You are on page 1of 1

Tamang Pagsuot ng Uniporme

Bakit nga ba mahalaga ang kaalaman sa tamang pagsuot ng uniporme?


Ang tamang pagsout ng uniporme ay isang mahalagang obligasyon bilang isang estudyante o
mamamayan bilang bahagi ng isang komyunidad.
Ito ay isa sa mga alituntunin ng isang paaralan o unibersidad upang makilala ang isang
institusyon.Maganda ring tingnan ang isang taong nagsusuot ng uniporme, nagpapakita ito kung anong
posisyon at anong klaseng tao ang nasusuot nito.

Maraming mga estudyante ang walang pakialam sa kahalagahan nito. Binabalewala nila ito kesyo hindi
masyadong mahigpit ang patakaran ng ating institusyon. Pero bilang mga estudyante hindi dapat natin
abusuhin ang karapatan nating magpasya kung ano ang gusto nating suotin o kung paano natin ito
isinusuot. Alam natin sa ating mga sarili kung ano ang dapat at hindi.

Ngunit nakakalungkot isipin na talagang maraming pasaway. Na kahit maraming beses mong sinabihan,
binigyan ng warning at nagpaskil ka na na kung ano at hindi dapat suotin ay sasakit ang iyong mga mata
sa iyong makikita. At matindi pa di ay ang kanya-kanyang dahilan hindi naman katanggap-tanggap.
Meron dahilan na nakalimutan niyang Huwebes pa lang ngayon, kaya di pa dapat suotin ang org shirt na
pam-biyernes.

Mga bagay na paulit-ulit na lang ginagawa, mga bagay dapat ay alam mo na simula ng tumuntong ka
dito sa Dalubhasaan. Yung simple pagsunod lang Yung gagamitin mo lang yung sentido kumon! Kung
meron man.

Sa kabuuan, maging responsable tayo at pahalagahan natin ang mga patakaran ng ating paaralan dahil
maging ang mga autor nito ay may sariling rason kung bakit ito iniimplementar, sa ikagaganda at
ikabubuti ng isang institusyon.

You might also like