You are on page 1of 36

KOMUNIKASYO

N AT
PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO
Layunin:

• Natutukoy ang mga


kahulugan at kabuluhan ng
mga konseptong pangwika
(F11PT – Ia – 85)
Mga Konseptong
Pangwika
(Wika, Wikang Pambansa,
Wikang Panturo)
Sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat sa sagutang papel
kung OO o Hindi ang sagot
kaugnay ng bawat tanong.

1.Alam ko ba ang
kahalagahan ng wika sa
araw-araw na takbo ng
aking buhay?
Sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat sa sagutang papel
kung OO o Hindi ang sagot
kaugnay ng bawat tanong.

2. Dapat bang may wikang


pambansang ginagamit
ang mamamayan ng isang
bansa?
Sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat sa sagutang papel
kung OO o Hindi ang sagot
kaugnay ng bawat tanong.

3. Daan ba sa pag-unlad ang


pagkakaroon ng
maraming wika?
Sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat sa sagutang papel
kung OO o Hindi ang sagot
kaugnay ng bawat tanong.

4. Kailangan ba ang wika


upang magkaunawaan ang
kausap?
Sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat sa sagutang papel
kung OO o Hindi ang sagot
kaugnay ng bawat tanong.

5. Tatak ba ng isang lahi ang


wika?
Pokus na Tanong:

a. Paano matutukoy ang


pagbibigay ng kahulugan at
kabuluhan ng mga konseptong
pangwika sa isang mag-aaral?
Pokus na Tanong:

b. Paano maipaliliwanag ang


kahulugan ng iba’t ibang
konseptong pangwika sa tulong ng
mga halimbawang sitwasyon sa araw-
araw na buhay ng mag-aaral?
Tunghayan ang Round Table
Discussion ng ilang mag-aaral tungkol
sa paksang mga konseptong pangwika:
Wika, wikang Pambansa, wikang
panturo, wikang opisyal.
Ayon kay Hutch (1991):
• Ang wika ay Sistema ng tunog o sagisag na
ginagamit ng tao sa komunikasyon.
• Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng
tunog
• Binubuo ng sagisag ang isang wika.
• Ang wika ay para sa tao.
• Ang wika ay ginagamit ng tao sa pakikipag-
ugnayan sa kaniyang kapwa tao.
Ayon kay Otanes (1990):

• Ang wika ay isang napakasalimuot na


kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
• Kailangang malaman ang mga
pangkalahatang katangian ng wika.
Ayon kay Gleason (1961):

• Ang wika ay masistemang balangkas


ng mga sinasalitang tunog na pinipili
at isinasaayos sa paraang arbitraryo na
ginagamit sa pakikipagkomunikasyon
ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
Ayon kay Sapiro sa akda
ni Ruzol (2015):

• Ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang-loob na
kaparaanan na lumikha ng tunog.
Ayon kay Hemphill sa
akda ni Ruzol (2015):

• Ang wika ay isang masistemang kabuuan


ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas
na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang
pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan
nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.
• Ginagamit ang wika sa masistemang
paraan upang maipahayag ng tao ang
kaniyang kaisipan at damdamin nang
maayos at may layunin.
Wikang Pambansa
• Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan
ang wikang Pambansa na ginagamit sa pamamahala at
pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.
• Kung ang bansa ay multilingguwal na tulad ng Pilipinas,
dapat lamang asahan na ang wikang pambansa ang
magiging tulay na wika sa pag-uugnayan ng iba’t ibang
pangkat sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong
wikang ginagamit.
Wikang Pambansa

• Ang wikang pambansa ang pambansang


daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon,
radyo, at mga pahayagan, gayon din naman
ang mga kilalang politico, komentarista, mga
manunulat at makatang gustong maabot ang
buong bansa.
Wikang Panturo

• Ang wikang pambansa na itinadhana ng


batas ang gagamitin bilang wikang
panturo.
• Gagamitin ito upang makatulong sa
pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon.
Wikang Panturo

Probisyong Pangwika ng
Artikulo XIV ng Saligang-
batas ng 1987, Sek. 6
Wikang Panturo
“Ang wikang pambansang Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.”
Wikang Opisyal

• Tinatawag na wikang opisyal


ang principal na wikang
ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan at sa politika, sa
komersiyo at industriya.
Wikang Opisyal

Sek. 7 ng Artikulo XIV


ng Saligang-batas ng
1987
Wikang Opisyal

“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, anng wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana
ang batas, Ingles.”
Wikang Opisyal
• Tinatanggap din na ang Ingles ay isa sa mga
wikang opisyal maliban sa Filipino.
• Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon
at edukasyon, hangga’t walang batas na
nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing
sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang
opisyal.
Basahin Mo

• Paano magiging daan ang Wikang Filipino sa


pambansang kaunlaran? Hanapin ang sagot na ilalahad
sa kasunod na bahagi ng sanaysay na isinulat ni
Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) na si Dr. Ponciano B. P. Pineda.
Isa-isahin ang mga pangyayaring binanggit
sa akda kaugnay ng pagpapahalaga sa
wikang Pambansa na nangyayari pa rin sa
kasulukuyang lipunan. Magbigay ng
patunay sa pamamagitan ng halimbawang
sitwasyon.
PANGYAYARI HALIMBAWANG
(Mula sa Binasang SITWASYON
Sanaysay) (Kasalukuyang Lipunan)
Bilang kabataan sa kasalukuyan, ano
ang iyong mararamdaman na
namamayani ang diwa ng
kolonyalismo sa paggamit ng sariling
wika?
Pagkatapos mong basahin ang sanaysay,
may mga nabago ba sa iyong pananaw
tungkol sa wika, wikang pambansa,
wikang panturo, wikang opisyal?
Talakayin sa pamamagitan ng
repleksiyon.
Ano ang nagbago sa aking pananaw?

Patunay:

Paliwanag:
A. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga
konseptong pangwika: wika, wikang
Pambansa, wikang panturo, at
wikang opisyal sa tulong ng mga
sitwasyong nararanasan o maaaring
maranasan.
SALITA PAGPAPALIWANAG SA
KAHULUGANN SA TULONG NG
MGA SITWASYON
1. Wika

2. Wikang Pambansa

3. Wikang Panturo

4. Wikang Opisyal
B.Paano maipapaliwanag ang
kahulugan ng iba’t ibang
konseptong pangwika sa tulong
ng halimbawang sitwasyon. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.
TAKDANG ARALIN:

Gumawa ng pananaliksik
tungkol sa “Dekalogo ng Wikang
Filipino” ni Jose Laderas Santos.

You might also like