You are on page 1of 24

10

Araling Panlipunan

2.0
Unang Markahan

ON
SI
Mga Hamong Pangkapaligiran

ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

Ilustrador: Carlos B. Quindao

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan : Mga Hamong Pangkapaligiran
Unang edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang

2.0
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay

ON
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga

SI
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang

ER
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

-V
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones S
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
LE

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan

DU

Mga Manunulat : Sharon C. Medida, Tita A. Ceniza, Mary Jane A. Rivera, Mae C. Tangpos,
MO

at Tempora A. Balaba
Editor : Magdalena P. Moniño
Tagasuri : Elma M. Larumbe (Moderator)
N

: Darwin C. Cuyos (QA)

IO

Tagaguhit-Tagalapat : Carlos B. Quindao

T

Tagapamahala
RA

Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales

Assist. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao
: Ester A. Futalan
E

: Cartesa M. Perico
EN

CID Chief : Mary Ann P. Flores

EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas
tG

EPSVR in Araling Panlipunan : Rosemary N. Oliverio

1s

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education- Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax. : (032)255-6405 ; (032) 255- 4401
E-mail Address : cebu.province@deped.gov.ph

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Konsepto ng
Kontemporaryong Isyu at Kahalagahan ng Pag-aaral nito
Ang modyul na ito ay pinagtutulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan

2.0
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

ON
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis

SI
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

ER
pangangailangan at kalagayan.

-V
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala S
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
LE
pagkatuto.
DU

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
MO

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
N

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konteksto ng Suliraning

IO

Pangkapaligiran.
T
RA

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
E

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

EN

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
tG

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

Alamin mong matutuhan sa modyul.
1s

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
situwasiyon.

2.0
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

ON
Suriin kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

SI
Pagyamanin

ER
Binubuo ito ng mga gawain para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

-V
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
S
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
LE
DU

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

MO

Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso

kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
N

Isagawa
IO

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

T

upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan

RA

sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

E

Tayahin
EN

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
tG

kompetensi.
1s

Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

Pagwawasto mga gawain sa modyul.

II

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

2.0
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

ON
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

SI
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

ER
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

-V
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. S
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
LE
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
DU

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
MO

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
N

ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
IO

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
T

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

RA

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

E

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

EN

kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!
tG
1s

III

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10
Araling Panlipunan

2.0
Unang Markahan – Modyul 1

ON
SI
Ang Konsepto ng Kontemporaryong

ER
Isyu at Kahalagahan ng Pag-aaral
-V
S
nito
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin

Panimula

Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Anu-anong mga suliranin ang
iyong nakikita? Gaano ka kamulat sa mga Kontemporaryong Isyu? Paano ito
nakaaapekto sa iyong pamumuhay? Paano tinutugunan ng inyong
komunidad ang mga nabanggit na isyu at hamon? Ikaw ay bahagi ng
masalimuot na lipunan. Bilang kabahagi nito, maaaring ang mga
nararanasan mo ay may kaugnayan sa malaking kaganapan sa lipunang
iyong ginagalawan.

2.0
Sa araling ito ay mauunawaan mo ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at
hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang

ON
ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga ito. Hindi lamang
mga namumuno sa pamahalaan at mga pangkat na nagsusulong ng kanilang

SI
adhikain ang may tungkulin sapagkat bahagi ka sa pagkakaroon ng mga isyu

ER
at hamong panlipunan. Samakatuwid, ikaw ay mayroon ding bahagi sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang ating nararanasan.

-V
Halika’t lakbayin natin ang aralin tungkol sa Kontemporaryong Isyu at ang
kahalagahan ng pag-aaral nito! Makatutulong ang aralin na ito upang lubos
S
mong maunawaan ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
LE
Kontemporaryong Isyu at kung paano ka makakaambag sa pagtugon sa iba’t
DU

ibang isyu at hamong panlipunan.

MO

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu;
2. nakagagawa ng repleksiyon na naglalahad ng personal na saloobin kung
N

paano makatutulong sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan; at

IO

3. napahahalagahan ang pagiging mulat sa mga isyu at hamong

T

panlipunan bilang kabahagi ng lipunan.

E RA
EN

f
Subukin
tG
1s

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng iyong sagot.

1. Ano ang tawag sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit

anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon?
A. Kontemporaryong Isyu C. Kasalukuyang Kaganapan
B. Isyung Personal D. Usapang Kalye

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Kontemporaryong Isyu?
A. Paglabag sa Karapatang Pantao C. Terorismo
B. Child Abuse D. Lahat ng nabanggit
3. Ang sumusunod ay saklaw ng Kontemporaryong Isyu, maliban sa
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Personal D. Isyung Pangkapaligiran
4. Saan makasisipi ng mga Kontemporaryong Isyu?
A. Print Media C. Online Media
B. Visual Media D. Lahat ng nabanggit
5. Ang mga Kontemporaryong Isyu gaya ng Export/Import, Online
Shopping, Free Trade, at Samahang Pandaigdigan ay saklaw ng

2.0
A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran

ON
6. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa isyung personal?

SI
A. Ito ay personal na usapin.
B. Ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

ER
C. Ito ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng isang
lipunan.

-V
D. Ang isyung personal ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap
ng indibiduwal.
S
LE
7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isyung personal?
A. Pagbagsak sa asignaturang Mathematics
DU

B. Kawalan ng Trabaho sa bansa

C. Polusyon sa Kapaligiran
MO

D. Human Trafficking
8. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng isang Kasalukuyang
N

Kaganapan?
IO

A. Paghuli sa isang senior citizen na lumabas ng walang dalang

T

quarantine pass.
RA

B. Ulat tungkol sa bilang ng positibo sa COVID 19 sa Cebu.

C. Pagrarali ng mga estudyante sa isang kilalang unibersidad.
E

D. Lahat ay tama.
EN

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA?

A. Ang Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong usapin na
tG

nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging

1s

matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao.

B. Ang Kontemporaryong Isyu ay nagdudulot ng suliranin sa tao
ngunit hindi sa lipunan.
C. Ang mga Kontemporaryong Isyu ay may malaking epekto sa
lipunan ngunit hindi sa pamumuhay ng tao.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng kahalagahan ng pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu MALIBAN sa_______________
A. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mabuting pasiya
B. Nakapagdudulot ito ng malawakang kapayapaan
C. Naisusulong nito ang pagkamamamayan
D. Nahuhubog nito ang mapanuring pag-iisip
11. Ang mga Pilipino ay kilalang masiyahin sa kabila ng madaming
problemang kinakaharap. Bagaman problemado, alerto sila sa pagtanggap at
muling pagbangon sa mga hamon at nagaganap sa kapaligiran. Alin sa
sumusunod ang iyong nararapat gawin ngayong kinaharap ng ating bansa
ang isang matinding kalaban na hindi nakikita?
A. Makinig sa balita at sumunod sa direktiba ng pamahalaan na

2.0
manatili sa bahay hanggang sa maging maayos na ang lahat.
B. Unahin ang sariling kapakanan kaysa tumulong sa kapwa.

ON
C. Huwag mangialam sa mga nangyayari sa paligid bagkus
ipagpatuloy ang buhay.

SI
D. Wala sa nabanggit.

ER
12. Si Agnes bilang isang tipikal na kabataan ay nagnanais na maging
huwaran sa lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng

-V
may katwiran. Siya ay nag-aaral ng mabuti para may sapat na kaalaman
para sa kinabukasan ng ating bayan. Anong katangian ng isang
S
mamamayan ang ipinakikita ni Agnes?
LE
A. mapanuri, produktibo, mapagmalasakit
DU

B. mayabang, wais, makasarili

C. matalino, mapapel, nagmamagaling
MO

D. maarte, duwag, tuso

13. Ang matinding polusyon sa lupa, hangin at tubig na nagdudulot ng
N

matinding pagbaha, matinding tagtuyot at pagguho ng lupa ay isang

IO

malaking isyu na kinakaharap ng ating bansa. Alin ang posibleng

maapektuhan ng mga nabanggit na problema?
T

A. kapayapaan at kabuhayan C. kultura at kabuhayan

RA

B. kalakalan at kabuhayan D. kalikasan at kapayapaan

E

14. Si Lando ay may disenteng trabaho. Malaki ang sweldo at maraming

EN

benepisyong natatanggap. Dahil dito, nairaraos niya ang pang-araw-araw na

pangangailangan ng pamilya. Hindi man marangya ang buhay nila pero
tG

masaya sila at kontento sa buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,

dumating ang pandemyang COVID 19 na sumira sa kung ano ang mayroon
1s

ang pamilya ni Lando. Nagsara ang pinagtatrabahuan niya kaya nawalan siya
ng trabaho sa isang iglap. Nangangailangan ba ng agarang pansin ang
problema ni Lando?
A. Oo, upang hindi madagdagan ang dami ng bilang ng mga walang
trabaho.
B. Oo, upang maiwasan na siya ay gumawa ng krimen para
mabuhay ang pamilya.
3

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
C. Oo, upang siya ay magsikap para iahon ang sarili sa problema.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
15. Bilang isang mag-aaaral, magagamit mo ba ang iyong kaalaman sa mga
Kontemporaryong Isyu?
A. Oo,upang hindi mapagsamantalahan ang aking kakulangan sa
kaalaman.
B. Oo, upang manguna ako sa usapin gamit ang aking kaalaman sa
mga Kontemporaryong Isyu
C. Oo, upang makapagbigay ako ng suhestiyon ukol sa mga paraan ng
pagpigil sa kahirapan sa bayan at sisikat ako
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

2.0
Ang Konsepto ng Kontemporaryong Isyu at
Kahalagahan ng Pag-aaral nito

ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Balikan

Gawain 1: Ano ang ISYU?

PANUTO: Hanapin sa word search puzzle ang Kontemporaryong Isyu na
inilalarawan ng bawat bilang gamit ang mga ibinigay na clue. Maaaring ang
mga salita ay nakasulat nang pababa, pahalang, o pahilig.
H A N T P Y B U R R Y S T

C L I M A T E C H A N G E

2.0
A P R E T O V N T C I R R

ON
L E O S N Z O E R I C O R

M O T V S E P L T S E U O

SI
ER
N N L G E X M E N M E P R

-V
E L X N L R L A Y J D S I

S Y Z O B U T L S I N Q S
S
LE
S F V B U L L Y I N G A M
DU

1. isang gawain na nagsusulong ng radikal o rebolusyong layunin sa

MO

pamamagitan ng marahas na paraan tulad ng hijacking, panununog,

kidnapping at iba pa.
( t _ _ _ o _ _ _ m)
N

2. tumutukoy sa pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga

IO

greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.

T

(c _ _ m _ _ _ c _ _ n _ _)
RA

3. pang-aapi ng isang tao sa isang tao dahil sa nakita niyang kapansanan

o hindi kanais-nais sa isang tao
E
EN

(b _ _ _ _ _ _ g)
4. tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang
tG

halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.

(p _ _ _ _ t _)
1s

5. ang paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal

na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao.
(r _ _ _ _ m)

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tuklasin

Gawain 2 : Maki-ISYUso
PANUTO: Suriin ang iba’t ibang isyung kinahaharap ng ilang indibiduwal sa
lipunan. Sagutin ang kasunod na gawain.

Ang baba ng marka

2.0
ko sa pagsusulit sa Pataas ng pataas na Naku!Ubos na ang
Araling Panlipunan. ang bilang ng mga load ko. May
Pilipinong walang

ON
tatawagan pa
trabaho. naman sana ako.

SI
ER
-V
Kaliwa’t kanan ang
Nakakatakot naman
mga kalamidad.
ang balita ukol sa
S
magugunaw na ba mga pang-aabusong
LE
ang mundo? nararananasan ng
mga kababaihan sa
DU

panahon ngayon.
MO
N

source: http://clipart.library.com/
Makakabangon pa
Ninakaw ang pera
IO

kaya ang mundo sa

ko sa bag ko, tuloy
pinsalang dulot ng
T

wala na akong
COVID 19? Pakiramdam ko mag-
RA

isa lang ako sa baon.

mundo, walang may
pakialam sa akin.
E
EN
tG

Pamprosesong mga Tanong:

1s

1. Alin sa mga sitwasyon sa itaas ang naranasan mo na?

2. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang Suliraning Personal at

Suliraning Panlipunan? Ipaliwanag. Sagutin ito gamit ang talahanayan.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suliraning Personal Suliraning Panlipunan

Paliwanag Paliwanag

2.0
ON
SI
ER
3. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan?
4. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

-V
S
LE

Suriin
DU
MO

Maraming isyu, hamon at suliraning kinakaharap ang ating bansa sa

N

kasalukuyan. Ilan sa mga ito ay maituturing na mga kontemporaryong isyu.

T IO

Kontemporaryong Isyu
RA

Ang Kontemporaryong Isyu ay nagmula sa salitang com+tempor na

nagngahulugang current o napapanahon.
E

Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa

EN

kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay

sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao. Ang mga Kontemporaryong
tG

Isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin.

1s

Kabilang din ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang
ngayon.
Ilan sa Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu :
 Paglabag sa Karapatang pantao
 Bullying
 Diskriminasyon sa Kasarian
 Child Labor
 Overpopulaton
7

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
 Domestic Violence
 Pandemyang COVID 19

Saklaw ng Kontemporaryong Isyu ay :

 Kontemporaryong Isyung Panlipunan
Halimbawa: Halalan, Terorismo, Rasismo
 Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan
Halimbawa: Sobrang Katabaan, Kanser, HIV/AIDS, Drug Addiction
 Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran
Halimbawa: Global Warming, Earthquake, Typhoon, Pollution
 Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan

2.0
Halimbawa: Export/Import, Online Shopping, Free Trade,
Samahang Pandaigdigan
Saan makakasipi ng mga Kontemporaryong Isyu?

ON
 Print Media

SI
Halimbawa: Diyaryo, Magazine, Komiks
 Visual Media

ER
Halimbawa: Balita, Documentaries, Pelikula, Drama sa TV

-V
 Online Media
Halimbawa: Online vlogs, Website, Facebook S
Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
LE
1. Ang mga kaalaman sa kontemporaryong isyu ay makapagmumulat sa
DU

mga mamamayan sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan na

nangangailangan ng solusyon.
MO

2. Nahuhubog ang mga mamamayan upang maging kritikal at mapanuri,

makabansa, makatao at makakalikasan, at maging produktibong
mamamayan ng bansa. Napapalawak rin nito ang pananaw at
N

pagpapahalaga sa lipunan, bansa at daigdig.

T IO

3.Napapahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu

RA

4. Nalilinang ang kahandaan sa hamon at oportunidad

E

5. Nahuhubog ang aktibo at pananagutang panlipunan

EN

Pamprosesong mga Tanong:

tG

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu?

2. Paano ka makakatulong sa pagtugon sa mga isyu at hamong
1s

panlipunan?
3. Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga isyu at hamong
panlipunan bilang kabahagi ng lipunan?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pagyamanin

Gawain 3 : Tick! Talk!

PANUTO : Lagyan ng tick (/) ang kahon sa gilid ng bilang ng
bawat pahayag na naglalahad ng kahalagahan ng pag- aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu.
 1. Dahil sa pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu, tayo ay nagiging
bahagi ng nga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong
nararanasan sa lipunan.
 2. Kapag nalalaman ng bawat tao ang mga Kontemporaryong Isyu,
nagkakaroon ng mas maraming ideya kung paano mabibigyang lunas

2.0
ang mga ito.
 3. Kung tayo ay mulat sa nangyayari sa paligid, ito ay nagiging daan

ON
upang mapaghandaan natin ang isang sitwasyon na maaaaring
makaapekto sa buong mundo.

SI
 4. Maraming magiging tampulan ng tsismis at walang kabuluhang

ER
usapin.

-V
 5. Bilang isang mamamayan, tungkulin natin ang makialam at maging
bahagi sa anumang hamon na kinakaharap ng bansa. S
 6. Nakaaapekto sa mga pangkaraniwang mamamayan ang mga
LE
Kontemporaryong Isyu kaya napapahalagahan mo ang mga tao,
pangyayari, at mga isyu.
DU

 7. Ang mga kaalaman sa kontemporaryong isyu ay makapagmulat sa

MO

mga mamamayan sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan na

nangangailangan ng solusyon.
 8. Nahuhubog ang mga mamamayan upang maging kritikal at
N

mapanuri, makabansa, makatao at makalikasan, at maging

IO

produktibong mamamayan ng bansa.

T

 9. Napapalawak nito ang pananaw at pagpapahalaga sa lipunan, bansa

RA

at daigdig.
E

 10. Napapakalat nito ang iba’t ibang mga fake news na nagdudulot ng
EN

takot at maling impormasyon ng tao ukol sa isang isyu.

tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isaisip
Gawain 4: Kontempo-Libro ng Aking Kaalaman
PANUTO: Mula sa iba’t ibang usapin na nasa kahon sa ibaba, piliin kung alin
dito ang mga Kontemporaryong Isyu, Itala sa unang pahina ng libro ang iyong
mga sagot. Pagkatapos, sa ikalawang pahina ng libro naman, ihayag ang
iyong saloobin kung bakit nga ba mahalaga ang pag-aaral sa mga
Kontemporaryong Isyu sa pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag.

2.0
ON
SI
ER
-V
Mga Kontemporaryong Isyu Personal na saloobin
S
Sa aking pananaw, mahalaga ang pag-aaral
LE
ng mga Kontemporaryong Isyu dahil
DU

1. _____________________ ______________________________
2. _____________________ ________________________________
MO

3. _____________________ ______________________________
4. _____________________ ______________________________
5. _____________________ ______________________________
N
T IO
E RA
EN
tG

Paglaganap ng Investment Scam Pag-atake ng Budol-budol Gang

1s

Paglabag sa Karapatang Pantao Utang ng Pilipinas sa World Bank

Pagtatalo sa Teritoryo Child Abuse

Pandemyang COVID Pagiging maparaan ng mga Pinoy

-19

10

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isagawa
Gawain 5: Ako ay Kabahagi!
PANUTO: Magsisilbi itong pansariling repleksyon sa aralin. Sagutin ang
gawaing ito upang maipakita mo na may bahagi ka sa ilang mga isyu/hamong
panlipunan at bahagi ka rin sa pagtugon sa mga isyu/hamong panlipunang
nararanasan sa kasalukuyan. Mamarkahan ang iyong gawain gamit ang
kasunod na rubric.
Rubric sa pagmamarka sa paggawa ng repleksyon

2.0
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang

ON
Puntos

SI
ER
Pag-unawa Malinaw na 8
naipaliwanag ang

-V
bahagi sa
pagkakaroon at S
pagtugon sa mga isyu
LE
at hamong
panlipunan .
DU

Organisasyon Kumprehensibo at 6
MO

malinaw ang daloy ng

ideya.
N
IO

Nilalaman Wasto at 6
makatotohanan ang
T

mga ideya na
RA

sinusuportahan ng
mga konkretong
E
EN

halimbawa.
tG

Kabuuan Puntos 20
1s

11

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isyu/Hamong Panlipunan

_________________________

Ang aking bahagi sa pagkakaroon

ng ganitong isyu/hamong Ang aking bahagi sa pagtugon
panlipunan ay ng ganitong isyu/hamong
panlipunan ay

2.0
______________________ ______________________
______________________ _________________________

ON
______________________ _________________________

SI
______________________ _________________________

ER
______________________ _________________________

-V
S
LE

Tayahin
DU

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot.
MO

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu?

A. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa
sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang
N

panahon.
IO

B. Ito ay mga isyung nakakaapekto sa isang tao lamang.

T

C. Ito ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

RA

D. Wala sa nabanggit.
E

2. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng Kontemporaryong Isyu?

EN

A. Isyung Personal C. Isyung Pangkapaligiran

B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkalusugan
tG

3. Ang sumusunod ay halimbawa ng Kontemporaryong Isyu, maliban sa

A. Diskriminasyon sa Kasarian
1s

B. Domestic Violence
C. Kakulangan ng ayuda sa Barangay Kapas
D. Paglubo ng Populasyon

4. Ang sumusunod na mga Isyu ay saklaw ng Isyung Pangkalugusan,

maliban sa
A. Sobrang Katabaan C. Polusyon
12

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
B. AIDS D. Drug Addiction
5. Alin sa sumusunod ang midyum upang madali na lang ang pag-alam sa
pinakabagong balita?
A. Print Media C. Online Media
B. Visual Media D. Lahat ng nabanggit
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng isyung personal at
isyung panlipunan?
A.Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng
lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa
isang tao lamang.
B.Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa
suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

2.0
C.Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan
samantalang ang isyung personal ay pansarili lamang.

ON
D.Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning
kinahaharap ng isang lipunan.

SI
7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isyung personal?

ER
A. Migrasyon C. Racial Discrimination

-V
B. Pagbagsak sa klase D. COVID 19
8. Paano naiiba ang Kontemporaryong Isyu sa Kasalukuyang Kaganapan? S
A. Nananatili ang Kontemporaryong Isyu hanggang isang dekada o
LE
higit pa samantalang ang Kasalukuyang Kaganapan ay
panandalian lamang.
DU

B. Ang Kontemporaryong Isyu ay nababalita samantalang ang

Kasalukuyang Kaganapan ay tahimik lang.
MO

C. Ang Kontemporaryong Isyu ay isang limitadong paksa lamang

habang ang Kasalukuyang Kaganapan ay isang malawak na
N

paksa
IO

D. Ang Kontemporaryong Isyu ay pag-uusapan samantalang ang

T

kasalukuyang Kaganapan ay ipinagwawalang-bahala lang.

RA

9. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masayahin sa kabila ng madaming

problemang kinakaharap. Alerto sa pagtanggap at muling pagbangon sa
E

mga hamon at nagaganap sa kapaligiran bagaman problemado. Mahalaga

EN

bang maging mulat at handa sa kasalukuyang nangyayari sa ating

tG

kapaligiran bilang bahagi ng lipunan?

A. Oo, sapagkat maaari mo itong maging basehan upang iwasan ang
1s

mga posibleng panganib.

B. Oo, sapagkat marapat lamang na madami kang masabi sa mga
talakayan ninyo sa silid-aralan.
C. Hindi, sapagkat maaga kang mamumulat sa kasamaan ng
madaming tao sa paligid mo.
D. Hindi, sapagkat bilang mag-aaral wala pa ding saysay ang mga
opinyon mo sa mas nakakatanda.

13

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10. Si Tere ay nag-aaral nang mabuti para may sapat na kaalaman para sa
kinabukasan ng ating bayan. Kung ikaw si Tere, paano mo
gagampanan ang iyong bahagi bilang mamamayan sa pagharap sa
isyu at hamong panlipunan?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at
hamong panlipunan.
B. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong
panlipunan.
C. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga
responsibilidad sa mamamayan.
D. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan
sa sariling komunidad.

2.0
11. Alin sa sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kahalagahan ng
pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

ON
A. Nalilinang nito ang kahandaan sa hamon at opotunidad
B. Nahuhubog nito ang aktibo at pananagutang panlipunan.

SI
C. Napapahalagahan nito ang mga tauhan, pangyayari at isyu.

ER
D. Nakapagdudulot ito ng kaguluhan at kalituhan dahil sa pagkalat
ng mga maling impormasyon.

-V
12. Bilang isang mag-aaaral, paano mo gagamitin ang iyong kaalaman sa
mga Kontemporaryong Isyu?
S
A. Gagamitin ko ito upang protektahan ang aking sarili laban sa mga
LE
taong nais samantalahin ang aking kakulangan sa kaalaman.
DU

B. Bubuo ako ng mga programang pang-ekonomiya gamit ang aking

kaalaman sa mga Kontemporaryong Isyu upang mapaunlad ang
MO

bansa.
C. Magmumungkahi ako ng mga paraan upang mapigil ang
N

kriminalidad sa bayan gamit ang aking kaalaman sa mga

IO

Kontemporaryong Isyu
D. Lahat ng nabanggit
T

13. Ang sumusunod na pahayag ay TAMA, maliban sa

RA

A. Ang Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong usapin na

E

nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging

EN

matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao.

B. Hindi lahat ng Kontemporaryong Isyu ay negatibo at nagiging
tG

suliranin.
C. May mga Kontemporaryong Isyu rin na may positibong epekto at
1s

nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa

lipunan.
D. Wala sa nabanggit
14. Ang problema sa ilegal na droga ay isang malaking isyu na kinakaharap
ng ating bansa. Sa kabila ng pag-aksiyon at paglaban ng pamahalaan
dito, patuloy pa rin ang paggamit ng mga taong lulong dito. Kaya hindi

14

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
napipigilan ang pagtaas ng bilang ng mga krimen. Alin ang posibleng
maapektuhan ng nabanggit na problema?
A. kapayapaan at kabuhayan C. kultura at kabuhayan
B. kalakalan at kabuhayan D. kalikasan at kapayapaan
15. Si Juana ay isang tipikal na kabataan na maraming pangarap sa buhay.
Isa na diyan ang pagnanais na iahon sa hirap ang pamilya. Ngunit siya
ay napabarkada na nagiging balakid sa kanyang pagpasok sa klase na
nagiging sanhi sa kawalan niya ng sapat na kakayahan upang matuto
na naaayon sa kanyang baitang. Bakit nararapat na bigyan ito ng
agarang pansin?
A. upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga kabataang walang
trabaho sa hinaharap.

2.0
B. upang maiwasan na maging modelo siya ng maraming kabataang
mahilig din maglaro ng basketbol

ON
C. upang siya ay muling mahikayat na sipagin pumasok kahit na
may pinagkakaabalahan siya.

SI
D. upang maging inspirasyon nya ang mga pangyayari sa kanyang

ER
buhay at maging inspirasyon sa iba.

-V
S
LE

Karagdagang Gawain
DU

Gawain 6 : Havey! Waley!

MO

PANUTO: Iguhit ang

kung wasto o havey ang diwang ipinapahayag ng
pangungusap at
N

kapag mali o waley ang diwa nito.

IO

_____1. Mahalagang pag-aralan ang mga Kontemporaryong Isyu sa loob at

labas ng ating bansa.
T
RA

_____2. Maraming isyu, hamon at suliraning kinakaharap ang ating bansa sa

kasalukuyan.
E

_____3. Malaki ang papel ng pamayanan sa pagharap sa isyung nagaganap

EN

sa lipunan.
_____4. Ang bawat isa sa atin ay dapat mulat sa mga nangyayari sa ating
tG

kapaligiran sa tulong ng telebisyon, dyaryo, radio, social media, at iba pang

medium ng komunikasyon o media upang mapalawak natin ang kaalaman
1s

sa mga napapanahong usapin. _____5. Katuwang ng pamahalaan ang

mamamayan sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problemang
kinakaharap nito.

15

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Susi sa Pagwawasto

2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

16

Sanggunian
Department of Education (2017). Araling Panlipunan 10 Modyul para sa
Mag-aaral. Department of Education

Department of Education (2017). Araling Panlipunan 10 Gabay sa

Pagtuturo. Department of Education

Antonio, E. et. al. (2017). KAYAMANAN : Mga Kontemporaryong Isyu. Rex

Publishing. Quezon City.

2.0
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong
Isyu. https://www.scribd.com

ON
KontemporaryongIsyu.https://www.academia.edu/28635459/KONTEMPOR

SI
ARYONG_ISYU

ER
Estenor, Alexis. Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.
LinkedIn

-V
SlideShare.https://www.slideshare.net/alexesestenor/kahalagahan-ng-
pagaaral-ng-mga-kontemporaryong-isyu
S
LE
Billones, Alvin. Kontemporaryong Isyu. LinkedIn SlideShare.
DU

https://www.slideshare.net/hanibal258/kontemporaryong-isyu
MO
N
T IO
E RA
EN

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

tG

Department of Education – Cebu Province Division

1s

IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

17

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

You might also like