You are on page 1of 29

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao

2.0
ON
Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1):

SI
Mahirap Man ang Gawain, Kakayanin Ko

ER
Nag-iisip Ako Bago Gumawa

-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 6
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri sa Sarili at Pangyayari

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

2.0
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito

ON
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga

SI
ito.

ER
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

-V
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
S
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
LE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

DU

Manunulat: Nadine V. Hamili

MO

Editor: Jane O. Gurrea

Tagasuri: Jovencia C. Sanchez
Tagaguhit: Nadine V. Hamili
N
IO

Schools Division Superintendent:

Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
T
RA

Assistant Schools Division Superintendents:

Dr. Cartesa M. Perico
E

Dr. Ester A. Futalan

EN

Dr. Leah B. Apao

tG

Chief, CID: Dr. Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS: Mr. Isaiash T. Wagas
1s

EPS in ESP: Mrs. Jane O. Gurrea

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City
Telefax: (032) 520-3216 – 520-3217
SDS Office: (032) 255-6405
ASDS Apao: (032) 236-4628

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6

2.0
Edukasyon sa

ON
Pagpapakatao

SI
ER
Unang Markahan – Modyul 1 (Week 1):
Mahirap Man ang Gawain, Kakayanin Ko -V
S
Nag-iisip Ako Bago Gumawa
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakato 6 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa modyul na Pagsusuri sa Sarili at
Pangyayari.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

2.0
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

ON
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

SI
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

ER
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

-V
S
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
LE
DU
MO

Mga Tala para sa Guro

N

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

IO

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

T
E RA

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

EN

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
tG

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
1s

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

2.0
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

ON
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

SI
ER
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

-V
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
S
LE
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
DU

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong
MO

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

N

mapatnubay at malayang pagsasanay upang

IO

mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

T

kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto

RA

ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang

susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
E

modyul.
EN
tG

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o
1s

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

2.0
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

ON
SI
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

ER
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

-V
pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.
S
LE
DU

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
MO

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.
N

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
IO

napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
T
RA

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.
E

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

EN

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
tG

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na

1s

ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.

Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Alamin

Panimula

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat para sa iyo. Ito ay ginawa bilang
iyong gabay sa pagkatuto ng iba’t ibang bagay na may kinalaman sa iyong sarili,

2.0
pakikipagkapwa at pakikibahagi sa lipunan. Halimbawa, nakagawa ka na ba ng
isang mahalagang pasya para sa iyong sarili, para sa iyong pamilya o para sa iyong
kapuwa tao? Kung oo ang iyong sagot, malaki ang tulong na magagawa ng modyul

ON
na ito sa iyo upang mapag-aralan mo kung ang mga nagawa mong pasya noon ay
tama o mabuti at kung ito ba ay nagbunga ng kabutihan para sa iyong sarili at sa

SI
iyong kapuwa tao. Kung hindi naman ang iyong sagot, mabisa at mahalaga rin na

ER
mapag-aralan ang modyul na ito upang tulungan ka na makabuo ng isang pasya o
kahit anong hakbang tungo sa pagpapaganda at pagpapabuti ng iyong pagkatao.

-V
Ang scope ng modyul na ito ay maaring gamitin sa alinmang sitwasyon upang
makamit ang kaalaman. Ang mga salitang ginamit ay angkop sa antas at pagkakaiba
S
ng pananalita ng mga mag – aaral. Ang mga aralin ay inayos alinsunod sa
LE
pamantayan ng asignaturang ito.
DU
MO

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin, ito ay:

 Aralin 1 – Mahirap Man ang Gawain, Kakayanin Ko
N

 Aralin 2 – Nag-iisip Ako Bago Gumawa

IO

Pagkatapos aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

T
RA

1. Nakapagsusuri ng mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa sarili at

pangyayari; EsP6PKP- Ia-i– 37
E

2. Nakagagawa ng matalinong pagpapasiya na may kinalaman sa sarili at

EN

pangyayari, EsP6PKP- Ia-i– 37

3. Napatutunayan na ang katatagan ng loob ay tumutulong sa gawaing
tG

nagpapabuti sa tao; EsP6PKP- Ia-i– 37

1s

4. Nakakagamit ng impormasyon na nagpapakita ng mapanuring pag-iisip

5. Nailalahad ang pasiya na nakabubuti sa nakararami; EsP6PKP- Ia-i– 37

1
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Subukin

A. Panuto: Tingnan ang mga larawan at suriin kung ito ay nagawa mo na

o hindi pa. Isulat sa iyong Activity Notebook ang / kung nagawa mo
na at X kung hindi pa.

2.0
ON
SI
_____1. _____5.

ER
-V
S
LE
DU

_____2.
MO
N
T IO
E RA

_____3.
EN
tG
1s

_____4.

2
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
B. Panuto: Pag – aralan ang mga tanong at sagutan ang mga ito ng Oo o
Hindi. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong Activity Notebook.

1. Ipagpapatuloy mo ba ang paggawa ng proyekto kahit maikli lamang

ang panahon sa paggawa nito?

2. Naniniwala ka ba kaagad at hindi nag – aabala na magsiyasat sa

mga impormasyong ibinibigay sa iyo?

3.Naniniwala ka ba na ang katatagan ng loob ay maaring maipakita sa

2.0
pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa?

ON
4.Isinasaalang – alang mo ba ang kabutihan ng lahat ng mga taong
maapektuhan ng iyong pasya?

SI
ER
5.Susubukan mo pa rin bang sumali sa grupo ng mga mang-aawit sa

-V
iyong simbahan kahit na hindi ka nakapasa sa una mong pagsali rito?

6.Tinitimbang mo ba ang makabubuti at ang makasasama sa mga

S
LE
pagpipilian bago ka gumawa ng isang pasya?
DU

7.Ipinipilit mo ba ang pasiyang ginawa mo kahit na hindi sumasang-

ayon sa iyo ang iba pang miyembro ng pangkat?
MO

8.Pinag-aaralan mo ba ng mabuti ang maaring maging resulta ng

N

pasiya mo bago ito isagawa?

IO

9.Matiyaga mo bang ginagawa ang mga gawain sa paaralan kahit may

T

mga panahong nahihirapan kana?

RA

10.Lalahok ka ba sa mga patimpalak/ programa sa iyong paaralan?

E
EN
tG
1s

Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mga mag-aaral na maglaan ng
Activity Notebook/Portfolio para sa modyul na ito.

3
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Balikan

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

Sa iyong Activity Notebook, iguhit ang hugis puso sa bilang
kung ang pangungusap ay naglalarawan ng isang mabuting
gawain at iguhit naman ang hugis parisukat kung ito ay
naglalarawan ng isang hindi mabuting gawain.

2.0
a. Suriin ang mga mabubuti at di-mabubuting maidudulot ng isang proyekto

ON
bago magdesisyon.

SI
b. Hindi susuko sa mga suliranin sa kabila ng mga hirap na naranasan.

ER
c. Hayaan ang isang kasamahan sa mga nais niya dahil mahusay naman
siyang magsalita.

-V
d. Isipin ang sariling kapakanan kahit mas marami ang nasasaktan. S
e. Umiwas sa pagbibigay ng agarang desisyon upang maiwasan ang
LE
anumang pagkakamali.
DU

f. Maging handa sa anumang resultang kaakibat ng ibinigay na desisyon.

g. Huwag nang alamin ang damdamin ng nasasakupan hinggil sa isang
MO

bagay na kailangan ang pagpapasya mo dahil ikaw pa rin naman ang

N

masusunod.
IO

h. Ipagpatuloy ang pag-aaral kahit hindi man sapat ang baong pera.
T

i. Magbigay ng pasya na mas papabor sa sarili.

RA

j. Matamang pag-aralan ang bawat sitwasyong kakaharapin upang hindi

E

magkamali sa pagpapasyang gagawin.

EN
tG
1s

4
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tuklasin

2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU

Gustong – gusto ng mga batang ito na makapagtapos ng pag-aaral.

MO

Ngunit, hindi ito madali dahil kailangan pa nilang maglakad ng tatlong oras sa
mga bulubundukin at umakyat sa isang tuktok na bundok sa pamamagitan ng
N

hagdan na gawa sa metal upang makarating sa kanilang paaralan. Kahit

IO

mahirap at mapanganib sa mga batang katulad nila, sinisikap nila na

T
RA

makapasok sa paaralan araw-araw upang makatapos sila ng pag-aaral.

Sa tingin ninyo, anong katangian kaya ang ipinakikita ng mga batang
E
EN

ito? Tama kaya ang ginawa nilang pasiya sa kanilang mga sarili?
tG
1s

5
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Basahin ang tula. Ano ang sinasabi nito tungkol sa pagbuo ng tamang
pasiya?

Ang Tamang Pasiya

Maraming nagsasabi,
“Mahirap bumuo ng isang pasiya.”
Dahil maaaring maging mapanganib ang bunga nito.

Bibigyan ako nito ng isang pagsubok

2.0
At ‘pag nag alinlangan ako sa mga bagay
Maaring maging dahilan ng away at sakit sa ibang tao

ON
Nararating ang tamang pasiya, samakatuwid,

SI
Pagkatapos nang maingat na pag-iisip,

ER
At pagtitimbang ng mga bagay-bagay.

-V
Sa ganoon, walang nasasaktan.
Kaya, dapat kong timbanging mabuti S
Ang mga pagpipilian
LE
DU

Dapat mapanuri akong mag-isip.

Sa ganoon, makabubuo ako ng pinakamabuting pasya.
MO
N
IO

Pag – isipan ang mga katanungang ito.

T
RA

1. Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasiya?

2. Paano nararating ang tamang pasiya?
E
EN

3. Nakabuo ka ba ng mahalagang pasiya?

4. Nahirapan ka ba sa pagbuo ng pasiya? Bakit? Bakit hindi?
tG

5. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mong magpasiya?

1s

6
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suriin

2.0
Tayo ay may pananagutan sa ating sarili na matiyak na ang bawat

ON
kilos na ating gagawin ay pinag-iisipan at pinagpaplanuhan. Sa ganitong
paraan ay makatitiyak tayo na lahat ng ating ginagawa ay may pagsasaalang-

SI
alang sa mga taong nakapaligid at tumutulong sa atin. At dahil dito, naipakikita

ER
natin na tayo ay mabuting miyembro ng ating pamilya at pamayanan: isang
mabuting miyembro na maaasahan.

Sa bawat araw ng ating buhay ngayon, kinakailangan ang pagbuo ng

-V
S
pasiya, maliit man o malaki ang kinakaharap na karanasan o sitwasyon. Ang
LE
pagbuo ng pasiya o desisyon ay isang gawain na dapat ay pinag-iisipan
nang mabuti.
DU
MO

Hindi dapat pabigla – bigla ang pagbuo ng pasiya lalo na kung ito ay
tungkol sa isang mahalagang bagay sa iyong sariling buhay.
N
IO

Sa mga panahong ikaw ay nahihirapan sa pagbuo ng pasiya sa mga

sitwasyong nangangailangan ng agarang solusyon, mag-isip ka ng mabubuting
T
RA

bagay, makipagtulungan sa kapwa habang nakatutok sa isang layunin at ipamalas

ang katatagan ng loob- ito ay nangangahulugan ng hindi pagsuko sa anumang
E

kinakaharap na suliranin at ang pagbigay tulong o pagsakripisyo hindi

EN

lamang para sa sarili kung hindi maging sa kapuwa tao.

tG

Gamitin din ang mapanuring pag-iisip. Ang ibig sabihin ng mapanuring pag-
1s

iisip ay kailangan mayroon kang kaalaman sa sitwasyon, pagtitimbang ng

maaaring gawin, pagpili nang pinakamabuti at pag-intindi sa maaaring
bunga o epekto bago bumuo ng isang pasiya.

7
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa iyong Activity Notebook ang
pangungusap na naglalarawan ng mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng

2.0
pasiya.

ON
1. Nagpunta sa isang pagdiriwang ang iyong mga magulang. Binilinan ka na
bantayan ang iyong lolong may sakit. Nagpasiya ka na pakainin siya ng

SI
masustansiyang pagkain dahil alam mong nanghihina na ang kanyang

ER
katawan. Naging masaya ang iyong lolo sa iyong ginawa.

-V
S
2. Nakita mo ang kapitbahay ninyo na malupit sa alaga niyang pusa.
LE
Naobserbahan mo rin na madalas na hindi niya ito pinapakain at inaalagaan
DU

nang mabuti. Humingi ka ng payo sa iyong mga magulang tungkol dito dahil
naaawa ka at gusto mong tulungan ang alaga niyang hayop at hindi mo rin
MO

gusto ng kaguluhan sa pagitan ng iyong kapitbahay.

N
IO

3. Nagkaroon kayo ng experiment ng iyong mga kaklase. Hindi ninyo magawa

T

nang mabuti ang mga hakbang. Binasa ninyo ulit ang mga pamamaraan at
RA

malayang nag-uusap tungkol dito hanggang sa nakuha ninyo ang tamang

E

pamamaraan sa paggawa ng experimento.

EN
tG

4. Nagkayayaan kayo ng magbabarkada na pumunta sa bahay ng isa ninyong

kamag-aral na malapit lang sa paaralan. Ito ay upang magdiwang dahil tapos
1s

na ang isang mahalagang pagsusulit na ibinigay sa mga mag-aaral sa

ikaanim na baitang. Pagdating ninyo sa bahay, biglang naglabas ng alak ang
iyong kamag-aral. Pinigilan mo siya dahil alam mo na ayaw ng mga magulang
mo na uminom ka ng anumang uri ng nakakalalasing na inumin.

8
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
5. Nananawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sangguniang
Kabataan upang magkampanya para sa paglilinis ng inyong komunidad.
Sumali ka dahil alam mong kapaki-pakinabang ang gawaing ito at mayroon ka
namang libreng oras.

Gawain B

Panuto: Lagyan ng ang mga dapat mong gawin na nagpapamalas ng

2.0
katatagan ng loob sa pagbibigay ng desisyon at X kung hindi dapat.

ON
1. _____ Ipagpatuloy ang pag-aaral kahit hindi sapat ang baong pera.

SI
2. _____ Tanggihan ang bisyong inaalok ng mga kasama kahit binantaang

ER
aalisin sa grupo.

-V
3. _____ Isipin ang sariling kapakanan kahit mas marami ang masasaktan.

4. _____ Tanggapin at tiisin ang sinasabi ng ibang tao kung magandang

S
LE
kinabukasan ang kapalit nito.
DU

5. _____ Baguhin maya’t maya ang pasiya.

MO

6. _____ Tanggapin nang maluwag sa kalooban anuman ang kahihinatnan ng

pagpapasiya.
N
IO

7. _____ Pagsisihan ang anumang ibinibigay na pasiya.

T

8. _____ Bawiin ang pasiya batay sa impluwensiya ng iba.

RA

9. _____ Panindigan ang bawat bagay na napagpasyahan.

E
EN

10. _____ Maging handa sa anumang bunga kaakibat ng ibinigay na pasiya.

tG
1s

9
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isaisip

Gawain A:

Panuto: Piliin ang angkop at tamang salita o sagot upang mabuo ang bawat

2.0
pangungusap sa ibaba. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang _____.

ON
a. panlahat c. para sa mga lider
b. pangmarami d. para sa hindi miyembro ng pangkat

SI
ER
2. Naipapakita ang pakikipagtulungan sa _____.
a. hindi paggawa sa napagkasunduan

-V
b. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
c. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkimkim ng sama ng loob sa
S
ibang miyembro ng pangkat
LE
d. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit hindi
DU

sang-ayon ang iba pang miyembro

MO

3. Sa paggawa ng pasiya, dapat _____.

a. sinusunod ang sariling kagustuhan
N

b. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad

IO

c. hinahayaan ang bawat miyembro na makapagpasya para salahat

d. sinusuri nang mabuti ang sitwasyon at isinasaalang-alang ang
T
RA

kabutihan ng nakararami
E

4. Tumutukoy sa _____ ang mapanuring pag-iisip.

EN

a. pagtatago ng detalye ng isang suliranin

tG

b. pagtatanong sa iyong guro o magulang ng kanilang opinyon

c. pagpapaliwanag nang mabuti sa sariling punto at pagpipilit nito sa iba
1s

d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya

5. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong _____.

a. magkaroon ng patunay
b. ipilit ang iyong opinyon
c. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
d. magbigay ng pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong sariling
pananaw

10
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Gawain B:

Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo ang konsepto ng
aralin. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa iyong kwaderno.

Ang mapanuring _____ ay nangangailangan ng kaalaman sa _____,

pagtitimbang ng maaring gawin, at _____ ng pinakamabuti bago bumuo ng isang

2.0
_____.

ON
Samantala, ang __________ ay naipapakita sa gawaing nagpapabuti sa iyo
kahit gaano pa ito kahirap.

SI
ER
-V
S
pasiya pag-iisip pagpili
LE
DU

sitwasyon katatagan ng loob

MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

11
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang bawat sitwasyon. Ipaliwanang mo nang mabuti ang mga
dapat mong gawin at isulat ang iyong sagot sa iyong Activity Notebook.

2.0
1. Nawala ang P20.00 na boluntaryong donasyon ng nanay

ON
mo para sa inyong paaralan. Sa iyong paghahanap,

SI
nakapulot ka ng dalawang P20.00 na magkasamang
nakatiklop. Nang ibinigay mo ang isang P20 sa iyong

ER
guro lumapit ang kaklase mo at sinabing nawalan siya ng

-V
P40.00. Ano ang gagawin mo?
S
LE
DU

2. Nawalan ng pinagkakakitaan ang mga magulang mo

MO

dahil nasunog ang pamilihan sa inyo. Kinausap ka ng

nanay mo at sinabing hindi ka na mapag-aaral sa
pribadong paaralan. Alam mo na Masaya ka roon dahil
N

kasama mo ang iyong mga kaibigan, subalit sa isang

IO

pampublikong paaralan ka na lang nila kayang pag-

T

aralin. Ano ang gagawin mo?

E RA
EN
tG
1s

3. Pinasasapi ka sa isang proyekto tungkol sa pangungulekta

ng mga papel ng iyong mga kasamahan sa samahang
Supreme Pupil Government (SPG. Agad nilang hinihingi
ang iyong pagpapasya upang masimulan ito.Ano ang
gagawin mo?

12
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4. Kinausap ka ng iyong guro dahil possible kang ma-
drop sa klase sanhi ng madalas mong pagliban.
Sinabi mo na tumutulong ka sa iyong ina sa
pagtitinda ng ulam upang matustusan ang inyong
pangangailangan. Sinabi ng iyong guro na mahirap
pagsabayin ang pag-aaral at pagtitinda kaya
pinayuhan ka niyang huminto sa pagtitinda. Ano ang
gagawin mo?

2.0
ON
SI
5. Nasalubong

ER
mo ang pinuno ng samahang
pangkabataan sa inyong barangay. Pinapipirma ka

-V
niya sa isang petisyon upang mapaalis ang isa nilang
kasama na hindi nakikiisa sa kanilang mga
S
programa. Ano ang gagawin mo?
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

13
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Tayahin

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot na naglalarawan ng katatagan ng loob.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong Activity Notebook.
1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga
magulang mo sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano

2.0
ang gagawin mo?

a. Titigil sa pag-aaral

ON
b. Babawasan ang kinakain

SI
c. Iiwasang bumiling ng mga bagay na hindi kailangan

ER
d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera

-V
2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong
kasuotan sa isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin S
mo?
LE
a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
DU

b. Uutang ng pera sa mayamang kaibigan

MO

c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit

d. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
N
IO

3. Napansin mo na sobra ang sukli sa iyo ng tindera at kahit na matindi ang

T

iyong pangangailangan ay isinauli mo ito. Tama ba ang iyong ginawa?

RA

a. Oo, kasi nakakaawa ang tindera.

E

b. Oo, kasi mas kailangan niya ang pera.

EN

c. Oo, kasi takot akong mapagalitan ng tindera.

tG

d. Oo, kasi mas magandang gumawa ng mabuti at maaari kang umani ng

papuri.
1s

4. Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka

nang nakapunta sa museo na iyon pero interesado kapang pumunta uli. Nais
ng mga kaibigan mo na pumunta pero apat kayo at tatlo lang ang tiket ninyo.
Ano ang gagawin mo?
a. Bibili ng isa pang tiket
b. Magmungkahi ng bunutan

14
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
c. Iiwan ang isa ninyong kaibigan.
d. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta.

5. Ipinatawag ka ng tagapayo ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro

ay nadulas ang kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak nang makita
ka. Natatakot siya na mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas
lang sa ospital ng tatay ninyo na nagkasakit. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid.

2.0
b. Paalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya ng husto.
c. Paalalahanan ang kapatid at tatawagan ang mga magulang para ipaaalam

ON
ang nangyari.

d. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang loob

SI
at gagaling din siya kaagad.

ER
-V
B. Panuto: Para sa aytem bilang 6 hanggang 10, basahin at unawain ang
kasunod na kuwento at sagutin ang mga tanong na nakasunod nito .
S
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong Activity Notebook.
LE
Ang bakuran ni Mang Roly ay katabi ng isang eskinita na patungo sa marami
DU

pang mga kabahayan salooban. Dahil sa dalas ng sunog na nangyayari sa kanilang

MO

lugar, pinakiusapan siya ng mga opisyal ng barangay nabawasan ng kaunti ang

kanyang bakuran upang makadaan ang trak ng bumbero kapag nagkasunog. Noong
N

una ay atubili pa siyang pumayag dahil liliit ang kanyang espasyo ngunit sa kanyang
IO

pagsusuri ay napagtanto niyang marami ang masasalanta kapag di siya pumayag.

T

Agad na tumalima si Mang Roly at binawasan ang kanyang bakuran upang lumaki
RA

ang dating masikip na eskinita.

E
EN

6.) Ano ang hiniling ng mga opisyal ng barangay kay Mang Roly?
a. Ipasara ang eskinita
tG

b. Magsilbi bilang bumbero

1s

c. Lisanin ang kanilang barangay

d. Bawasan ang kanyang bakuran

7.) Bakit kinakailangan niyang isakripisyo ang kaunting bahagi ng kanyang

espasyo?
a. Malaki ang ibabayad sa kanya.
b. Takot siya sa mga nakatira sa kanilang lugar.
c. Marami ang maaapektuhan kapag nagkasunog sa kanila.
d. Malaki ang kanyang utang na loob sa mga opisyal ng barangay.

15
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8.) Ano ang binigyan niya ng halaga nang siya’y pumayag sa mungkahi?
a. Ang kapakanan ng nakararami
b. Ang ibabayad sa kanya dahil sa pagpayag
c. Ang kanilang pagiging magkaibigan ng mga opisyal ng barangay
d. Ang maaaring sabihin ng mga tao sa kanya kapag siya’y tumanggi

9.) Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ni Mang Roly sa kwento?

a. Pagmamahal sa sarili
b. Pagiging mabuting kaibigan

2.0
c. Pagbibigay-halaga sa ikabubuti ng nakararami
d. Pagbibigay-halaga sa magiging puna ng mga tao

ON
10. Bakit kinakailangang maintindihan ng mabuti ang mga pangyayari bago
magpasya?

SI
a. Upang maging sikat

ER
b. Upang hangaan ng iba
c. Upang maging magaling na mananaliksik

-V
d. Upang makapagbigay ng angkop na pasya
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

16
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang maikling journal. Isulat ito sa iyong Activity Notebook.

Mga gabay sa pagsusulat:

2.0
1. Mag-isip ka ng isang suliranin na naranasan mo sa iyong buhay.
2. Isalaysay kung ano ang iyong ginawa upang malutas ito.

ON
3. Ibahagi ang iyong natutunan sa karanasang ito.

SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

Mga Tala para sa Guro

Paalalahanan ang mga mag-aaral na maging
malikhain sa paggawa ng journal. Maaring gumamit ng
mga coloring materials o iba pang gamit sa
pagpapaganda ng journal.

17
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Susi sa Pagwawasto

Balikan

2.0
a, b, e, f, h, j c, d, g, i

ON
SI
ER
Pagyamanin Gawain A.

-V
1. Nagpasiya ka na pakainin siya ng
masustansiyang pagkain dahil alam mong
S
nanghihina na ang kanyang katawan.
LE
2. Humingi ka ng payo sa iyong mga magulang
DU

tungkol dito dahil naaawa ka at gusto mong

tulungan ang alaga niyang hayop at hindi mo rin
MO

gusto ng kaguluhan sa pagitan ng iyong

kapitbahay.
N

3. Binasa ninyo ulit ang mga pamamaraan at

IO

malayang nag-uusap tungkol dito hanggang sa

nakuha ninyo ang tamang pamamaraan sa
T

paggawa ng experimento.
E RA

4. Pinigilan mo siya dahil alam mo na ayaw ng mga

EN

magulang mo na uminom ka ng anumang uri ng

nakakalalasing na inumin.
tG

5. Sumali ka dahil alam mong kapaki-pakinabang

1s

ang gawaing ito at mayroon ka namang libreng

oras.
Gawain B.
1. / 6. /
2. / 7. X
3. X 8. X

18
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4. / 9. /

5. X 10. /

Isaisip Gawain A.
1. b
2. b
3. d
4. d

2.0
5. d

ON
Gawain B.

SI
Ang mapanuring pag-iisip ay nangangailangan

ER
ng kaalaman sa sitwasyon, pagtitimbang ng maaring
gawin, at pagpili ng pinakamabuti bago bumuo ng isang

-V
pasiya. S
LE
Samantala, ang katatagan ng loob ay
DU

naipapakita sa gawaing nagpapabuti sa iyo kahit gaano

pa ito kahirap.
MO
N

Isagawa Answers May Vary

IO

1. Isasauli ko ang pera sa aking kamag-aral at

T

hihingi ng kapatawaran sa kanya.

RA

2. Iintindihin ko ang aking ina at sasang-ayon ako sa

E

suhestiyon na sa pampublikong paaralan ako

EN

mag-aral dahil ang mahalaga ay hindi mahinto

ang aking pag-aaral.
tG

3. Hindi ako sasapi sa kanilang gagawing proyekto

1s

at ipaliliwanag ko nang mabuti na ito ay isang

maling gawain.
4. Sasabihin ko sa aking ina ang pag-uusap namin
ng aking guro at sasabihin ko sa kanya na gusto
kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kabila
ng kahirapan.

5. Susuriin ko muna ang pangyayari bago ako

19
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
gagawa ng pasiya tungkol dito.

Tayahin A.
1. c
2. c
3. d
4. d
5. c

2.0
6. d

ON
7. c

SI
8. a

ER
9. c

10. d

-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

Mga Tala para sa Guro

Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring
magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.

20
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies (MELCs)
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2
Tan, Lizbeth C., Eduaksyon sa Pagpapakatao 6, Manual ng Guro

Ylarde, Zenaida R. , Peralta, Gloria A., UGALING PILIPINO SA

MAKABAGONG PANAHON, Batayang Aklat sa Edukasyon sa

2.0
Pagpapakatao 6, 2016

ON
Online References:

SI
www.google.com

ER
https://www.scribd.com/document/386161830/Grade-6-First-Periodical-Test-
in-ESP

-V
Google Internet Pictures S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City

Telefax: (032) 255 - 6405

Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

21
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2.0
ON
SI
ER
-V
S
LE
DU
MO
N
T IO
E RA
EN
tG
1s

22

You might also like