You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:

2.0
Mga Salik ng Produksiyon at ang

ON
Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na

SI
Pamumuhay ng Tao

ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

2.0
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

ON
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

SI
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

ER
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

-V
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

S
LE
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
DU

Editor Development Team of the Module

MO

Manunulat : Benalyn J. Bertulfo

Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)
N

Tagapamahala
IO

Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales

T

Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao

RA

: Ester A. Futalan
: Cartesa M. Perico
E
EN

CID Chief : Mary Ann P. Flores

EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas
tG

EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio

1s

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon Lahug Cebu City

Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401

E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9

2.0
Araling Panlipunan

ON
SI
Unang Markahan – Modyul 4:

ER
Mga Salik ng Produksiyon at ang
-V
S
Implikasyon Nito sa Pang-araw-
LE
DU

araw na Pamumuhay ng Tao

MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-
araw-araw na Pamumuhay ng Tao.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

2.0
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

ON
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

SI
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayang habang

ER
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

-V
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul: S
LE
DU

Mga Tala para sa Guro

MO

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.
N
T IO

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung

RA

paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
E
EN

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
tG

Para sa mag-aaral:
1s

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

ukol sa Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang- araw-araw na
Pamumuhay ng Tao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na

ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung

2.0
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

ON
SI
ER
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

-V
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
S
LE
DU

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
MO

kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.
N
T IO
RA

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

E

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

EN

kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.
tG
1s

iii
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

2.0
ON
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan

SI
Isaisip
ang patlang ng pangungusap o talata upang

ER
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

-V
S
LE
DU

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
MO

buhay.
N
T IO
RA

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
E

natutuhang kompetensi.
EN
tG

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

1s

Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

iv
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

2.0
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

ON
SI
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

ER
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

-V
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing S
napapaloob sa modyul.
LE
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
DU

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
MO

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
N

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
IO

aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
T

bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
RA

Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

E

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

EN

Kaya mo ito!
tG
1s

v
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin

Panimula
Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao. Minsan
kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang higit na mapakinabangan.

2.0
Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong upang mapakinabangan.
Ngunit, maari rin itong gamitin upang makabuo ng mesa. Ang produksiyon ay proseso ng

ON
pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output.

SI
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Ang mga
input ay ang mga bagay na kinakailangan upang mabuo ang produkto. Halimbawa, ang

ER
pagbuo ng output o produktong mesa at silya ay nangangailangan ng mga input na kahoy,
makinarya, kagamitan at manggagawa. Ang mga bagay na ito ay tinatawag na mga salik ng

-V
produksiyon.

Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

S
LE
1. Nasusuri ang ugnayan at implikasyon ng mga salik ng produksiyon sa pang-araw-araw
DU

na pamumuhay ng mga tao.

2. Nakapagbabalangkas ng plano tungkol sa mga pamamaraan kung paano pahalagahan

MO

ang mga salik ng produksiyon at tugunan ang mga implikasyon nito sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng mga tao.
N

3. Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-

IO

araw na pamumuhay ng mga tao.

T
E RA

Subukin
EN
tG

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1s

1. Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama-

sama ng mga salik upang makabuo ng output.
a. kapital c. paggawa
b. lupa d. produksiyon
2. Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
a. entrepreneurship c. lupa
b. kapital d. paggawa
3. Mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na___________.
a. entrepreneur c. output
b. input d. produksiyon

1
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4. Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
a. entrepreneurship c. lupa
b. kapital d. paggawa
5. Ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto
at serbisyo ay tinatawag na _____________.
a. arkitekto c. magsasaka
b. entrepreneur d. pulitiko

2.0
ON
Balikan

SI
ER
Gawain 1: BABALIK KA RIN

-V
Muling gunitain ang mga nakaraang aralin. Mula rito, itala sa unang hanay ang mga S
paksa o impormasyong malinaw na natutunan at sa ikalawang hanay ay ang mga paksang
LE
kailangan pa ng karagdagang paliwanag o impormasyon upang lubos na mauunawaan.
Kopyahin ang talahanayan at isulat sa isang buong papel. Ipunin sa iyong portfolio ang naging
DU

kasagutan upang mabasa ng guro at mabigyan ng kaukulang puntos.

MO

Mga Paksang Mga Paksang Kailangan Pa

N

Malinaw na Ng Karagdagang Paliwanag

IO

Natutunan o Impormasyon
T
E RA
EN
tG
1s

2
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tuklasin

Gawain: Train Map

Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkasunod-sunod ng pagkakabuo ng produktong
coconut oil. Ilagay ang bilang ng larawan sa mga kahon sa ibaba.

2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

3
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suriin

Mga Salik ng Produksiyon

2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU

JEREMY BENTHAM (1748-1832)

MO

Ayon sa pag-aaral ni Jeremy Bentham

noong 1780, sa ekonomiks, ang
N

mga pinagkukunang-yaman ay
IO

mananatiling walang halaga (value)

T

kung hindi ito mapakinabangan. Ang

RA

gamit (use) ng isang bagay ang

nagtatakda ng kapakinabangan nito.
E

https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-atmga-salik-ng-produksyon
EN
tG
1s

4
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-atmga-salik-ng-produksyon

SI
Sa ekonomiks, ang produksiyon ay isang proseso ng pagpapalit-palit anyo

ER
(transformation) ng mga input upang makalikha ng mga output.

Ang mga input ay tumutukoy sa mga pangunahing kagamitan sa produksiyon.

-V
Tinatawag ang mga input na mga salik ng produksiyon. Ang abilidad ng entrepreneur, kapital,
lupa at paggawa ay mga kinikilalang salik ng produksiyon. S
LE
URI AT KATANGIAN NG MGA SALIK NG PRODUKSIYON
DU

Ang mga salik ng produksiyon ay mga pinagkukunang-yaman na may

kapakinabangan sa produksiyon. Ang abilidad ng entrepreneur, kapital, lupa at paggawa ay
MO

nagsisilbing mga pangunahing kagamitan sa paglikha ng mga produkto. Hindi makalilikha ng

produkto na wala ang isa sa mga nabanggit na mga salik.
N

1. Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksiyon

IO

• Tumutukoy sa kahandaan at kakayahan ng tao na

T

magtayo ng negosyo at patakbuhin ito.

RA

• Entrepreneur ang tawag sa taong nagtatag ng negosyo

na may layuning gumawa ng produkto o magbigay ng
E

serbisyo sa mga mamamayan.

EN

• Maaaring tagapamahala, innovator, risk bearer, at think-

tank ng negosyo
tG

• Nagdedesisyon tungkol sa negosyo, mga produktong

gagawin, kukuning manggagawa at pagpapaunlad ng
1s

produksiyon.
• Tagapag-ugnay ng tatlong salik ng produksiyon

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Entrepreneur:

a. May lakas loob na humarap at hindi natatakot na makipagsapalaran sa

kahihinatnan ng negosyo.
b. May kakayahang mangasiwa ng negosyo
c. Matalino, malikhain, walang kinikilingan sa pagpapasiya hinggil sa pagbabago
sa pamilihan.

5
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2. Kapital Bilang Salik ng Produksiyon

• Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang

produkto.
• Ito ay maaring pera o kasangkapan
• Ginagamit para makapagsimula ng produksiyon o
paunlarin pa ang produksiyon

2.0
ON
SI
Dalawang Uri ng Kapital:

ER
1. Batay sa Pagpapalit – Anyo

-V
a. Paikot na Kapital (Circulating Capital)

• Tumutukoy sa mga intermedyang produkto at hilaw na sangkap na

S
ginagamit sa proseso ng produksiyon.
LE
• Mabilis magpalit-anyo.
Halimbawa: Kuryente at Langis
DU

b. Permihang Kapital (Fixed Capital)

MO

• Mga mabilis magpalit-anyo at di-nahahati na mga produktibong kalakal.

Halimbawa: gusali, planta, makinarya at mga sasakyan
N

2. Batay sa Paggamit
IO

a. Malayang Kapital (Free Capital)

T
RA

• Mga produktong ginagamit ng isang beses lamang.

Halimbawa: tubig, asukal, asin, juice
E

b. Ispesyalisadong Kapital (Specialized Capital)

EN

• Nagagamit sa bukod-tanging layunin lamang

tG

Halimbawa: makinilya, sewing machine, oven

1s

6
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3. Lupa Bilang Salik ng Produksiyon

• Tumutukoy ito sa mapakikinabangang kakayahan ng

kalikasan.
• Ito ay ang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap
na gagamitin sa produksiyon.
• Maaaring gamitin sa pagsasaka, pabahay, at
pagtayuan ng pabrika.
• Napagkukunan din ng kita sa pamamagitan ng
pagpapaupa rito at paniningil ng renta.

2.0
ON
4. Paggawa Bilang Salik ng Produksiyon

SI
• Tinatawag na paggawa (labor) ang pisikal at mental na
kakayahan o lakas ng isang tao upang makapaglingkod.

ER
• Binubuo ng mga taong nasa 18 hanggang 64 na taong
gulang at may kaalaman at kakayahang makapag-

-V
ambag sa paggawa ng isang produkto o serbisyo.
S
LE
DU
MO
N
IO

Dalawang Uri ng Lakas Paggawa:

T

1. White-Collar Job
RA

- Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip

E

kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.

EN

Halimbawa: doktor, abogado, inhinyero at iba pa

tG

2. Blue- Collar Job

1s

- Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa

paggawa
Halimbawa: karpintero, drayber, magsasaka at iba pa

7
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Gawain: SPG- (SANGKAP sa PRODUKSIYON i-GRUPO)

Panuto: Ilista ang mga bagay na ginamit sa paggawa ng sumusunod na mga produkto.
Kilalanin kung anong salik ng produksiyon ang mga ito. Gamitin ang talahanayan sa
ibaba para sa mga kasagutan.

Produkto Ginamit sa Pagbuo ng Uri ng Salik ng

Produkto Produksiyon

1. 1.
2. 2.

2.0
3. 3.
4. 4.

ON
5. 5.

SI
ER
1. 1.
2. 2.

-V
3. 3.
4.
S
4.
LE
5. 5.
DU

1. 1.
2. 2.
MO

3. 3.
4. 4.
N

5. 5.
T IO

1. 1.
RA

2. 2.
E

3. 3.
EN

4. 4.
5. 5.
tG
1s

8
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pagyamanin

Gawain: NEWS ANALYSIS

Panuto: Basahin at pag-aralan ang balita na may pamagat na “Pagsusulong ng Higit na

Produksiyon ng Bigas”. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong at isulat sa inyong

2.0
sagutang papel.

ON
Tinutulungan ngayon ng Bago City, isa sa mga nangungunang producer ng bigas sa

SI
bansa, ang mga magsasaka ng kanilang lugar upang higit na mapakinabangan at maitaas

ER
ang produksiyon ng bigas sa gitna ng implementasyon ng Rice Tariffication Act, na
nagpapahintulot sa malayang pag-aangkat ng bigas sa ibang mga bansa. Sinabi

-V
kamakailan ni Mayor Nicholas Yulo na sa ilalim ng bagong sistema ng taripa,
kinakailangan ang pakikialam ng lokal na pamahalaan. S
“Our goal is really to make our farmers more efficient for them to compete with those in
LE
neighboring countries,” aniya.
DU

Tinaguriang rice bowl ng Negros Occidental, pinarangalan ang lungsod ng Bago sa

ikalawang pagkakataon bilang isa sa mga top rice-producing local government units sa
MO

bansa sa ginanap na 2018 Rice Achievers Awards.

Ang katimugang lungsod ng Negros ay ang nangungunang rice producer sa mga lungsod
N

at bayan sa Western Visayas, base na rin sa ipinapakitang datos ng Department of

IO

Agriculture. “More than the award, we aim to strengthen our production mainly to prepare
for the possible adverse effects of the rice tariffication measure,” pahayag ni Yulo. Sa ilalim
T

ng rice tariffication, hangad ng bansa ang lowest production cost na may maximized yield.
RA

Ipinapakita sa datos ng City Agriculture Office na may kabuuang palay production ang
E

Bago City, na umaabot sa 119,528 metriko tonelada noong 2018 mula sa inaning bahagi
EN

na may 11,879 ektarya. Tumaas din ang average yield per hectare nito mula 4.2 metriko
tonelada noong 2017 sa 4.43 metric tonelado nitong nakaraang taon. Mula sa dating 20
tG

porsiyento, nag-aambag na ngayon ang lungsod ng 25% sa kabuuang produksiyon ng

bigas sa Negros Occidental. Ayon kay Yulo, malaki ang naging tulong ng edukasyon,
1s

pagsasalin ng teknolohiya at mekanismo sa karangalang natamo ng lungsod. “We are on

this path already. We have felt the initial effects of our efforts especially on farm
mechanization,” aniya. Nitong Disyembre lamang, pinasimulan ng probinsiyal na
pamahalaan ang farm mechanization program sa lungsod na gumamit ng 200-hectare
model rice farm sa Barangay Taloc. Pinapangasiwaan ang lugar ng 160 magsasaka, na
miyembro ng Newton-Camingawan-Para Farmers Association. Umaasa naman si Yulo na
magbibigay ng inspirasyon ang karangalan nilang natamo upang higit pang magsumikap
lalo’t marami pa, aniya, ang pagdadaanan nila, lalo na kung ikukumpara sa anim na

9
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
metrikong tonelada kada ektarya, na inilalabas ng mga magsasaka ng mga kalapit na
bansa, sa mas mababang puhunan.
Gamitin ang rubrik na nasa ibaba sa pagbigay ng puntos:
Nilalaman……………. 5
Pagkakasulat………… 3
Kalinisan……………… 2_
Kabuuang Puntos……10

Pamprosesong Tanong:

1. Aling pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng parangal na 2018 Rice

2.0
Achievers Awards?
2. Paano natamo ng lalawigang ito ang mataas na antas ng produksiyon sa bigas? Sa

ON
papaanong paraan makatutulong ang mga salik ng produksiyon sa pagtaas ng
produksiyon ng pagkain sa bansa?

SI
3. Paano makatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng produksiyon ng
bigas?

ER
-V
S
LE
Isaisip
DU
MO

Sa araling ito nalaman mo ang kahalagahan at bahaging ginagampanan ng bawat

N

salik ng produksiyon. Hindi magampanan ng bahay-kalakal ang kaniyang bahagi sa

IO

ekonomiya kung wala ang mga salik na ito. Kaya lagi nating tatandaan na ang produksiyon
T

ay tumutugon sa ating mga pangangailangan. Kung walang produksiyon ay wala rin tayong
RA

produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital at

entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang
E
EN

mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na

tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.
tG
1s

10
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isagawa

Gawain: IKOT-NAWAIN

Panuto: Suriin at unawain ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot na daloy ng

produksiyon. Punan ang mga kahon ng halimbawa ng mga bagay ayon sa
pagkakahanay nito.

2.0
ON
INPUT PROSESO OUTPUT

SI
ER
Halimbawa:

-V
____TUBO_____ _____Sa factory_____ ______Asukal______
1. _______________ __________________ __________________
S
LE
2. _______________ __________________ __________________
3. _______________ __________________ __________________
DU
MO
N

Tayahin
T IO
E RA

TEST I. PAGPIPILI-PILI:
EN

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang titik
tG

ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1s

1. Maaring umiiral ang kakapusan sa pinagkukunang-yaman tulad ng likas na

yaman, paggawa, at kapital. Ano ang dahilan ng kakapusang ito? Dahil
sa_______.

a. hoarding o pagtatago ng mga produkto

b. kawalan ng disiplina ng mga tao
c. malakas na bagyo at iba pang kalamidad
d. may limitasyon ang maraming pinagkukunang-yaman at walang katupusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao

11
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksiyon sapagkat ito ay isang
gawaing pang-ekonomiya na:
a. gumagamit ng produkto at serbisyo
b. lumilikha ng mga produkto at serbisyo
c. lumilinang ng likas na yaman
d. namamahagi ng pinagkukunang-yaman

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?

a. Masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan
na kanyang hinaharap.
b. Pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.

2.0
c. Tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakaaapekto sa kanyang
pagdedesisyon.

ON
d. Tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

SI
4. Nagkokontrol, nagoorganisa at nakikipagsapalaran sa mga desisyon ukol sa
produksiyon.

ER
a. abogado c. consultant
b. accountant d. entrepreneur

-V
5. Ang likas na yaman ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin at S
gagawing produkto. Ano ang nais ipahayag nito?
LE
a. Ang tanging nagpaparami sa produkto at serbisyo ay ang lakas-paggawa
lamang.
DU

b. Kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na

materyales sa pagbuo ng produkto at serbisyo.
c. Kailangan madami ang kapital upang mas mapakinabangan ang mga ito.
MO

d. Kung mas ginagamit ang mental mas maraming produkto ang nagagawa.
N
IO

TEST II. PAGSULAT NG SANAYSAY

T

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang sagot sa inyong
RA

sagutang papel.
E

Gamitin ang rubrik na nasa ibaba sa pagbigay ng puntos:

EN

Nilalaman…………….. 5
tG

Pagkakasulat………… 3
Kalinisan……………… 2
1s

Kabuuang Puntos…… 10

1. Ano-ano ang salik ng produksiyon? Ipaliwanag ang ginagampanan ng bawat salik sa

proseso ng produksiyon.

2. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon?

Pangatuwiran.

12
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Karagdagang Gawain

Gawain: Collage Making

Panuto: Gumawa ng collage tungkol sa mga salik ng produksiyon. Pumili lamang ng isa sa
mga salik. Gumupit ng mga larawan mula sa mga pahayagan o magasin at idikit ang
mga ito sa isang long bond paper. Lagyan ng maikling pahayag sa ibaba ng collage
tungkol sa kahalagahan at kapakinabangan ng inyong napiling salik. Gawing gabay

2.0
ang pamantayan sa ibaba.

ON
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
1. Nilalaman Naipapakita ang mga
bumubuo, gamit at 10

SI
kahalagahan ng salik ng

ER
produksiyon
2. Presentasyon Maayos at malinis ang 10

-V
presentasyon
3. Malikhaing Pagbuo Gumagamit ng recycled 10
materials at angkop na
S
disenyo ayon sa salik na
LE
napili
4.Caption/Pahayag Naglalaman ng pahayag 10
DU

ng angkop na
paliwanang ukol sa
MO

gamit at kahalagahan ng
salik ng produksiyon
Kabuuang Puntos
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

13
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Susi sa Pagwawasto

5. b 5. c

2.0
4. d 4. d

ON
3. b 3. d

2. b 2. b

SI
1. d 1. d

ER
Subukin mo Tayahin mo

-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

14
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Sanggunian

Balitao,B.,Garcia,E., at Marcos L.2006Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IV

(EKONOMIKS). Pilipinas. Department of Education (DepEd)-Philippine Deposit Insurance
Corporation (PDIC).

Pagsusulong ng higit na produksiyon ng bigas | Balita ...

2.0
balita.net.ph/2019/06/07/pagsusulong-ng-higit-na-produksiyon-ng-bigas

Konsepto at mga salik ng produksyon - LinkedIn SlideShare

ON
https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-at-mga-salik-ng-produksyon

SI
Salik Ng Produksyon - LinkedIn SlideShare

ER
https://www.slideshare.net/ciennylighto/salik-n

-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

15
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
ON
TI
E RA
EN

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

tG

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

1s

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

16
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
ON
TI
E RA
EN
tG
1s

17

You might also like