You are on page 1of 21

Bauan Technical High School

Epekto ng Online Video Application sa Makrong Kasanayan sa Pagbasa ng


Junior High sa Bauan Technical Highschool

Aksyon Riserts
Na Inihanda Para kay
Sheryl Fallarcuna Silang
Bauan Technical High School

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan ng Pangangailangan


sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina

Caguete, Nathaniel
Bijasa, Sherrie Mae H.
Cole, Roncel
Gonzalvo, Alexa Marie

Marso, 2020
Bauan Technical High School
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagpapatupad sa isa mga pangangailangan ng asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang papel
pananaliksik na ito ay pinamagatang
“------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------” ay inihanda ng mga mananaliksik mula sa Baitang 11- _______ na
binubuo nina:

------------------------------ ---------------------------------

------------------------------ ----------------------------------

Tinanggap sa ilalim ng Kagawaran ng Filipino, Bauan Technical High School,


bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na may markang: _______

SHERYL F. SILANG
Gurong Tagapayo
Bauan Technical High School

II. ABSTRAK ( summary)

Pamagat : --------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------.
May-Akda : Juan Dela Cruz
Baitang : ---------------------------------
Strand : ---------------------------------
Taon : 2020
Tagapayo : Sheryl F. Silang

Buod

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

------.

Ang pananaliksik ay may pamagat na

“-------------------------------------------------------------------------------------------------”.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang pananaliksik ay gumamit ng palarawan (descriptive) kuwantitatibo

(quantitative) na may talatanungan bilang pangunahing instrumento ng pag-aaral.

Ang kabuuang bilang ng kalahok ay binubuo ng tatlong-daan at dalawampung


Bauan Technical High School
(320) mag-aaral ng Senior High School na pinili gamit ang stratified sampling.

Natuklasan na ang

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

------.
Bauan Technical High School

III. PASASALAMAT

Taos-pusong pagpapasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na


indibidwal at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang
humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging
matagumpay ang pag-aaral na ito.

Una sa lahat, kami ay lubos na nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________________________.

Kay Gng. Sheryl F. Silang,


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras at matiyagang nagsagot ng


aming inihandang pagsusulit upang kami ay makapangalap ng datos para sa pag-
aaral na ito.

Sa mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga panahong


abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at
pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

- Mga Mananaliksik
Bauan Technical High School

IV. KONTEKSTO AT RASYONALE

Ang edukasyon ay susi para maabot ang mga pangarap ng isang indibidwal. Ito

ay tumutulong sa tao upang mapaunlad ang kanyang kakayahan, pang-unawa at

pagkatao. Ito rin ay tumutukoy sa pag-aaral ng iba’t ibang asignatura upang matuto

ng iba’t ibang kasanayan para magamit sa pang-araw-araw na buhay at para sa

kinabukasan. Ito ay maaring maganap sa pormal at di-pormal na edukasyon. Sa

pormal na edukasyon, ang pag-aaral ay nagaganap sa loob ng paaralan. Ang bata

na nasa wastong edad ay dadaan sa iba’t ibang yugto ng pag-aaral simula

elementarya patungo sa sekondarya o mataas na paaralan. Pagkatapos nilang

makapagtapos ng sekondarya, tutungo naman ang mag-aaral sa kolehiyo, kung

saan mas hahasain ang kanyang kakayahan upang maging handa sa kanyang

tatahakin karera o propesyon. Samantala, sa di-pormal na edukasyon naman ay

ang pagkakatuto ng kabataan sa pamamagitan ng ibang tao o bagay, halimbawa

na lamang kapag ang isang tao ay nangangalap ng impormasyon gamit ang mga

kagamitan nito sa kaniyang paligid: libro, internet atbp. Magkaiba man ang

pamamaraan sa pagkamit ng edukasyon, di pa rin mapagkakailang parehas ito

kinakailangan upang mahasa ang mga kakayahan na makakatulong upang mas

mapaunlad ang sarili.

Isa sa mga kakayahang kinakailangan hasain ng isang indibidwal upang


Bauan Technical High School
mapaunlad ang sarili ay ang pagbasa. Ayon kay Charles (2016), ang pagbasa ay

isang malawak na proseso na may kinalaman sa pagkilala, pagpapahalaga at pag-

unawa sa mga salita. Ang pagbasa rin ay nagbibigay ng maraming oportunidad

hindi lamang para matuto mula sa pananaw ng ibang tao ngunit lalo’t higit sa ating

sarili mismo. Makakuha rin dito ng maraming oportunidad na maaaring magdulot ng

magandang bagay sa isang tao at dagdag kaalaman patungkol sa kalagayan ng

kasalukuyang lipunang ating ginagalawan.

Sa pagbasa, nakikilala at nakukuha ang mga ideya pati ang mga kaisipan sa

mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito ay pag-unawa sa

mga kaalaman upang matamo ang karunungan, pagbabalik sa nakaraan,

pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon sa hinaharap. Ang mga mambabasa ay

kailangang makadebelop ng mga kasanayan na makatutulong sa kanila upang

maunawaan ang kanilang binabasa. Mahalaga kung gayon ang komprehesyon o

pag-unawa sa konteks at mga natutunang impormasyon upang maging katulong sa

pagbasa at maging makabuluhan ang anumang binabasa o pinapakinggan.

Mahalaga ang pagbabasa sa buhay ng isang tao, sa kadahilanang isa ito sa

mga instrumentong kinakailangan upang umunlad ang isang tao. Sa pagbabasa,

maraming nakukuhang impormasyon na maaaring gamitin ng isang tao upang

makaangat, dito rin masusukat ang kapasidad ng isang tao na umintindi ng mga

bagay-bagay. Nakalulungkot lamang isipin dahil ayon sa resulta ng isang literacy

assessment ay lumabas na Pilipinas ang may pinakamababang reading

comprehension kumpara sa 78 bansa na kasama rito. Ang isang bansa naman

katulad ng Pilipinas ay nagagawang makipagsabayan o maangatan ang ekonomiya


Bauan Technical High School
ng ibang bansa kung ang mga mamamayan dito ay may mataas na edukasyon.

Ayon kay Baldemoro (2014), nagbabasa ang tao upang makasabay sa mabilis

na takbo ng panahon. Sa bilis ng pagbabagong dulot ng modernisasyon, kailangan

makasabay ang tao sa bagong kaalaman tulad ng paggamit ng mga bagong

teknolohiya. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya mas mapadadali ang mga

gawain sa paaralan. Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na

maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga

naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Ang teknolohiya

ang naglalapat at nagsusulong ng mga kasangkapan at naglalapat ng

kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga

suliranin ng tao.

Ang teknolohiya ay isang makina na tumutulong upang mapadali ang isang

gawain ng tao. Napakarami na nang naiambag ng teknolohiya sa buhay ng tao, lalo

na sa kabataan. Sa henerasyon ngayon (21st century) masasabing ang computer-

based sa makabagong teknolohiya ay ang pinakaginagamit ng mga tao.

Pangunahin itong kagamitan na ginagamit ng mga nasa industriya, paaralan,

kompanya, at mga establisyementong pangnegosyo. Kasabay ng pag-usbong ng

teknolohiya ay ang paglabas ng iba’t ibang klase ng online application na

nakatutulong at nakasasama sa pagbabasa ng kabataan. Maraming tao ang

kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya nga ba ay nakabubuti o nakasasama

sa pagbabasa. Ayon nga kay Pilorin (2016), malaki ang naitutulong ng teknolohiya

upang mas mapadali ang pag-aaral ng mga estudyante, ngunit hindi rin naman

maipagkakailang marami sa mga mag-aaral ay umaasa nalamang ng kasagutan sa


Bauan Technical High School
kanilang sulatin sa internet imbis na magbasa ng libro.

Sa pag-aaral ni Moner (2015), patungkol sa dahilan ng mababang reading

comprehension ng mga mag-aaral, kung saan lumabas na 50% ng mga kalahok ay

mas pinipiling manood ng pelikula kaysa magbasa sapagkat mas makatotohanan,

mas nakakaaliw at mas madaling intindihin ang panunuod kaysa sa pagbabasa.

Nawawalan ng gana ang isang indibidwal na magbasa sa kadahilanang maaaring

panoorin na lamang ang isang palabas na hango sa isang konteks. Nagkakaroon

ng motibasyon ang mambabasa ng mga elektronikong babasahin ngunit sa

kabilang dako ay limitado ang pumapasok na impormasyon sa kanilang mga isipan

at hindi gaanong nailalahad ang kanilang mga natututunan sa pagbabasa gamit

ang mga ito. Nagdudulot ito ng hindi maayos na pagka-unawa sa binabasa dahil sa

mga interaktibong disenyo ng nasabing babasahin.

Ayon kay Gonzaga (2013), nawawalan na ng halaga ang mga libro dahil mas

pinipili na ng mga mag-aaral ang manood kaysa magbasa. Bumababa ang

kahalagahan ng libro para sa kabataan dahil sa mga social networking sites na

kaagaw-agaw pansin. Sa kasalukuyan, ang simpleng takdang aralin ay

napakadaling hanapin sa internet. Ito ang dahilan kung bakit bumababa ang marka

ng ilang kabataan sapagkat nasasanay sila sa mga impormasyong nakukuha nila

mula sa internet. Nagdudulot ito ang adiksyon sa mga kabataan kung kaya’t

nasisira ang kanilang pag-aaral. Ayon kay Piccio (2014), isa sa suliranin ng mga

magulang ay ang adiksyon ng mga kabataan sa mga bagay na may kinalaman sa

gadgets katulad na lamang ng online gaming, chatting, at iba pa. Ang sobrang
Bauan Technical High School
paggamit ng gadgets ay nagdudulot ng pagiging iritable kapag nagugulo sila sa

paggamit nito.

Dahil dito, minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng isang pag-

aaral kaugnay sa epekto ng online applications sa makrong kasanayan sa pagbasa

nang sa gayon ay malaman kung ano ang posibleng epekto nito sa mga piling

mag-aaral mula sa Junior High ng Bauan Technical High School. Ang mga

mananaliksik ay makabubuo ng konklusyon at mungkahing rekomendasyon na

makatutulong sa mga mag-aaral sa matalinong paggamit ng online application

upang malinang at mahasa ang kanilang kasanayan sa pagbasa.

V. Panukalang Inobasyon, Interbensyon at Estratehiya

Ang pagbabasa ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Sa

tulong ng pagbabasa nakakukuha ng mga impormasyon at karunungan ang isang

tao na magagamit niya sa pang-araw-araw niyang pamumuhay. Ang reading

comprehension naman ay sumusukat sa kakayahan ng isang tao sa pag-unawa ng

mga salita sa isang teksto. Ang pagbaba ng reading comprehension ay madapat

pagtuonan ng pansin sapagkat nakaaapekto ito sa buhay ng mga kabataan. Isa

ang internet sa mga dahilan kung bakit bumababa ang reading comprehension ng

mga kabataan, dahil sa social media, mga nakaaaliw na bidyo at laro na

umaaagaw sa atensyon ng mga kabataan.

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng printed comics na makatutulong sa

mga kabataan upang mahasa ang kakayahan nila sa pagbasa, kasabay nito ay

mas maeenganyo sila na magbasa sa kadahilanang may kasama itong guhit na


Bauan Technical High School
nagpapabuhay sa istorya.

Ang printed comics na binuo ng mga mananaliksik ay isang komiks na

makatutulong upang mas maengganyo ang mga mag-aaral na magbasa. Ito ay

isang uri ng babasahin na may kasamang guhit na magpapabuhay sa istorya. Ang

kagandahan ng printed comics sa libro ay mababasa ito ng may kasamang guhit na

makatutulong upang hindi mawalan ng interes ang mga mag-aaral sa pagbabasa at

upang maaliw ang mga mambabasa nito. Samantala ang kagandahan naman ng

printed comics sa OVA ay mas mahahasa ang komprehensyon at kasanayan ng

mag-aaral sa pagbabasa kung mababasa nya ang kwento at hindi napapanuod

lamang. Sa printed comics din ay mas madaling balikan ang natigil na pagbabasa

kumpara sa OVA na mahirap hanapin kung saang parte ka tumigil.

VI. Mga Tanong ng Aksyon Riserts

Layunin ng pag-aaral na malaman ang epekto ng online video application sa

Makrong Kasanayan sa pagbasa. Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga tiyak na

tanong.

1. Ano-anong online video applications ang madalas na ginagamit ng mga

mag-aaral ng Junior High sa Bauan Technical High School?

2. Paano nakaaapekto ang online video applications sa Makrong Kasanayan

sa pagbasa ng mga mag-aaral ng Junior High sa Bauan Technical High

School?

3. Paano makatutulong ang printed comics sa paghahasa ng Makrong


Bauan Technical High School
Kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ng Junior High sa Bauan

Technical High School?

VII. Pamamaraan ng Aksyon Riserts

Ang mananaliksik ay gumamit ng mga paglalarawan (descriptive)

kuwantitatibong (quantitative) pananaliksik sa pag-aaral na ito. Ito ang

pinakaangkop na paraan ng pananaliksik kaugnay ng paksa sapagkat ang paksa

na ginamit ay nangangailangan ng masusing pag-aanalisa ng mga nakalap na

datos mula sa mga kalahok.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga napiling kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag- aaral ng

junior high ng Bauan Technical High School. Ang pangkat ng mga mag-aaral

baitang 7 ay binubuo ng isang libong pitong daan at pitumpu’t lima (1275), ang

baitang 8 na may kabuoang populasyon na isang libong isang daan at tatlumpu’t

isa (1131),ang baitang 9 na may isang libo at limampu’t pito (1057) na kabuoang

populasyon, at ang baitang 10 na may kabuoang populasyon na siyam na daan at

tatlumpu’t apat (934). Ang pagsasakatuparan ng pananaliksik ay nilimitahan

lamang sa limampu’t isa (51) na bilang ng respondente mula sa kabuoang

populasyon na apat na libong tatlong daan at siyamnapu’t pito (4397). Ginamit ang

Raosoft’s Formula na may 10% margin or error, 90% confidence level at response

distribution na 25% bilang kinasangkapan sa pagkuha ng sampol sa pag-aaral.

Ang kabuoang bilang ng kalahok ay ibinahagi bawat baitang sa

pamamagitan ng stratified sampling technique upang magkaroon ng pantay na


Bauan Technical High School
pagkakataon at tamang proporsyon sa mga respondente bilang bahagi ng pag-

aaral.

Junior High School Population Proportion Sample Size


Classification (NK) (PK) (nK)
Baitang 7 49 0.25 12
Baitang 8 49 0.25 13
Baitang 9 49 0.25 13
Baitang 10 49 0.25 13
Kabuoan 196 1 51
Talahanayan 1
Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay

talatanungan. Ang talatanungan para sa mga respondente ay nahahati sa

dalawang bahagi; ang pagtukoy sa mga online video application na ginagamit ng

mga mag-aaral ng junior high at paano nakaaapekto ang mga nasabing online

video applications sa makrong kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ng junior

high sa Bauan Technical High School.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Matapos makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay nangalap ng datos buhat sa mga aklat, mga nailimbag at ‘di

nailimbag na tesis, at iba’t ibang websayt sa internet na may kinalaman sa paksa

upang maging lubos na makabuluhan at patotohanan ang isinasagawang pag-

aaral.
Bauan Technical High School
Bukod sa mga nabanggit, ang mananaliksik ay nagsagawa rin ng

pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng talatanungan na ipamamahagi sa

mga respondenteng mag-aaral. Ang mga datos na nakalap ay malaking tulong sa

pagpapaunlad ng kaalaman tungkol sa napiling paksa at pagsasakatuparan ng

mga layuin.

VIII. Pagtalakay ng Resulta at Repleksyon

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga talahanayan upang maipakita

nang maayos ang presentasyon ng mga datos. Ang talahanayang ito ay resulta sa

isinagawang pag-aaral ng mananaliksik tungkol sa epekto ng online video

application sa makrong kasanayan sa pagbasa.

1. Mga Online Video Applications na madalas gamitin ng mga mag-aaral.

Sa pagtamo ng kahusayan sa pagbabasa mahalagang malaman ang mga

aplikasyon na maaring makaapekto sa pagbaba ng kasanayan sa pagbasa ng

mag-aaral. Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t ibang online video

applications na madalas gamitin ng mga mag-aaral.

Talahanayan 2
Item Analysis sa mga Online Video Application na madalas gamitin

Mga Online Video Applications Frequency Ranggo


Youtube 49 1
Viu 9 5
Netflix 36 2
Iflix 7 7
IWant 22 3
KissAnime 15 4
HOOQ 3 8
Atbp. 8 6
Bauan Technical High School

Makikita sa talahanayan 2 ang mga online video applications na madalas

gamitin ng mga mag-aaral. Mapapansin dito na sa walong aplikasyon na madalas

gamitin, nangunguna ang youtube na may 49 bilang ng mag-aaral. Sa puntong ito,

lumalabas na youtube ang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa panonood

ng bidyo.

2. Mga Epekto ng Online Video Application sa Makrong Kasanayan sa

pagbasa.

Talahanayan 3

Epekto ng Online Video Application sa Makrong Kasanayan sa pagbasa

Bawat tao ay may sari-sariling kaalaman sa mga naidudulot ng mga online

video application sa pagbababasa. Sa pag-aaral na ito, mabibigyang-linaw ayon sa

mga nakalap na datos ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga maaaring

epekto ng online video applications sa pagbabasa.

Mga Pahayag Weighte Interpretasyong Ranggo


d mean Berbal
1.Nawawalan ang mga kabataan ng 3.09 Sumasang-ayon 3
interest sa pagbabasa sapagkat mas
nakakaaliw ang panunuod kaysa sa
pagbabasa.
2.Nababawasan ang bilang ng mga 3.22 Sumasang-ayon 1
kabataan na nais magbasa dahil mas
madaling intindihin ang pelikulang
napanonood kumpara sa mga
nababasa.
3.Bumababa ang kakayahan ng mga 3.06 Sumasang-ayon 4
mag-aaral na makaunawa ng mga
abstrak na konsepto kapag nagbabasa
sa online video application.
Bauan Technical High School
4.Nawawalan ng halaga ang mga 2.98 Sumasang-ayon 5
babasahin tulad ng libro dahil mas
pinipili na nag manood kaysa magbasa.
5.Bumababa ang mga imahinasyon sa 2.91 Sumasang-ayon 8
mga video applications sa
kadahilanang napapanood ito kumpara
sa pagbabasa na malaya ang isip na
paganahin ang imahinasyon.
6.Nababawasan ang kamalayan sa 2.76 Sumasang-ayon 10
estruktura ng mga salita.
7.Nahihirapang intindihin ang mga 2.96 Sumasang-ayon 6
impormasyong nababasa sa aklat
kumpara napapanood sa online video
applications.
8.Nawawalan ng gana ang mga mag- 3.14 Sumasang-ayon 2
aaral na magbasa kung kaya’t mas
pabor sila sa online video applications.
9.Nagiging tamad sa pagbabasa ang 2.94 Sumasang-ayon 7
mga kabataan sapagkat mas madaling
intindihin ang mga impormasyon sa
online video applications kumpara sa
aklat.
10.Nahihirapan sa pag-unawa ang mga 2.78 Sumasang-ayon 9
kabataan sa mga impormasyong
nakasulat sa aklat kumpara sa mga
ipinakikita sa online video applications.
Composite Mean 2.98 Sumasang-ayon

Makikita sa Talahanayan 3 ang mga epekto ng online video applications sa

makrong kasanayan sa pagbasa. Mapapansin dito na sa sampung pahayag na

nakaaapekto sa makrong kasanayan sa pagbasa, pinakamaraming bilang ng mag-

aaral ang nagsasabing nababawasan ang bilang ng mga kabataan na nais

magbasa dahil mas madaling intindihin ang pelikulang napanonood kumpara sa

mga nababasa. Sa puntong ito, lumalabas na maraming kabataan nanonood na

lamang sa mga online video applications upang makakuhaa ng nga impormasyon

kaysa magbasa sa libro. Ipinakikita ito ng naitalang weighted mean na 3.22.


Bauan Technical High School

IX. Aksyon Plan


Layunin ng awtput:

1. Hindi mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

2. Madagdagan pa ang interest ng kabataan sa pagbabasa.

3. Mapahalagahan ang iba’t-ibang konteks na nakasulat dito.

Kaunlarang Estratehiya Taong kasangkot Inaasahang


pang-mag-aaral bunga
Galing sa pagbasa Nalilinang ang junior high sa Mahasa ang
kakayahan ng mga Bauan Technical kakayahan sa
mag-aaral sa pag- High School literal na pagbasa.
unawa at
pagbabasa.
Mabilis sa pag- Nahahasa ang junior high sa Mapabilis ang pag-
unawa isipang mag- Bauan Technical unawa sa mga
analisa sa mga High School binabasang teksto.
teksto na binabasa
Kasanayan sa Nahahasa ang junior high sa Mapadami ang
pagbasa pagbabasa ng mga Bauan Technical kasanayan sa
mag-aaral ukol sa High School pagbabasa.
iba’t-ibang
babasahin sa libro
atbp.
Bauan Technical High School

1299 1137 1083 980


Bauan Technical High School

X. Sanggunian
Aklat

Bernales, R. & Bernadino, E. (2013). Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag.


Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.
Mga Nailathala at ‘Di Nalathalang Tesis at Disertasyon

Pilorin, M. (2014). Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Kasanayan sa Pagbasa


ng mga Mag-aaral ng SSEISK-1 Antas Sekondarya Taong PANURUAN 2015-
2016
Pilorin, D. (2016). Positibo at Negatibong dulot ng Labis na Paggamit ng Kompyuter
sa mga Mag-aaral

Dyornal

National Workshop on Test Development in compliance with DepEd Order No. 39,
s. 2009. (2012). University of the Philippines (UST) Library- EdTech Center,
UST, Manila.

Dokumentong Legal

Kto 12 Gabay Pangkurikulum Filipino (Baitang 1-10) (2015) Departamento ng


Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City.

Elektronikong Hanguan

Baldemore, A. (2014). Kahalagahan sa Pagbasa. Retrieved from


https://prezi.com/0n2du2o-4jdh/kahalagahan-ng-pagbabasa/
Charles, A. (2016). Ang Pagbasa. Retrieved from
https://prezi.com/o_pfisvjs8dz/ang-pagbasa/
Gonzaga, G. (2013). Masama at Mabuting epekto ng panonood. Retrieved from
https://prezi.com/4enozjdfohid/masama-at-mabuting-epekto-ng-panonood/
Moner, J. (2015). Dahialn ng Mababang Reading Comprehension ng mga Mag-
aaral. Retrieved from https://www.scribd.com/doc/258939359/Dahilan-ng-
Mababang-Reading-Comprehension-ng-mmga-Mag-aaral
Bauan Technical High School
Moner, J. (2015). Dahialn ng Mababang Reading Comprehension ng mga Mag-
aaral . Retrieved from https://www.scribd.com/doc/258939359/Dahilan-ng-
Mababang-Reading-Comprehension-ng-mmga-Mag-aaral
Bauan Technical High School

You might also like