You are on page 1of 21

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:

2.0
Mga Karapatan at Tungkulin Bilang

ON
Isang Mamimili

SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan –Modyul 6: Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

2.0
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

ON
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

SI
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

ER
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

-V
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones S
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
LE
Editor Development Team of the Module
DU

Manunulat : Violeta S. Rosacena


Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)
MO

Tagapamahala
Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales
N

Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao


IO

: Ester A. Futalan
T
RA

: Cartesa M. Perico
CID Chief : Mary Ann P. Flores
E

EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas


EN

EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio


tG
1s

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon Lahug Cebu City

Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401

E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili

2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

2.0
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

ON
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayan habang

SI
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

ER
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa

-V
pinakakatawan ng modyul:
S
LE
DU

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
MO

paggabay sa mag-aaral.
N
IO

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


T

paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
RA

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
E

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.


EN

Para sa mag-aaral:
tG

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


1s

Modyul ukol sa Modyul para sa araling Mga Karapatan at Tungkulin Bilang Isang Mamimili.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

2.0
modyul.

ON
SI
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

ER
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

-V
S
LE
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
DU

kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,


gawain o isang sitwasyon.
MO
N
T IO

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


RA

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan


kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
E

kasanayan.
EN
tG
1s

iii
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

2.0
ON
Naglalaman ito ng mga katanungan o

SI
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o

ER
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

-V
S
LE
DU

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
MO

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad


ng buhay.
N
T IO
RA

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
E

ng natutuhang kompetensi.
EN
tG

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


1s

Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang


iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iv
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

2.0
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

ON
SI
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

ER
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

-V
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
S
napapaloob sa modyul.
LE
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
DU

pagwawasto ng mga kasagutan.


5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
MO

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
N

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
IO

aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
T

kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
RA

bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


E

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.


EN

Kaya mo ito!
tG
1s

v
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin

Gumagawa ang tao ng matalinong desisyon sa buhay araw-araw lalong-lalo na sa


kasalukuyan kung saan ang mundo ay nahaharap sa iba’t ibang pagsubok. Kailangang
patuloy na magpakatatag ang tao at isiping ang mga pagsubok na ito ay hindi hadlang upang
makamit ang anomang bagay na makatutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng
tao. Kailangang matugunan ang mga pangunahing pangangailangang ito upang patuloy na
mabuhay sa araw-araw.

2.0
Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

ON
1. Nakapagsusuri sa mga karapatan at tungkulin ng isang mamimili.

2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtatanggol sa mga karapatan at tungkulin ng isang

SI
mamimili.

ER
3. Napahahalagahan ang kontribusyon ng isang mamimili tungo sa pag-unlad ng bansa.

-V
S
LE

Subukin
DU
MO

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
N

1. Ito ay tumutukoy sa isang tao, pangkat ng tao o institusyon na nagsasagawa ng direktang


IO

pagkonsumo.
A. manggagawa B. mamimili C. negosyante D. prodyuser
T
RA

2. Ang batas na nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.


A. R.A. 7395 B. R.A 7394 C. R.A. 7494 D. R.A 7493
E

3. Sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
EN

sa binibigyang pansin?
A. Karapatan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at
tG

kaligtasan.
1s

B. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili.


C. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawain na may kaugnayan
sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para sa mga
mamimili.

1
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga karapatan ng mga mamimili?
A. Karapatan sa kaligtasan
B. Karapatan sa patalastasan
C. Karapatang makiisa sa layunin ng pamahalaan
D.Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
5. Ito ay isa sa mga tungkulin ng mamimili na maging alisto at mausisa sa kung ano ang gamit,
halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod.
A. Kamalayan sa kapaligiran C. Pagkakaisa

2.0
B. Mapanuring kamalayan D. Pagmamalasakit na Panlipunan
6. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng mga mamimili, alin ang hindi kabilang rito?

ON
A. Mapanuring Kamalayan B. Pagkakaisa C. Pagkilos D. Pakikisalamuha
7. Ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng pagkonsumo ng tao sa mga kalakal at

SI
paglilingkod sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang
kapangyarihan.

ER
A. Kamalayan sa kapaligiran C. Pagmamalasakit na Panlipunan

-V
B. Mapanuring Kamalayan D. Pakikiisa
8. Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa hinggil sa paglabag ng batas ng kalakalan S
at industriya at sa maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng
LE
mga mangangalakal.
A. Bureau of Food and Drugs C. Energy Regulatory Commission
DU

B. Department of Trade and Industry D. Securities and Exchange Commission


MO

9. Ang pagsusuri at pagsisiyasat ng isang mamimili sa mga produkto na kaniyang binili ay


isang_____________________.
A. Karapatan B. Kasanayan C. Kilusan D. Tungkulin
N

10. Kailan masasabing isa kang matalinong mamimili?


IO

A. Gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.


T
RA

B. Segunda mano (second hand) ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng mga produktong
E

binili.
EN

D. Bumibili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.


tG
1s

2
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Balikan

Panuto: Subuking alalahanin ang mga paksa sa nakaraang modyul. Piliin mula sa kahon ang
tamang salita na angkop sa kasagutan sa mga pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

2.0
demonstration effect makatuwiran mapanuri panic buying
hoarding mamimili pagkonsumo presyo

ON
SI
1. Ito ay pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo upang tugunan ang mga panga-
ngailangan at kagustuhan.

ER
2. Ito ang nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.
3. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang at pagkakagawa ng isang produkto.

-V
4. Bago bumili ng isang produkto, isinaalang -alang muna ng mamimili ang presyo at kalidad
nito.
S
5.Tawag sa artipisyal na kakulangan bunga ng pagtatago ng mga produkto.
LE
6. Isa sa mga hindi magandang gawi na ipinapakita ng isang mamimili na nagpapalala sa
kakulangan ng mga produkto sa pamilihan.
DU
MO
N
IO

Tuklasin
T
RA

Panuto: Basahing mabuti ang artikulo sa ibaba. Bigyang kasagutan ang mga tanong na
ibinigay at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
E
EN

New buying behaviors in this new normal


tG

Why, what and how consumers buy is changing due to the COVID-19 outbreak.
Consumer priorities have become centered on the most basic needs, sending demand for
1s

hygiene, cleaning and staples products soaring, while non-essential categories slump. The
factors that influence brand decisions are also changing as a "buy local" trend accelerates.
Digital commerce has also seen a boost as new consumers migrate online for grocery
shopping – a rise that is likely to be sustained post-outbreak.
In times like these, our need for the basic necessities of life takes precedence. It comes as
no surprise that personal health is the top priority for the consumers we surveyed, followed
by the health of friends and family. Food and medical security, financial security and
personal safety were other leading priorities.
Source:https://www.accenture.com/us-en/insights/consumer-goods-services/coronavirus-
consumer-behavior-research

3
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pamprosesong tanong:

1. Batay sa binasang artikulo, ano-anong mga pagbabago sa gawi o ugali ng mga mamimili
lalo na sa panahon ng pandemya?

2. Sang-ayon ka ba sa nailahad na obserbasyon? Oo o Hindi. Pangatuwiran.

Suriin

2.0
ON
Batas Na Nangangalaga sa Karapatan ng Mamimili

SI
Sa Pilipinas, binibigyan ng malawak na karapatan ng pamahalaan ang bawat mamimili

ER
upang mapangalagaan ang kapakanan at maipagtanggol ang sarili sa oras ng
pangangailangan. Ito ay nasasalamin ng Republic Act 7394 (Consumer Act of the

-V
Philippines) na pinagtibay noong 1992. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang
dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. S
LE
Ang mga sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito:

a. Pagbibigay proteksiyon sa mga konsyumer laban sa mga panganib na nauukol sa


DU

kalusugan at kaligtasan.
b. Pagbibigay ng proteksiyon sa mga konsyumer laban sa mga mapanlinlang at hindi
MO

patas na mga pamamaraan at gawain.


c. Pagbibigay impormasyon at edukasyon upang mapaghusay ang tamang pagpapasya
at mapalaganap ang kaalaman ukol sa karapatan ng mga konsyumer.
N

d. Pagbibigay ng sapat na karapatan at pamamaraan para sa mga hinaing at reklamo


IO

ukol sa kalakal o serbisyo.


e. Pakikilahok ng kinatawan ng mga konsyumer sa pagbalangkas ng mga patakarang
T

panlipunan at pangkabuhayan.
E RA
EN
tG
1s

4
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Talahanayan

MGA KARAPATAN NG MGA MAMIMILI AYON SA CONSUMER ACT (R.A.7394)

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry o DTI) ay


naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksyon sa pamilihan.

Karapatan Paliwanag
Karapatan sa mga Tinitiyak ang pananatili ng buhay, sapat na pagkain,
pangunahing kasuotan, tirahan, pangangailangang pangkalusugan, at

2.0
pangangailangan kalinisan.
Karapatan sa kaligtasan Karapatang mabatid ang mga panganib sa sarili at kalusugan
ng maaaring idulot ng pagkonsumo sa isang produkto tulad

ON
ng pagkain, gamot, mga maaaring sumabog o masunog ng
produkto, at iba pa.

SI
Karapatan sa impormasyon Pagbatid sa katotohanan sa likod ng mga ibinabahaging
impormasyon upang maiwasan ang mga pandaraya at

ER
maling kaalaman ukol sa produkto.
Karapatang makapamili Bibigyan ng malayang pagpipilian ang mamimili sa pahintulot

-V
ng batas na makapamili, makapaghambing, at matiyak ang
kalidad ng produkto at mga kahaliling produkto sa pamilihan
na kaniyang tatangkilikin.
S
Karapatan sa Pagpapahayag ng mamimili ng hinaing at interes upang
LE
representasyon makatulong sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga
patakaran ng pamahalaan.
DU

Karapatang magwasto ng Paghahain ng lehitimong reklamo at paggawad ng sapat na


pagkakamali kabayaran sa mamimili para sa produktong depektibo o
MO

serbisyong hindi nito napapakinabangan.


Karapatan para sa Maipabatid ang mahalagang kaalaman at kasanayan upang
edukasyong pangmamimili maging mapanuri ang mga mamimili.
N

Karapatang magkaroon ng Pagtitiyak sa kaayusan ng pamumuhay at kaligtasan sa mga


IO

isang kaaya-ayang paligid panganib sa pang-araw -araw na pamumuhay.


T
RA

Kinikilala ng batas ang karapatan ng bawat mamimili. Ngunit hindi wastong


ipakahulugan ang naturang pagkilala na walang tungkulin ang isang mamimili. Bagama’t hindi
E

tinutukoy ng batas, isa sa mga inaasahan nito na maging mulat ang mamimili sa kaniyang
EN

tungkulin. Ang pagtanggap sa tungkulin ng isang mamimili ay siyang nagpapalalim ng pag-


unawa niya sa pagdedesisyon sa buhay.
tG

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI


1s

Ang Kagawaran ng Kalalakan at Industriya ay nagpalaganap din ng limang


pananagutan ng mga mamimili. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging alisto at mausisa tungkol sa ano ang
gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ginagamit ng tao.

2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang matiyak ang
makatarungang pakikitungo. Kung mananatili ang tao sa pagwawalang-bahala, patuloy
itong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal .

5
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na sa pangkat
ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito man ay lokal, pambansa, o pandaigdig na
komunidad.

4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng kapaligiran


bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan ang likas na yaman para
sa kinabukasan at sa mga susunod na henerasyon.

5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas


at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang sariling kapakanan.

2.0
CONSUMER PROTECTION AGENCIES

ON
Ang mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ay tumutulong upang maisulong
ang kapakanan ng mga mamimili:

SI
Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng

ER
gamot, pagkain, pabango at make-up.

-V
City/Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)
timbangan at mapanlinlang na pagsukat. S
Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas sa kalakalan at
LE
industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga
mangangalakal.
DU

Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong


sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum
MO

Gas” (LPG).

Department of Environment and Natural Resources / Environmental


N

Management Bureau (DENR-EMB) – nangangasiwa sa pangangalaga ng


IO

kalikasan at likas na yaman.


T
RA

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan / pinagbabawal / maling


etiketa ng pamatay insketo at pamatay-salot.
E

Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa bumibili ng


EN

bahay at lupa pati na rin ng subdibisyon.


tG

Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro.


1s

Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa


gawaing illegal recruitment.

Professional Regulatory Commission (PRC) – nangangasiwa sa pagsasanay ng mga


propesyonal na bumubuo sa highly skilled manpower ng bansa.

Securities and Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong


Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.

6
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang madalas na hindi


napahahalagahan? Magbigay ng sitwasyon.
2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa
mga mamimili? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang maging responsable sa pamimili at pagdedesisyon ang isang
mamimili?
4. Paano maipagtanggol ng mamimili ang kaniyang mga karapatan at
magampanan ang kaniyang pananagutan?

2.0
ON
Pagyamanin

SI
ER
Gawain 1. May K ka ba?
Panuto: Tukuyin anong karapatan ng isang mamimili ang hininhingi sa
-V
S
bawat bilang.
LE

1. Anong K ang tumitiyak na mapanatili ang buhay, sapat na pagkain,


DU

kasuotan, tirahan, pangangailangang pangkalusugan at kalinisan?


2. Anong K ang nakatutulong upang mabatid ang katotohanan sa likod
MO

ng mga ibinabahaging impormasyon upang maiwasan ang mga


pandaraya at maling kaalaman ukol sa produkto?
N

3. Anong K ang nakapagbibigay Kalayaan sa mga mamimili na


IO

makapamili, makagpaghambing, at matiyak sa kalidad ng produkto at


mga kahaliling produkto sa pamilihan?
T

4. Anong K ang nakapagpahintulot sa mga mamimili na maipahayag ang


RA

kanilang mga hinaing at interes upang makatulong sa pagbabalangkas


at pagpapatupad ng mga patakaran ng pamahalaan?
E

5. Anong K ang nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili na


EN

mabatid ang mahalagang kaalaman at kasanayan upang maging


mapanuri?
tG

Gawain 2. Idea Web


1s

Ibigay ang hinihiling sa kahon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Consumer
Protection
Agencies

7
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Gawain 3. Puno ng Kaalaman
Isulat sa loob ng kahon ang iba’t ibang pananagutan ng mamimili.

2.0
ON
SI
ER
-V
S
Limang
LE
Pananagutan ng
Mga Mamimili
DU
MO
N
T IO
RA

Isaisip
E
EN
tG

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang mga
kasagutan.
1s

1. Bilang isang mamimili, alin sa iyong mga karapatan ang dapat bigyan ng higit na pansin ng
pamahalaan? Ipaliwanag.

2. Bilang isang konsyumer, dapat bang makialam ka sa kalidad ng produkto na inyong binili?
Paano mo ito isasagawa? Magbigay ng isang halimbawa.

8
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isagawa

PUNAN AKO!
Kung ikaw ay nahaharap sa sitwasyong kailangan mong ipagtanggol ang iyong

2.0
karapatan bilang mamimili, ano ang gagawin mo? Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Sagot:______________________________________________________________

ON
___________________________________________________________________

SI
___________________________________________________________________

ER
_______________________________________________________.

-V
S
LE
Tayahin
DU

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang
MO

papel.
1. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan
N

at industriya at sa maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng


IO

mga mangangalakal.
T

A. Bureau of Food and Drugs


RA

B. Dept. of Trade and Industry


E

C. Energy Regulatory Commission


EN

D. Securities and Exchange Commission


tG

2. Ang pagsusuri at pagsisiyasat ng isang mamimili sa mga produkto na kaniyang binili ay


isang_____________.
1s

A. karapatan B. kasanayan C. kilusan D. tungkulin


3. Kailan masasabing isa kang matalinong mamimili?
A. Gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
B. Segunda mano (second hand) ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap at timbang ng produktong binili.
D. Bumibili ng labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.

9
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4. Sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
na binibigyang-pansin?
A. Karapatan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at
kaligtasan.
B. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mamimili.
C. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawain na may kaugnayan
sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
D. Nagbibigay ng pagkakataong makilahok sa pagbalangkas ng mga batas para sa mga
mamimili.

2.0
5. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaring maitataguyod sa pamamagitan

ON
ng___________.
A. Palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.

SI
B. Pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.

ER
C. Pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.

-V
D. Palaging pagpunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na wasto ang timbang ng
biniling produkto. S
6. Kung ikaw ay nakabili ng depektibong butane sa anong kinauukulang ahensiya ka dapat
LE
dumulog?
DU

A. Energy Regulatory Commission


B. Environment Management Bureau
MO

C. Insurance Commission
D. Securities and Exchange Commission
N

7. Ang pangangalaga sa mga likas na yaman ay isang ____________ ng mamimili.


IO

A. karapatan B. karunungan C. pribelihiyo D. tungkulin


T
RA

8. Ang mabigyan ng katiyakan na ligtas at mapangangalagaan ang mamimili laban sa


pangangalakal ng mga panindang mapanganib sa kalusugan ay isang_______________.
E

A. karapatan B. insintibo C. pribelihiyo D. tungkulin


EN

9. Alin ang hindi kabilang sa iyong tungkulin bilang mamimili?


tG

A. mapanuring kamalayan B. pakikibaka C. pagkakaisa D. pagkilos


1s

10. Ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa hinggil sa reklamo sa gawaing illegal


recruitment.
A. Bureau of Food and Drugs
B. Department of Trade and Industry
C. Philippine Overseas Employment Administration
D. Professional Regulatory Commission

10
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Karagdagang Gawain

POSTER MAKING O ISLOGAN


Panuto: Gumawa ng isang poster o islogan na nagpapahayag ng pangangalaga sa
karapatan ng mga mamimili. Maaaring gumamit ng long bondpaper sa gawain at

2.0
gamitin ang pamantayan ng pagmamarka bilang gabay.

ON
Pamantayan sa Pagmamarka (Islogan /Poster) Porseyento

SI
Kaugnayan sa Paksa 30%
Pagkamalikhain 30%

ER
Pagkaorihinal 30%
Pangkalahatang Anyo 10%

-V
Kabuuan 100%
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

11
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Susi sa Pagwasto

10. C 10. C

2.0
9. D 9. B
(consumer education)
8. B pangmamimili 8. A

ON
edukasyong
7. C 5. Karapatan sa 7. D

SI
6. D 6. panic buying representasyon 6. A

ER
4. Karapatan sa
5. B 5. hoarding 5. B
3. Karapatang makapamili

-V
4. C 4. makatuwiran 4. D
impormasyon
3. C 3. mapanuri S 2. Karapatan sa 3. C
LE
2. B 2. presyo pangangailangan 2. D
pangunahing
1. B 1. pagkonsumo 1. B
DU

1. Karapatan sa

SUBUKIN BALIKAN PAGYAMANIN TAYAHIN


MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

12
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Sanggunian
Source:https://www.accenture.com/us-en/insights/consumer-goods-services/coronavirus-
consumer-behavior-research

https://link.quipper.com/en/organizations/547ffad6d2b76d0002002282/curriculum#curriculum
Balitao,B.,Garcia,E., at Marcos L.2006Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV
(EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education (DepEd)-Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC).

2.0
Balitao,B.,Garcia,E.,Cervantes M.Dr,et al 2012 Araling Panlipunan Serye IV.Ekonomiks
:Mga Konsepto at Aplikasyon. Department of Education

ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

13
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
ON
TI
E RA
EN

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


tG

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


1s

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

14
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

You might also like