwawasto)
10
2. LEGEND
4. Nakasunod Sa Pamantayan Gawain104: Punan Mo!
3. LEGEND KABUUAN 4.GRANDMASTER 50
1. kaya/kaya naman/
4. LEGEND 5.EPIC bunga nito/dahil dito
2. dahil
5. MYTHIC 3. kasi/dahil
PAGYAMANIN
6. LEGEND Binabati kita! Ipinakita mo ang iyong husay sa pagsagot ng mga gawain. Ipagpatuloy
sapagkat/pagkat
mo ang iyong kahusayan! Gawain
Inaasahan
1 na magagampanan mo ang mga gawain sa susunod na
7. MYTHIC kaya/kaya
mga aralin. Hanggang sa muli!
1.DEFEAT naman/bunga
8. MYTHIC
2.VICTORY nito/Subukin
9. EPIC
3.VICTORY
10. LEGEND
4.VICTORY 1.STAR
11. MYTHIC
5.VICTORY 2. BUCKS
12. LEGEND
Gawain 2 3.BUCKS
13. EPIC
A.Facemask 4. STAR
14. LEGEND
B. 1-3(Malaya ang guro 5. BUCKS
15. LEGEND
sa pagwawasto)
6. BUCKS
BALIKAN
Pangungusap *(pasya ng
7. STAR
HANABI guro ang pagwawasto)
8.STAR
Gawain 3:Dugtungan
KARINA
Tayo! 9. BUCKS
LANCELOT *(pasya ng guro ang 10.STAR
pagwawasto)
LESLEY 11. BUCKS
MASHA
Susi sa Pagwawasto
13
Susi sa Pagwawasto
TAYAHIN
Pangwakas na Pagtataya
1. sapagkat- SUBSCRIBER
2. kaya-BLOG
3. sapagkat- SUBSCRIBER
4. kaya naman- BLOG
5. palibhasa- SUBSCRIBER
6. tuloy- BLOG
7. kasi- SUBSCRIBER
8. kaya-BLOG
9. dahilan sa- SUBSCRIBER
10. palibahsa- SUBSCRIBER
11. bunga nito- BLOG
12. dahilan sa- SUBSCRIBER
13. kaya-BLOG
14. sapagkat- SUBSCRIBER
15. dahil sa- SUBSCRIBER
KARAGDAGANG GAWAIN
14
Sanggunian
Aklat
Julian, Aileen B., & Lontoc, N. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma. Quezon City.
Phoenix Publishing House, Inc., 2017.
Internet/Website
http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/
https://www.youtube.com/watch?v=Bs06wEqyGBw
https://www.health.nsw.gov.au/Infectious/diseases/Documents/social-distancing-
messages-filipino-tagalog.pdf
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/2019-ncov-factsheet-
Tagalog.pdf
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pdf
https://www.redcross.org/content/dam/redcross/atg/PDF_s/Preparedness___Disaster_Recovery/Disast
er_Preparedness/Flu/Flu_ENG_TG_final.pdf
At iba pa
K to 12 Gabay Pangkurikulum. Filipino 8. Pahina 62-74.Mayo 2016.
15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
16